GABI na nakauwi ng bahay si Cassandra at hinatid siya ni Tobi. Umuwi na ang papa niya pero tiniyak muna na okay siya. Sumugod din si Sasha sa bahay niya at hindi pa alam ang dahilan bakit siya hinimatay. “Salamat, Doc. Mabuti to the rescue ka palagi sa beshy ko,” sabi ni Sasha kay Tobi. “I need to monitor Cassandra’s health, so I kept on asking an update from her. Lalo na ngayon na dalawang buhay na ang aalagaan ko,” ani Tobi. “Ho? Paanong dalawang buhay?” Napamulagat si Sasha. Tahimik lang na nakaupo sa sofa si Cassandra at hinayaang si Tobi ang magpaliwanag kay Sasha. Pagod na pagod na siya at gusto nang mahiga. “Cassandra was pregnant,” walang gatol na bunyag ni Tobi. “What? Seriously?” Windang na windang si Sasha, lumapit pa kay Cassandra. Kinalabit siya nito sa kanang braso. “Uy