Chapter 31

2090 Words

MAY topak na naman si Stefan at nagsusungit. Hindi na ito kinausap ni Cassandra hanggang matapos ang hapunan. Aliw na aliw siya sa pagkuwento kay Lola Isabela dahil matanong ito tungkol kay Tobi. Iniwan na sila ni Stefan sa hapag at pumasok na sa kuwarto. “May problema na naman po ba sa opisina?” tanong niya sa ginang. “Ah, wala naman,” anito. Nagbukas ito ng red wine. “Masungit na naman ang apo n’yo.” “Nako, kanina pa ‘yan iritable dahil ilang oras naipit sa traffic. Nasira ang gulong ng kotse niya at nakisakay siya sa van ng kumpanya. Iyong driver kasi hindi kabisado rito kaya kung saan-saan pa lumusot.” “Bugnutin talaga si Stefan.” “Huwag mo na lang muna kausapin baka mag-away na naman kayo. Pero napag-usapan na namin kanina na matutuloy ang bakasyon ninyo sa US sa susunod na ling

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD