LINGGO ng umaga ay nagyaya si Lola Isabela na mag-beach sila. Kahit kulang pa ang tulog ay pumayag si Cassandra. Hindi rin naman nakatanggi si Stefan at gusto ring mag-unwind. Sa Batangas sila nagpunta dahil may beach house roon ang pamilya, nakapangalan na rin kay Stefan. Kung tutuusin ay puwede nang gawing beach resort ang lupain dahil sa lawak nito at tabing dagat, kaso ayaw ni Stefan. Ayaw nitong may ibang taong nakapapasok sa property nito. Isang pamilya ang caretaker doon at naglilinis sa paligid ng lighthouse sa itaas ng burol. Kahit tirik ang araw ay naligo sila sa dagat at doon na rin nananghalian. Meron namang cottage roon na yare sa native material. Hindi siya makapag-focus sa pagkain dahil tinatawanan ni Stefan ang balat niya na mabilis nagbago at naging kayumanggi. Hindi kas