Kanina pa nakatutok ang hubad niyang katawan sa shower, hinahayaang tumulo ang tubig sa katawan niya, para ma relax siya kahit papano. Pagod na pagod ang pakiramdam niya, ultimo ang isip niya bago na rin sa kaiisip ng kung anu-ano. "Bullshit!" Hiyaw niya at napapalo ang dalawang kamay sa pader. Sunud-sunod na mura pa ang ginawa niya, nais niyang magwala. Nais niyang ilabas ang sama ng loob na nararamdaman ngayon. Buong buhay niya ngayon palang niya naramdaman ang ganito kasakit sa dibdib. Narinig niya lahat ng sinabi ni Ziyah sa Mommy nito, tungkol sa pagsasama nilang mag asawa. Narinig niyang wala siyang maaasahang pag ibig mula sa asawa niya. At lalong-lalong hindi sila makakabuo ng pamilya kailanman. Ang pagsasama nilang ito ng asawa ay pabor rito. Sa una palang alam naman niyang gin