"Congrats pare sa wakas at tototohanin mo na ang kasal niyo sa simbahan ni Ziyah," sabi sa kanya ni Liam nang niyaya niyang mag dinner ang mag asawa sa bahay nila sa farm kung saan naka stay ang Mommy ni Ziyah. Nais din kasi ni Ziyah na makasama ang Mommy nito. Mabuti na ang kalagayan ng Mommy ni Ziyah, sadyang si Julio na lang ang problema, dahil nagpupumilit pa rin na makalapit kay Mrs. Alacaraz. On going pa kasi ang kaso ni Julio, at dahil nakakapag piyansa ito kaya malayang nakakagala sa bayan nila. Ang abogado na niya ang nag aasikaso ng lahat, at naniniwala siyang mawawalan ng karapatan si Julio sa asawa nito, at makakamit na ni Mrs. Alcaraz ang kalayaan nito kay Julilo. Bagay na pinakahihintay na mangyari ni Ziyah, kaya naman gagawin niya lahat mapagbayad lang si Julio sa mga kasal