APAT na oras lang ang naitulog ni Cassandra kaya pagdating ng opisina ay wala siyang lakas magtrabaho. Inumaga na siya kakaisip ng kaniyang agam-agam at damdaming umuusig sa kaniya. Ginising na siya ni Stefan kaya napilitan siyang bumangon at babalik na sila ng Maynila. Nasa opisina siya ni Lola Isabela at ginawa ang paperwork nito. Hindi niya natiis ang antok at umidlip siya habang nakaupo sa swevil chair. Ngunit ang idlip ay nahulog sa malalim na tulog. Akala ni Cassandra ay panaginip lang na tila siya’y nakalutang. Kalaunan ay natanto niya na totoo ngang nakalutang siya pero ramdam niya ang mga kamay na may buhat sa kaniya. Mabigat ang kaniyang mga mata kaya hindi na siya nag-abalang magmulat. Hanggang sa lumapag ang kaniyang katawan sa malambot na bagay. Napahimbing ang tulog ni Cas