Ito na ang araw na pinakahihintay niya ang engrandeng kasal na pinangako sa kanya ni Zandro. Kahit naman hindi na engrande ok lang sa kanya, ang mahalaga nagmamahalan silang dalawa. Sa simbahan ng San Miguel gaganapin ang kasal nila. Maraming inimbita ang asawa, dahil nga isa itong politician sa bayan nila, kabilang na si Nikka at pamilya nito. Siya pa nga mismo ang nag abot kay Nikka sa invitation nito. Sinadya niya ang higad sa opisina nito sa munisipyo para asarin ito na kahit anong gawin nito at kahit ipagkalat pa na hindi rehistrado ang unang kasal nila ni Zandro, dahil hindi pinapasok ng Mama ng asawa ay hahayaan na niya ito. Bahala na ang mga tao sa kung anong nais isipin ng mga ito, hindi naman niya makokontrol ang gustong isipin sa kanya ng mga ito. Kahit naman anong gawin niya a