"Sigurado ka ba Zandro?" Alanganing tanong niya sa asawa habang tinatahak na nila ang daan patungo sa bahay nu Julio. Ngayong gabi nila pupuntahan ang Mommy niya para dalhan ng pasalubong at para sabihin sa ina ang magandang balita, na magpapakasal sila ni Zandro sa simbahan soon. Syempre para na rin makausap malaman niya ang tunay na kalagayan ng Mommy niya sa poder ni Julio. Hindi kasi niya ito nakakausap. Kaya naman nag-aalala siya sa ina. "Yes, sweetheart. We need to do this, gusto ko na ring makaharap si Julio," tugon ng asawa at hinawakan siya sa kamay. Bahagya siyang ngumiti. Natatakot siya kahit papano, dahil iba ang ugali ni Julio. Kaya nga nitong pumatay. Natatakot siya para sa kaligtasan ng asawa, baka kasi saktan nito si Zandro dahil sa kanya. Hindi niya mapapatawad ang sar