Makalipas ang tatlong araw nakalabas na sa Donya Feliza Hospital ang Mommy niya. Nagpalakas muna ito sa loob ng ospital, at ginamot ang ilang mga malalang sugat nito katawan sanhin ng pambubugbog ni Julio sa ina. Naka blotter na rin si Julio hindi na ito makakalapit pa sa Mommy niya habang umuusad na ang kaso nito. Sa tulong ni Zandro naisampa niya ang nararapat na kaso kay Julio. Nakapag piyansa ito kaya nakalabas ito ng kulungan. Pero pinapangako niyang mabubulok sa kulungan si Julio sa ginawa nito sa mga magulang niya. Ito palang ang simula ng pagbagsak ni Julio. "Nakakahiya naman sa mga magulang mo Zandro dito mo pa ko sa farm pinatuloy," nahihiyang sabi ng Mommy niya nang makarating na sila sa De Guzman Farm. Sinabi kasi ni Zandro na sa bahay sa farm muna mamalagi ang Mommy niya.