Chapter-8

2118 Words
"Bakit andito ka sa area na ito Zandro?" Tanong niya kay Zandro, habang nagmamaneho ito, at nakaupo siya sa passenger seat. Alam kasi niyang hindi dito sa area na ito ang bahay ng mga De Guzman, malayo rito ang bahay ng magulang ni Zandro. Kaya natanong niya. Baka kase patungo ito sa bahay nila para makausap siya. Pero imposible iyon, dahil naroon si Julio. Hindi welcome ang sino mang De Guzman kay Julio. "May pinuntahan ako malapit sa area na ito," sagot naman nito at sinulyapan siya saglit at muling bumalik sa pagmamaneho ang atensyon nito. "Magkakilala kayo ni Wilson?" Sunod na tanong niya. Napansin kasi niya ang pagka disgusto nito kay Wilson kanina, at ganoon rin si Wilson rito. Mukhang magkakilala ang dalawa. "Uhmm," tanging sagot nito sabay tango, hindi siya nito sinulayapan. "I don't like him, Zandro," amin niya. Totoo iyon hindi niya gusto si Wilson nayayabangan siya sa lalake, masyadong mahangin at feeling gwapo. Ang mga katulad ni Wilson ang hindi niya dapat basta pagkatiwalaan. Ramdam niyang panganib ang dala ni Wilson para sa kanya. Kaya iiwasan niya ito hangga't kaya niya. Pinilit siya ni Julio na ipakilala kay Wilson kagabi nang makauwi siya galing sa De Guzman Farm. Labag sa kalooban niyang hinarap ang mukhang maniac na si Wilson. Hindi niya tinago ang pagka disgusto sa lalake, nang magpakilala ito sa kanya. Agad kasi siyang nahanginan rito at hindi maganda ang naramdaman sa lalake. Kaya naman pag alis ng mga bisita ni Julio ay pinagbalingan siya ni Julio ng galit. Galit na galit si Julio sa kanya kagabi nang puntahan siya nito sa silid niya, nakasunod pa ang Mommy niya at umaawat sa stepfather niyang galit na galit dahil daw binatos niya si Wilson. Hindi niya binastos si Wilson, sadyang hindi lang niya feel ang lalake. Sa loob ng maraming taon na pagtira niya sa bahay ni Julio, ngayon lang siya nito ipinakilala sa isang lalaking binata. At hindi siya ipinanganak kahapon, para hindi niya maintindihan ang ginawa ni Julio kagabi. Alam niyang kinasasangkapan siya ng Stepfather niya, sa pansarili nitong ambisyon. Kaya kanina pag gising niya agad na siyang lumabas ng bahay at nag jogging para makapag isip pa ng mga gagawin niya. Mukha kasing pinagpaplanuhan na siya ni Julio at ng Wilson na iyon. Ang dalawang iyon ay walang karapatang mamahala sa bayan ng San Miguel. Magiging kawawa lang ang bayan nila kung sina Julio at Wilson ang uupo at mamahala. At lalo din silang matataling mag ina kay Julio, pag nanalo ito at magkaroon pa ng kapangyarihan. "Who? Wilson? Why?" Magkakasunod na tanong ni Zandro sa kanya. "Yes, si Wilson, natatakot ako sa kanya" mabilis na sagot niya. Kanina nga nang harangin siya ni Wilson ay nais niyang tumakbo pabalik, para maiwasan ito. Hindi rin niya nagustuhan ang pagtingin ni Wilson kanina sa suot niya. She knows how provocative and sexy ang suot niya, kaya halos nais niya tusukin ang mga mata ni Wilson na walang pakundangan kung tignan ang katawan niya. Nagpapasalamat siyang dumating si Zandro at nakaiwas siya agad kay Wilson na kung tignan siya ay para siyang hubad. "Binastos ka ba niya kanina?" Tanong ni Zandro at sinulyapan siya. "Not really, dumating ka kase," pa cute na tugon niya. Nakakuha siya ng pagkakataon para akitin ito. "Zandro," malambing na tawag niya at bahagyang humarap sa lalake. Inayos pa ang pagakakupo para mas makita nito ang malalaking asset niya, ang dibdib at ang maputi at makinis niyang mga hita. Nagtagumpay naman siya ng mabilis na sumulyap sa kanya si Zandro. "Salamat kanina. Kung hindi ka dumating baka nabastos na ko ng Wilson na iyon," sabi niya na may halong drama sa tinig. Hindi siya expert sa pang aakit sa lalake, pero dahil na rin sa kanonood niya at kakabasa ng mga romantic ay may natutunan siya. At nagagamit niya ngayon to win Zandro De Guzman. Hindi rin nakaligtas sa kanya pag igting ng panga ni Zandro sa sinabi niya. Bahagya siyang napangiti. Marahil concern na din sa kanya ito. Mas mapapadali sa kanyang magawa ang plano niya, kung nagpapakita ng ganitong concern sa kanya si Zandro. "Saan kita ihahatid kung ayaw mo sa bahay niyo?" Tanong nito. "Hindi ako pwedeng umuwi sa bahay ni Julio. Tiyak na nag me-meeting na naman ang dalawang iyon kung paano mananalo sa eleksyon," simangot niya. "Isama pang ginagamit ako ni Julio, para mapasunod nito si Wilson," dagdag niya. "Ginagamit?" Tanong nito sa kanya. Nakuha na niya ang atensyon ni Zandro ngayon. Kailangan na lang niyang ipagpatuloy ang ginagawa. "Hindi pa ko nakakapag breakfast," pang iiba niya ng usapan. "Sinabi mong ginagamit ka ni Julio para mapasunod niya si Wilson. Bakit niya ginagawa iyon?" Tanong nito sa kanya. Mabilis siyang sinulyapan nito at muling binalik sa kalsada ang mga mata nito. "Pwede bang pag usapan na lang natin, while having breakfast," suggest naman niya. Nais na niyang sulitin ang pagkakataon na ito, para makumbinsi si Zandro na pumayag na sa alok niya. "Saan ka naman kakaing restaurant na ganyan ang suot mo?" Sabi pa nito. "May mali ba sa suot ko?" Kunwari'y tanong niya, alam naman niya kaakit-akit ang suot niya. Kaya nga halos maglaway si Wilson sa kanya kanina na kinainis niya. Pero pagdating kay Zandro ok lang, kahit hubarin pa siya nito sa tingin. "Masyadong provocative iyan sa pag ja-jogging," tugon nito. Nahimigan niya ang inis sa tono nito. Lihim siyang napangiti, concern na nga yata sa kanya si Zandro De Guzman, pati ang suot niya pinapansin na nito. "Baka naman pwede sa condo unit mo na lang tayo mag breakfast," anyaya niya. "What?!" Bulalas nito sabay apak pa nito ng malakas sa preno na muntik pa niyang ikasubsob sa dashboard. Buti na lang at suot niya ang seatbelt. "Zandro," maarteng tili niya sa pangalan nito. "How did you know na sa condo ako nakatira?" Nagtatakang tanong nito sa kanya at sinulyapan siya. Napatingin siya sa magandang mga mata nito. Iisa lang ang bulong ng isip niya. Zandro is hot. "I told you, inalam ko muna lahat tungkol sa iyo, bago kita nilapitan at inalok ang sarili ko sa iyo," kaswal na paliwanag niya, na para bang simpleng bagay lang sa kanya ang pag alok ng sarili rito. Nanatili namang nakatingin sa kanya ni Zandro habang malalim ang kunot sa noo. Marahil nabibigla sa mga sinasabi niya. Well, nagpapakatotoo lang siya. Maganda na ring sa simula palang alam na nito kung gaano siya ka determinadong mapapayag itong tumakbo sa pagka Mayor. "Ikaw na rin ang may sabi na masyadong provocative ang suot ko,' patuloy niya at sinulyapan pa ang sariling katawan. Sa pagyuko lang niya ng bahagya ay agad niyang nasulyapan ang malalaki niyang dibdib. At muling binalik kay Zandro ang tingin niya. Pansin din niya ang pag iiwas na sulyapan ni Zandro ang dibdib niya. At least hindi ito katulad ng maniac na si Wilson na masyadong obvious kung maglaway sa katawan niya. "Nagugutom na ko. At hindi ako makakuwi agad, dahil paniguradong magtatagal ang usapan ng demonyong Julio at ang maniac na Wilson na iyon," mariing litanya niya. Para maipakita kung gaano siya kainis sa dalawang iyon. "Hindi rin ako pwede sa mga restaurant dahil sa suot ko," dagdag pa niya habang hindi nag aalis ng tingin sa mga mata ni Zandro. Nakita niyang tumaas ang dibdib nito para humugot ng malalim na paghinga. "Sa suot kong ito, saan sa tingin mo ko pwedeng ihatid?" Tanong niya at bahagyang pinalungkot ang mg mata. Hindi kumibo si Zandro at nag alis ng tingin sa kanya. Muli nitong pinaandar ang kotse. Mukhang tumalab ang drama niya. Hindi naman siya totally nag da-drama. Kung sakaling wala si Zandro, ay hindi rin siya uuwi sa bahay ni Julio. Talagang iiwasan niya si Wilson. Totoo din naman ang sinabi niyang natatakot siya kay Wilson. Alam niyang pareho niyang hindi kilala sina Zandro at Wilson. Pero takot na agad ang naramdaman niya kay Wilson. At iba naman kay Zandro. Napapakabog nito ang dibdib niya, hindi sa takot kundin sa excitement. At ewan niya pero panatag na agad ang loob niya kay Zandro. Ilang minuto lang narating na nila ang Tragora Condo. Napangiti siya at sinulyapan si Zandro na nakatingin sa kanya. "Walang kinalaman sa alok mo ang ginawa kong ito. Gusto lang kitang tulungan ngayong araw," sabi nito sa malamig na tinig. "I understand, Zandro," tugon niya. Hindi niya sasayangin ang pagkakataon na ito para maakit ang isang Zandro De Guzman. Gagawin niya ang lahat para makuha na ang kasagutan nito ngayong araw. At sinisigurado niyang papayag si Zandro. Pagdating sa unit ni Zandro hindi niya naiwasang puriin ang malawak na loob ng unit nito. Napakalinis at nakaayos ang lahat ng kagamitan, parang hindi lalake ang nakatira. Narinig niyang may tinawagan ito sa telepono, para mag order ng breakfast habang busy ang mga mata niya sa pagtingin sa napakagandang unit ni Zandro. May mini bar na puno ng alak at lahat mamahalin. Kumpleto sa mga kagamitan. May malaking kama sa gitna na maayos na maayos ang sapin. Dinaig pa ng kama ni Zandro ang kama niya sa kaayusan. "Who lives with you?" Tanong niya habang patuloy sa pagsuri sa kabuuan ng unit. "Isn't inalam mo na lahat, ang tungkol sa akin. So, I guess alam mo na rin kung may kasama ako dito," sagot nito. Napalingon siya kay Zandro, na nakatayo malapit sa may mini bar. Malaya niyang napagmasdan ang matangkad na binata. Sa tantya niya kay Zandro nasa 6' ang height nito. Ang linis nitong tignan sa suot na puting polo shirt. At aaminin niyang na a-attract siya a kaharap. "Wala kang karelasyon," sagot niya matapos mapagmasdan ang magandang pangangatawan nito. "Exactly," sagot nito. At lumakad palapit sa may mini bar. "Basa ng pawis ang damit ko. Pwede ba kong makahiram ng t-shirt mo," lakas loob na sabi niya. Gaya nang sinabi niya wala siyang sasayangin na pagkakataon, at sisimulan na niya ngayon din. Napatitig sa kanya si Zandro, marahil sinusuri siya kung seryoso siya sa sinasabi nito. Saka ito humugot ng malalim na paghinga at lumakad patungo sa isang pintuang nakasara, marahil closet. Habang hinihintay ang pagbabalik ni Zandro malaya niyang muling sinuri ang buong unit. Sa klase ng unit ni Zandro, masasabi ngang isa itong bilyonaryo. Malaki at lahat ng kagamitan ay halatang mamahalin. Sa pag iikot ng kanyang mga mata isang larawan lang ang nakita niya ang buong unit. Nakadikit pa sa may pintuan ng ref. Humakbang siya palapit sa ref. Larawan iyon ng pamilya De Guzman. Mukhang kuha iyon ng iproklamang Mayor ang ama ni Zandro. Halatang isang masaya at mabuting pamilya ang mga De Guzman. Bagay na kailanman ay hindi siya magkakaroon. Wala siyang matatawag na pamilya, dahil sa kawalanghiyaan ni Julio. Nasa may ref na rin siya kaya binuksan na niya para kumuha ng tubig. Napakunot ang noo niya nang makitang walang laman ang malinis na ref kundi mga bottled water. Ni isang itlog o prutas wala siyang nakita. "Hindi ba siya kumakain dito?" Bulong na tanong niya at humila ng isang bottled water. Binuksan iyon at ininom. Habang umiinom lumabas naman si Zandro mula sa isang pintuan na may bitbit ng damit. "Here, magpalit ka na muna, habang hinihintay natin ang pagkain," sabi nito nang makalapit. Tinignan naman niya ito habang nasa bibig ang bote ng tubig. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtingin nito sa pag inom niya ng tubig. Gumalaw din ang adams apple nito. Bagay na kinatuwa niya. Matapos makainom inabot na nito ang puting damit sa kanya. Saka tinuro kung saan ang bathroom "Salamat," pasalamat niya. At mabilis lumakad patungo sa bathroom. Pagpasok sa bathroom humanga na naman siya sa laki at linis sa loob. May shower at may bathtub. Mas maganda kesa sa sarili niyang bathroom sa loob ng silid. "Napakalinis naman ng lalaking iyon," bulong niya habang naghuhubad. Tinanggal ang cap na suot at nilugay ang mahabang buhok. Saka sinunod na hinubad ang mga damit na nabasa naman talaga ng pawis niya. Buti nalang napaliguan niya ng pabango ang katawan kanina. Naisipan niyang mag shower para ma refresh. Parang ang sarap mag shower sa loob ng bathroom ni Zandro. Para nga pwede ka ng tumira sa loob sa sobrang laki. Matapos makaligo hinila na muna niya ang roba na naroon na walang dudang si Zandro lang ang gumagamit. Binalot niya ang hubod't hubad na katawan sa roba at sinunod ang basang buhok sa towel na naroon. Napangiti siya nang makita kung gaano siya sa fresh at kaganda na tanging roba lang ang suot. Sinadyang niyang hindi itali ng mahigpit ang roba para sana kung papalarin ay kusang matanggal sa pagkatali mamaya pag kaharap na niya si Zandro. "Wala ng dahilan pa Zandro para tumanggi ka sa alok ko," bulong pa niya at ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD