Chapter-9

1827 Words
"Wow, may pagkain na," masiglang bulalas niya nang makalabas ng bathroom at nakita si Zandro na nag aayos ng mga pagkain sa may maliit na mesa na pwede na ring pang dalawang tao. Agad namang napalingon sa dako niya si Zandro, nasa mga mata nito ang pagkagulat ng makita siya. Well, ito na ang simula ng pangaakit niya kay Zandro De Guzman. Agad naman siyang lumapit kay Zandro na malalim ang kunot sa noo, habang nakatingin sa kanya. Marahil gulat ito, pinaalam lang naman kasi niya makikibihis siya, pero nakiligo pa siya at naki gamit pa ng roba. "What are you wearing?" Kunot noong tanong nito. At sinuri ang suot niyang roba. Hindi maayos ang pagkakatali non, sinadya niya iyon. Nais niyang makasilip si Zandro kung ano ang tinatakpan ng robang pagmamay ari nito. "Sorry ah, nasanay kasi akong maligo after mag jogging. Kaya nakiligo na ko. I hope you don't mind," pa cute na paliwanag niya habang nakatingin sa kanya. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtaas ng dibdib nito. Halata na niyang may epekto sa binata ang ginagawa niyang pangaakit. "Kakain lang ako, then magbibihis na," dagdag pa niya at humila ng upuan, at tiningala ito. Kahit saang angulo mo tignan ang isang Zandro De Guzman ay napakagwapo nito. Hindi na siya magtataka pa kung maraming babae ang mababangga niya once na napapayag na niya si Zandro sa alok niya. Hindi naman ito kumibo sa kanya, iniling lang nito ang ulo, at binalik ang atensyon nito sa mga pagkaing nasa mesa. Tumulong na rin siya pag bubukas sa mga pagkaing in order nito para sa kanila. Nagbibiro lang naman siya nang sabihin nagugutom siya, nais lang naman niyang makasama pa ng mas matagal si Zandro, para nga magawa ang mga plano niya. Pero hindi niya napigilang matakam nang makita ang breakfast na in order nito para sa kanila. Mukha kasing masarap at nakakagutom ang itsura. "Kumain ka na, pagkatapos ihahatid na kita," malamig na sabi ni Zandro sa kanya nang maupo ito sa tapat niya. Bahagya siyang napasimangot. Ayaw ba siya nitong makasama pa? Tanong pa niya sa sarili. "Paniguradong magtatagal si Wilson sa bahay," matamlay na sabi niya habang naglalagay ng pagkain sa platong nasa tapat ni Zandro. Nais niyang maka puntos sa binata. Alam niyang may pa baby side din ang mga malalakas na lalake, nais din ng mga itong pinagsisilbihan sila, nabasa niya iyon, kaya ginagawa niya kay Zandro ang nabasa niya. "Ako na. Kumain ka na lang," pigil naman nito sa kanya at hinawakan pa nito ang kamay niya. Natigilan siya, nagulat sa pagdampi ng mainit na palad ni Zandro sa kamay niya. Napalunok siya at napatingin sa binata. Nakatuon ang mga mata nito sa kamay nitong nakahawak sa kamay niya. Kumabog ang dibdib niya. Kung sa excitement o ano hindi niya maintindihan. Lumakas lalo ang kabog non nang mag angat ng tingin sa kanya si Zandro. Nagkatitigan sila. Pakiramdam niya tumigil ang pag ikot ng orasan. Sumikip sa malaking condo unit ng binata. Hindi niya maintindihan ang biglang pag init sa buong paligid, kahit nakabukas naman ang aircon sa buong unit. Siya na ang humila sa kamay niyang hawak nito. Hindi kasi niya nagustuhan ang naging pakiramdam niya. "Saan mo... in order... ito...?" Putol-putol pa niyang tanong habang pilit pinakakalma ang sarili, lalo na ang dibdib na malakas pa rin ang kabog. "Mukhang masarap," dagdag pa niya sa mabilis na salita. Wala naman siyang ano mang narinig na sagot mula kay Zandro. Nakita niya itong sumandal sa kinauupuan. Ramdam ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Ewan niya pero bigla siyang nailang. Kung magpapatuloy siyang maiilang sa binata, hindi niya magagawa ang plano niya. Indimidating nga masyado si Zandro, pero kailangan niyang labanan. "Bakit ba ayaw mo kay Wilson?" Tanong nito sa seryosong tinig. Nag angat siya ng mukha at mabilis na sinulyapan ang gwapong kaharap, at mabilis na binalik sa pagkain ang atensyon. Sumubo na muna siya, naramdaman na rin kasi niya ang pagkalam ng sikmura. Matapos malunok ang pagkain, muli siyang sumulyap kay Zandro na mukhang hindi man nag alis ng tingin sa kanya. Naiinis siya na ewan, dahil nagagawa nitong patibukin ang dibdib niya sa abnormal na tunog. "Julio told me, na interesado sa akin si Wilson," amin niya. Tumaas ang kilay nito, pero hindi kumibo. "And I guess Wilson Santiago is someone I can't trust. I hate the way he talks, and I hate the way he looks at me. And to be honest, I am scared of him," patuloy niya sa seryosong tinig. Hindi niya sinasabi ang mga bagay na ito, para maawa sa kanya si Zandro. Kundi iyon talaga ang nararamdaman niya kay Wilson. Natatakot siya sa lalake, lalo na't malapit ito kay Julio. Alam niyang walang magandang gagawin ang dalawang iyon sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang panganib pag nasa malapit ang dalawang iyon sa kanya. Humugot ng malalim na paghinga si Zandro habang nakatingin sa kanya. Saka bahagyang nilapit nito ang mukha nito sa kanya. Hindi naman siya umiwas, kahit halos sasabog na ang dibdib niya sa kaba. Lalo na nang dumampi ang mainit na hininga nito sa mukha niya. Naramdaman ang pagtaasan ng kanyang balahibo. "Ms. Ziyah, sa akin ba hindi ka natatakot?" Walang ekspresyong tanong nito. "No," mabilis na sagot niya, sabay iling pa ng ulo. Totoo iyon hindi siya natatakot kay Zandro, pero aaminin niyang may kakaiba siyang nararamdaman para sa binata. "You are Zandro De Guzman. You are a good man," patuloy niya. "Really?" Zandro said at sumilay ang tabinging ngiti sa labi nito. "Wla kang idea kung paano ako magtrato ng babae sa kama ko," patuloy nito. Napalunok siya sa sinabi nito. Lalo pang bumilis ang kabog ng dibdib niya nang maglandas ang mga mata nito sa mukha niya pababa sa leeg niya, patungo sa may dibdib niyang nakasilip, o baka naman nakalabas na this time, dahil kanina pa siya gumagalaw, at unti-unting natatanggal sa pagkatali ang suot niyang roba. "Hindi mo ko sasaktan. Alam ko iyon," sagot niya rito sa kaba habang hindi naghihiwalay ang kanilang mga mata. "Paano ka nakakasiguro diyan Ms. Ziyah?" Tanong nito at naramdaman ang kamay nitong humawak sa roba niya. Napalunok siya, nakaramdam ng bahagyang takot o baka excitement iyon. Dahan-dahang hinawi nito ang suot niyang roba. Hindi siya natitinag. Nanatili siyang nakamata sa lalake, at ganoon rin ito sa kanya. Hindi naghihiwalay ang kanilang mga mata habang patuloy ang kamay nitong humahawi sa robang suot. "Baka hindi mo kayanin ang mga gagawin ko sa iyo sa kama ko, lalo na't birhen ka," patuloy nito. Naramdaman niyang nakalabas na ang dibdib niya mula sa roba. Napasinghap siya nang mababa ng tingin si Zandro sa dibdib niyag may kalakihan. Sumilay ang makamandag nitong ngiti sa labi habang nakatuon ang mga mata nito sa dibdib niya. Ito naman ang plano niya diba? Ito ang gusto niyang mangyari. Hindi takot ang nararamdaman niya kay Zandro kundi excitement sa mga susunod pa nitong gagawin sa katawan niya. Bumalik sa mga mata niya ang mga mata nito. Sunod na naramdaman niya ang malapad at mainit na kamay ni Zandro sa may leeg niya. Sunud-sunod na lunok ang ginawa niya habang nararamdaman na naglalandas pababa ang malaking palad nito mula sa leeg niya pababa sa dibdib niyang halos nakalabas na lahat sa harapan nito. "Kakayanin ko ang laro mo sa kama, Zandro," taas mukhang sabi niya rito. Totoo iyon kakayanin niya ang lahat ng gagawin ni Zandro sa kanya. Basta mapapayag lang niya ito. Zandro smirked a dangerous one. Muli na naman siyang napasinghap ng maramdamang halos nasa dibdib na niya ang palad nito. Mukhang ngayon palang makaka score na sa kanya ang lalake. Mukhang mahahawakan na nito ang malalaki niyang dibdib na isa sa pinagmamalaki niyang asset sa katawan. "Sigurado ka ba diyan? I am a beast in bed, Ms. Ziyah," sabi pa nito. Hindi niya alam kung babala o anunsyo nito iyon sa kanya, para malaman na niya ngayon palang kung ano ang pinapasok niya. "I am sure. And I can handle you, Mr. Zandro De Guzman," lakas loob na sagot niya habang naghihintay na mas bumaba pa ang kamay nito sa dibdib niya. Nais na niyang maramdaman na ang mainit na palad ni Zandro sa dibdib niya. Nais na niyang malaman kung ano ang magiging pakiramdam niya once na mahawakan na nito ang dibdib niya. Ngayon palang kase ay tila na siya na pi- pleasure, kung iyon nga ba ang tamang tawag sa nararamdaman niya. Nag-iinit kasi siya, may iba siya nararamdaman sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Ngumiti sa kanya si Zandro. Senyales na ba ito na papayag na ito sa alok niya? Halos hindi na siya makahinga sa sitwasyon nila ngayon ni Zandro. Isang baba na lang ng kamay nito ay mahahawakan na nito ang dibdib niya. Isama pa, isang pulgada nalang din ang layo ng kanilang mga labi. Pipikit na sana siya para mas maramdaman ang sensual na pakiramdam nang biglang may tumunog na kinapitlag pa niya at mabilis na lumayo kay Zandro, at muling pinagsalikop ang robang suot sa pagkabigla. Cellphone ni Zandro ang tumutunog. May tumatawag rito. Sinagot nito ang tawag habang nananatiling nakatingin sa kanya. Nailang siya kaya naman nagyuko ng ulo at naalalang kumakain nga pala sila. Parang nakalimutan na niya ang gutom sa paghaplos sa kanya ni Zandro. Hindi niya alam kung sino ang kausap ng binata, pero mukhang tungkol sa trabaho ang pinag uusapan ng mga ito. Hindi naman tumayo sa kinauupuan si Zandro nanatili itong nakaupo sa tapat niya at nakamata pa rin sa kanya. Para na rin makaiwas tinuon na lang niya muna ang atensyon sa pagkain. Nagsisimula palang sila ni Zandro, pero bakit abot langit na ang kaba niya sa excitement. Bakit imbes na matakot sa babala nito na mabangis ito sa kama ay na excite pa siya, at parang nais na niyang simulan na nila ang laro sa kama. "Ok, sabihin mo ma late lang ako ng konti." Narinig niyang sabi ni Zandro sa kausap nito sa cellphone habang kumakain naman siya. Nalalasaan naman niyang masarap ang pagkain, sadyang wala lang sa kinakain ang atensyon niya, na kay Zandro. Kung ano ba ang sunod nitong gagawin kanina, kung hindi tumunog ang cellphone nito? "Kailangang kong magtungo ng Farm, may mga taong naghihintay sa akin roon," sabi nito. Nag angat naman siya ng mukha, nagtama ang kanilang mga mata. "I'm sorry, Ziyah but, kailangan na kitang ihatid sa bahay niyo," patuloy nito habang nagkatingin sa kanya. Ayaw niyang umuwi dahil naroon si Wilson. Mapipilitan na naman siyang harapin ang lalake dahil kay Julio. At tiyak pagsisimulan na naman ng away nilang tatlo pag hindi niya napakitaan ng mabuti si Wilson. "You can't stay here, kung iyan ang binabalak mo," patuloy ni Zandro. Hindi kasi siya kumikibo. Nag iisip pa siya kung ano ang sasabihin niya sa binata. Totoong ayaw niyang makaharap muli si Wilson. "Sasama na lang ako sa farm, Zandro," lakas loob na sabi niya. "What?!" Bulalas naman nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD