"How are you Zandro? I can't believe it, you are now the Mayor of this town," maarteng sabi ng babae sa asawa niya sabay pisil pa nito sa braso ni Zandro. Lalong lumalim ang kunot sa noo niya, habang hindi nag aalis ng tingin sa kamay ng babae. "Ok na, I know her," sabi naman ni Zandro sa security na nanatiling nakayo malapit sa mga ito. "Sige ho, Mayor," sabi ng security at nagpaalam na sa kanila saka lumakad na palabas ng office of the mayor. Nagtaas siya agad ng kilay ng mapasulyap sa kanya ang asawa. Nakuha naman ng asawa ang nais niyang ipahiwatig kaya naman umatras ito palayo sa babaing mukhang galing ng ibang bamsa, may accent kasi ito at kakaiba rin ang pananamit nito. Masyadong seksi at moderno. "Nagkita kami nina Tita sa Los Angeles and nabalitaan ko nangyari kay Tito, so ay