"Good morning, Mommy," bati sa kanya ni Zandro nang umagang magmulat siya ng mga mata at nasa tabi ang gwapong asawa na karga, karga ang gwapong anak nila. Ngumiti siya ng matamis kahit halos hindi pa niya nabubuksan ng maayos ang mga mata. Sino ba naman ang hindi mapapangiti kung dalawang gwapo ang makikita niya pagdilat ng mga mata. "Good morning, Daddy and Zander," malambing na bati niya sa asawa at anak. "Gising na si Zander kaya kinuha ko na crib niya, nakita kitang gumalaw kaya naman lumapit na kami sa iyo," paliwanag ng asawa sa kanya. Isang buwan na mula ng maipanganak niya si Zander at nanatili lang siya sa bahay para magplakas. Pumapasok naman na ang asawa sa munisipyo araw-araw. Tuwing hindi naman ito busy sa trabaho ay lagi itong nag vi-video call. Dahil namimiss daw sila