"Bakit hindi ka makasagot ngayon fake first lady?" Panunuya pa ni Nikka sa kanya. Huminga siya ng malalim at tinignan ang higad sa mga mata. Ikatutuwa nito kung magpapakita siya ng inis, iisipin nitong panalo ito sa pang aasar nito sa sa kanya. Kaya hindi niya ito bibigyan ng pagkakataon na makita siyang naiinis rito. "Saan mo nanan nakuha iyang maling impormasyon mo?" Taas kilay na tanong niya rito. Tumawa ito, tawang nakakaloko. Si Nikka ang tipo ng kaklase na bully, iyong takot na takot malagpasan. Gusto laging una sa kahit anong bagay. Ayaw malamangan, laging nakikipag kumpetensya. "Hindi ito maling impormasyon, baka ikaw ang may maling pagkakaalam sa kung ano ka ba talaga sa buhay ni Mayor Zandro," tugon nito, saka lalong tumawa. Masyadong maligaya ang higad sa nasagap na balita