EXCITED na si Cassandra sa pag-alis nila ni Stefan papuntang US. Hapon naman ang flight nila pero naka-ready na ang mga gamit na dadalhin. Nagpunta pa sa opisina si Stefan dahil may pipirmahang papeles. Nasa lobby na ang dalawang maleta nila ni Stefan at ito na lang ang hinihintay. Nakikinig siya sa mga habilin ni Lola Isabela habang sumasagot sa chat ni Sasha. “Once nakailang araw na kayo sa New York, kumbinsihin mo si Stefan na bisitahin ang puntod ng daddy niya. Aliwin mo muna siya, iyong masayang-masaya para hindi niya kaagad maramdaman ang lungkot kapag nakita ang puntod ng daddy niya,” anang ginang. “Ano po ba ang puwedeng libangan sa New York?” tanong naman niya sa ginang. “Marami. Gustung-gusto ni Stefan mag-harvest ng apple at berries. Alam ko nami-miss na niya iyong gawin. Si