_40_ Paul Shalem I grunt when light strikes my face. Umungol ako at bumaling pakabila pero tinamaan ulit ng liwanag ang mukha ko at masakit iyon sa mata. “f**k!” inis na mura ko saka ko idinilat nang kaunti ang mga mata ko. I saw a woman. Nakatayo ang babae sa may bintana. My eyes are too blurry to see her face but her built is same as, my babe. Faith? “My god, Kuya…” palatak ng babae kaya nalaglag ang mukha ko sa kama—kama na matigas pa sa bato. Urrgh! Si Nissy pala. Kuya raw. Kuya na lang bigla ang tawag niya sa akin simula nang iwan ako ni Faith. Pabalik-balik ako sa ospital simula nang isugod ko roon ang beyanan ko pero ikalawang araw lang, kung kailan kasama ko ang pamilya ko na bibisita, wala na si Faith Serenity. Wala na si Rocco sa ospital. Ang naiwan