"Zandro, what a surprise, hijo," salubong sa kanila ng Mama niya. Agad na silang dumeretso sa bahay ng mga magulang pagkatapos ng trabaho nila sa munisipyo para malaman nila kung paano nakarating kay Nikka ang balita tungkol sa hindi pagpapa rehistro ng Mama niya sa kasal nila ni Nikka. "Good evening Mama," magalang na bati niya sa ina. "Good evening po," bati rin ni Ziyah sa Mama niya. "Good evening,' ganting bati rin ng ina sa kanila. "Mama, can we talk to you?" Tanong niya sa ina habang mahigpit na hawak ang kamay ng asawa. Nais na niyang matapos ang paghihirap ng kalooban ng asawa niya, Nais niyang maipaliwanag sa mga magulang niya kung gaano niya kamahal ang asawa, para naman maintindihan ng mga ito, kung ano nga ba para sa kanya si Ziyah. Pumasok silang sa loob ng library, at