Chapter-55

1805 Words

Malalim na ang gabi ng matapos silang uminom ni Liam at nagkwentuhan. Nagpasalamat siya sa kaibigan, dahil nadiyan ito agad basta kailangan niya ng makakausap tungkol kay Ziyah. Basta problema sa puso ay ayaw niyang salirinan, baka kasi mabaliw siya at matuluyan. Pagpanhik niya sa silid nila ni Ziyah ay nadatnan niyang nakahiga na ang asawa at mahimbing na ang tulog. Humakbang siya palapit sa kama at pinagmasdan ang maamong mukha ng asawa. Nakaramdam siya ng awa rito sa ginawa niya kanina. Napakaamo ng mukha nito. Iyung tipo ni lamok ay hindi nito kayang saktan. Pero sarado ang puso nito. Manhid at tila walang damdamin ang asawa niya. Basta ang goal nito ay makaganti kay Julio, at pagkatapos ano? Kung mapabagsak na nito si Julio, ano naman ang sunod nitong gagawin? Tanong na gumugulo din

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD