Isang engrandeng binyagan ang ginanap para kay Zander sa VincElla Hotel. Nakauwi ang mga magulang ni Zandro at kapatid. 3 days lang pwede mag stay ang Papa at Mama ng asawa sa San Miguel, dahil kailangan na nitong bumalik ng Los Angeles para magpalakas pa. Hindi pa kasi fully recover ang Papa ni Zandro, sadyang nais lang itong makadalo sa binyag ni Zander. Bagay na kinatuwa naman ni Zandro at syempre siya din dahil pinapakita ng mga ito kung gaano ka importante si Zander na bagong parte sa buhay ng mga De Guzman. Isa na namang De Guzman sa bayan ng San Miguel na pwedeng-pwede sumunod sa yapak ng Papa ni Zandro at sa yapak ni Zandro syempre. "Ang daming umattend, halos mapuno ang venue," bulong sa kanya ni Ysa habang pinagmamasdan nila ang buong paligid na puno ng mga bisita, mga kamagana