"Hello?' Inaantok niyang sagot sa cellphone na walang tigil sa pag vibrate. Nagising tuloy siya, buti na lang at hindi nagising si Ziyah na nasa tabi niya. Pikit pa ang mga mata ng bumangon siya at sinilip ang orasan na nasa side table. Alas dos na ng madaling araw. "Who's this?" Iritang tanong niya sa kabilang linya. "Zandro, I mean, Mayor Zandro. It's me Carla," pakilala ng babae sa kanya. "Carla?" Kunot noong ulit niya sa pangalan ng babae sa mahinang tinig. Saka sinulyapan ang asawang natutulog sa tabi. "What do you want Carla?" Bulong na tanong niya. "Why are you whispering?" Tanong nito. 'What a stupid question, Carla. It's 2AM and my wife is sleeping next to me," bulong pa rin niya pero mariing sagot niya rito. Magkababata sila ni Carla, ito ang unang babaeng nakalaro niya