Makalipas ang dalawang araw nagtungo na sila ni Zandro sa Paris para sa kanilang honeymoon. Tatlong araw silang mamalagi roon, kaya naman pinagbilin na lahat ng asawa sa mga tauhan ang mga dapat gawin ng mga ito. Silang dalawa lang ang bumiyahe, wala naman silang pinagsabihan kung ibang tao maliban sa pamilya nila na sa Paris sila tutungo. Isa pa hindi naman sila siguro susunda pa ni Nikka o ni Wilson ng ganoong kalayo para lang manira ng honeymoon nila. "Wow," bulalas pa niya nang tingalain ang hotel kung saan sila mag i-stay mag asawa. Malaki at napakaganda. "You like it?" Zandro asked. "Yeah, I love it," tugon niya. Hawak kamay silang lumakad papasok sa mataas na hotel. Ito ang unang biyahe niya sa labas ng bansa. Dahil kay Zandro marami siyang nagagawa na dati ay hindi niya kayang