NAKATULOG si Stefan pagkatapos umiyak kaya nakalabas ng kuwarto si Cassandra. Madilim na sa labas at naghahanda na ng hapunan si Lola Isabela. Wala silang kasamang kawaksi kaya sila na ang nagluto. Naghatid naman ng ulam ang caretaker pero gusto ng ginang ng ibang putahe. Tinulungan niya ito sa pagluluto ng native na gulay. Mayamaya naman ang sipat nito sa kaniyang mukha, marahil ay napansin ang mugto niyang mga mata. “Bakit ganyan ang mga mata mo, hija? Umiyak ka, ano?” anito. Naghihimay ito ng dahon ng malunggay. “Opo,” tipid niyang tugon. Naghiwa naman siya ng patola. “Ay, bakit? Inaway ka na naman ba ni Stefan?” Tumaas ang timbre ng boses nito. “Hindi po. Nadala kasi ako sa emosyon niya nang magkuwento tungkol sa nangyari sa pamilya niya noon.” Mulagat na tumitig sa kaniya ang gi