Chapter-10

2226 Words
Labag sa kalooban niyang isama si Ziyah sa farm, lalo na't may trabaho siyang naghihintay roon. Nakokonsensya naman siya kung ihahatid niya sa bahay ni Julio ang dalaga, lalo na't naroon nga si Wilson. Naiintindihan naman niya ang takot ng dalaga kay Wilson. May basehan ang takot nito sa kagaya ni Wilson na walang sinasantong babae, at nanakit pa ng babae. "Araw-araw ka bang nagtutungo sa farm?" Tanong ni Ziyah sa kanya habang nagmamaneho patungong farm. Mabilis niyang sinulyapan ang dalagang kampanteng nakaupo sa passenger seat. Suot nito ang puting long sleeve niya na hindi man umabot sa tuhod nito ang haba, kaya naman sumisilaw sa kanya ang mapuputing hita nito. Nakabukas ang tatlong butones ng long sleeve na suot nito, na tila ba sadya nitong pinasisilip sa kanya ang may kalakihang dibdib nito. Gusto naman niya ang view na nakikita niya, ang hindi lang niya gusto, ay hindi lang siya ang nakakakita sa view na iyon. Kanina nga paglabas nila ni Ziyah sa elevator ng condo umagaw ng atensyon ang magandang dalawa sa mga nakakasalubong nilang mga lalake. Wala naman siyang magawa para pigilan ang mga tumitingin kay Ziyah. Walang hindi mapapalingon sa isang katulad ni Ziyah Alcaraz. Malakas ang s*x appeal nito, isama pa ang magandang pangangatawan. Sa simpleng suot palang nitong malaking long sleeve niya nagawa na nitong lumutang ang kagandahan nito, kahit walang make up, o ano man sa mukha. Bumagay din dito ang mahabang buhok na may pagkakulay brown. She looks hot in her messy hair. "Yes," tipid na sagot niya at muling tinuon sa kalsada ang mga mata. Kung titignan pa niya ng mas matagal si Ziyah, baka mawala na siya sa sarili niya. Kanina lang kahit anong pilit niya na huwag patulan ang pang aakit sa kanya ni Ziyah, hindi pa rin niya napigilan ang sarili na haplusin ang malambot na balat ng dalaga, lalo na ang dibdib nito. Kung hindi lang tumawag ang secretary niya ay baka kung saan na sila umabot ng dalaga, lalo na't ito naman ang nagsisimulang magpakita ng motibo, at wala siyang intensyong tumanggi. "So, ganito ang regular routine ng isang Zandro De Guzman, the future Mayor of this town." "What?" Agad na tanong niya at nilingon ito ng mabilis, nakita niyang nakasilay ang napakagandang ngiti sa labi ni Ziyah. At napakaganda talaga nito. Sino mang makakita sa ngiti nito ay tiyak na mabibighani at mawawala sa sarili. "Gulat ka naman, testing lang," tugon nito. Iniling na lang niya ang ulo at pinilit ang sarili na huwag na itong sulyapan, kung hindi magsisisi siya, at sasakit lang ang puson sa kaiisip kay Ziyah, katulad ng nangyari sa kanya kagabi. Isipin lang ang magandang katawan ng dalaga ay umiinit at naninikip na ang pantalon niya. Wala pa siyang sagot sa alok nito sa kanya patungkol sa pagtakbo niya bilang Mayor. Wala siyang balak pumasok sa magulong mundo ng pulitika, pero nais niyang makalaro ang isang tulad ni Ziyah sa kama niya. Nais niyang makita kung gaano ka submissive ang babae pagdating sa kama. "Sino palang nakatira sa mansyon na iyon?" Tanong ni Ziyah nang makapasok na sila sa loob ng De Guzman Farm. "Care take care lang, but, pa minsan-minsan nagtutungo ang parents ko diyan. At minsa ako din pag sobrang subsob sa trabaho, dito na rin ako nagpapalipas ng gabi," tugon niya habang patuloy sa pagmamaneho. "I see," tanging sagot naman nito sa kanya. Pinagpasalamat na lang niyang hindi na ito nagtanong pa sa kanya hanggang sa marating nila ang kinaroroonan ng opisina niya. Agad niyang nakita ang sasakyan sa labas. Marahil nasa loob na si Mr. Chu. Isang chinese client nila na masyadong barat. Tuwing kukuha ito ng supplies sa farm nila ay nais nitong siya ang kaharap para makipag tawaran pa. Matagal na rin nila ito kliyente kaya naman hinaharap niyang mabuti. Sabay na sila ni Ziyah na bumaba ng kotse. Hindi na naman niya napigilan ang sarili na sulyapan ang mahahabang legs ng dalaga. Napabuga pa siya ng hangin para pakalmahin ang sarili. Mahangin naman kasi sa labas, pero para siyang pinag iinitan ng katawan. "Thank you, Zandro sa pagsama mo sa akin dito," pasalamat pa nito at ngumiti sa kanya ng sulyapan siya. Mahangin sa labas kaya naman nililipad ng hangin ang magandang buhok ng dalaga na lalong nagpaganda rito. "After kong kausapin ang kliyente ko ihahatid na kita sa inyo," tugon niya nang paakyat na sila ng hagdan. "Sige, sana na lang wala na si Wilson sa bahay," sabi nito sa malungkot na tinig. Hindi siya nakakibo, iba kasi ang naramdaman niya sa malungkot na tinig nito. Ramdam niyang malungkot talaga ito, at hindi nag iinarte lang. Pag panhik nila agad niyang nakita si Mr. Chu na nakikipag kwentuhan sa secretary niya. Kilala ding matinik sa mga babae ang intsik kahit may edad na. "Oh, Zandro ngayon ka lang?" Agad na sabi ni Mr. Chu nang makita siya tumayo pa ito sa kinauupuan para salubungin siya nang mapansing napatigil ito sa paglapit sa kanya, at nalipat ang tingin nito sa may tabi niya. Hindi nakaligtas sa kanya ang malisyosong ngiti ni Mr. Chu habang nakatingin kay Ziyah na nakatayo sa tabi niya. Pati secretary niya na kay Ziyah na rin ang atensyon. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagdala siya ng babae sa opisina niya. He has rule na hiwalay ang babae sa trabaho niya. "Kaya pala ikaw late, Zandro eh, may kasama ikaw magandang babae," nakangising sabi ni Mr. Chu sa kanya habang kay Ziyah ito nakatingin. Hindi niya nagustuhan ang uri ng tingin ni Mr. Chu kay Ziyah. Naramdaman rin niya ang pasimpleng pagtatago ni Ziyah sa likod niya. Napahugot siya ng malalim na paghinga. "Lina, pakisamahan mo muna si Mr. Chu sa meeting room, doon na lang kame mag uusap," utos niya sa secretary niya. "Yes, po Sir Zandro," tugon naman ng secretary niya. "Sa loob na lang opisina mo," sabat naman ni Mr. Chu. Na patuloy pa rin ang pagsulyap kay Ziyah. Lalake din siya at alam na alam niya ang ganoong uri ng tingin ng kapwa niya lalake sa isang babae. Ewan niya but, he wants to protect Ziyah. Hindi niya gustong may ibang tumitingin rito. "Excuse me, I'll be there in 5 minutes," seryosong sagot niya kay Mr. Chu, na nadismaya pa sa kanya. Kinapa naman niya ang palapulsuan ni Ziyah na nasa tabi niya at mahigpit na hinawakan iyon, saka hinila ang dalaga patungo sa opisina niya. "Ah, Zandro," tawag pa nito sa kanya, marahil nagulat sa ginawa niyang paghila rito. Hindi na kasi niya kayang makitang tinitignan ni Mr. Chu si Ziyah sa ganoong kasuotan lamang. Kung siya nga s****l active, at sawa sa pakikipagtalik ay nabubuhayan na agad ang dugo mapasulyap lang sa mga mapuputing hita ni Ziyah, isama pa ang dibdib nitong sumisilip. Paano pa kaya ang ibang lalake. "Hintayin mo ko rito," bilin niya kay Ziyah nang makapasok na sa loob ng opisina niya. Iniupo niya si Ziyah sa sofa kung saan ito naupo kahapon. Pag upo nito saka palang niya binitiwan ang palapulsuan nito. "Tatapusin ko lang ang meeting ko kay Mr. Chu at ihahatid na kita sa inyo," sabi pa niya habang nakatingala naman sa kanya ang napakagandang dalaga. Nakabuka ng bahagya ang bibig nito. Dahil na rin nakaupo na ito at natayo siya sa tapat nito, ay nasisilip niya ang dibdib nito. Bagay na lalong nagpapabuhay ng kanyang pagnanasa para sa dalaga. "Sige, Zandro hihintayin kita," sagot naman nito. Tumango na lang siya at agad na ring tumalikod at lumakad palabas ng opisina niya. Kung magtatagal pa siya sa loob kasama ang dalaga, ay baka tuluyan na siyang mawala sa sarili at makagawa ng bagay na baka pagsisihan niya. "Ikaw naman Zandro, hindi mo sinabi may date ka pala, di sana bukas na lang ako nagpunta," malisyosong salubong sa kanya ni Mr. Chu pagpasok sa meeting room. "Ilang truck ba ang kailangan ipa deliver ngayong araw, para maipahanda ko na," sabi niya na hindi pinansin ang komento nito. Naupo siya sa swivel chair na nasa gitna habang nakaupo naman si Mr. Chu sa may gilid niya at nasa labi pa rin nito ang malisyosong ngiti. "Mamaya na natin pag usapan muna iyang negosyo, negosyo na iyan," sabi nito sabay kaway pa sa kamay nito. Kumunot ang noo niya. Nais na niyang matapos ang transaction nila ni Mr. Chu para mabalikan na niya si Ziyah sa opisina niya. "Alam ko naman tipo mo, walang natagal na babae, sa iyo. Bakit hindi mo ipasa sa akin iyung babaing kasama mo kanina. Kursunada ko eh," litanya nito sabay ngumisi na parang demonyo. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ng kaharap. Pero, hindi siya kumibo. Pilit na pinapakalma ang sarili. Naikuyom niya ang isang kamay, kinokontrol ang sarili na huwag suntukin si Mr. Chu. "Napaka bata at mukhang masarap," patuloy pa nito at naglabas pa ng dila. Umigting ang panga niya. Mariing pinikit ang mga mata. Kung hindi niya kokontrolin ang sarili masasapak niya ang kaharap. "Ang puti ng legs at iyung dibdib ang laki ang sarap -" "Mr. Chu!" Mabalasik na tawag niya sa lalake. Hindi na niya pinatapos ang pambabastos nito kay Ziyah. "Kung gusto mo pang makakuha sa amin ng mga gulay, ayusin mo ang pananalita mo. Huwag kang bastos!" Matalim na sabi niya sabay tayo sa kinauupuan. "Eh. Nagbabakasali lang naman ako Zandro na makatikim din ng natikman mo na," nakangising sagot nito na para bang hindi man natinag sa galit na pinakita niya. Mukhang mapapaaway siya at mawawalan siya ng kliyente dahil kay Ziyah. "Mr. Chu!' Malakas na sigaw niya na dumagundong sa buong meeting room. At tila noon palang natauhan si Mr. Chu na nagulat sa pag sigaw niya. Sanay naman na siya sa mga hirit ni Mr. Chu pagdating sa mga babae, sadyang hindi lang niya nagustuhan ngayon, dahil si Ziyah ang pinag uusapan nila. Ayaw niyang may nambabastos kay Ziyah. Hindi deserve ni Ziyah ang mabastos. "Ang staff ko na ang kakausap sa iyo mula ngayon!" Igting pangang sabi niya. Matinding pagpipigil ang ginawa niya para hindi ito suntukin o tuluyang bugbugin sa pambabastos nito kay Ziyah. Lumakad na siya palabas ng meeting room, ayaw na niyang makausap ang mga tulad ni Mr. Chu na bastos. 'Eh... Zandro," tawag pa nito sa kanya. "Nagbibiro lang naman ako dun sa babae," sabi nito na parang tumino yata bigla nang makitang galit na siya. "Ang mga staff ko na ang bahala sa iyo Mr. Chu," tanging sagot niya at inis na lumabas ng meeting room. Malakas ring sinara ang pintuan. "Lina! Lina!" Sigaw niya sa secretary niya na natatarantang sumalubong sa kanya. "Ipakiusap mo na lang ang matandang intsik na iyon sa mga staff, huwag mo na siyang ihaharap pa sa akin. Huwag niyo din ibigay ang discount na gusto niya. At kung tatanggi na siya, hayaan niyo siyang humanap ng ibang supplier niya. Hindi siya kawala sa farm!" Galit na litanya niya sa secretary niya na gulat na gulat sa mga sinasabi niya rito. Kilala siyang mabait sa mga tauhan niya, lalo na sa mga kliyente nila. Ngayon lang nangyaring nagalit siya ng husto at handang mawalan ng kliyente. Muntik na nga rin niyang suntukin si Mr. Chu kanina, mabuti na lang at nasa tamang pag iisip pa siya at napigilan ang sarili. At ang pag init ng ulo niya kay Mr. Chu ay dahil kay Ziyah, hindi niya nagustuhan ang pambabastos nito kay Ziyah. "Si.... ge... po... Sir....,' tarantang sagot pa ni Lina sa kanya. "Damn it!" Malakas na mura niya nang magtuloy sa paglalakad patungo sa loob ng opisina niya kung saan naghihintay sa kanya si Ziyah. Napapasulyap naman sa kanya ang mga madaanan niyang staff. Natigilan siya nang pagpasok sa loob ng opisina ay nadatnan si Ziyah na nakaupo sa ibabaw ng mesa niya habang hawak ang isang magazine. Mabilis itong nag angat ng ulo mula sa binabasang magazine at tumingin sa dako niya. Agad naman niyang sinara ang pintuan at pinindot ang lock. Hindi niya alam kung bakit kinailangan pa niyang i lock ang pintuan. Napalunok pa siya nang mapagmasdan kung gaano kaganda si Ziyah sa pagkakaupo nito sa mesa. Naka crossed legs pa ito, kitang-kita ang nakakasilaw na mga hita nito. Dahan-dahang umakyat ang mga mata niya sa suot na long sleeve ni Ziyah. Agad na napansing dumami ang mga bukas na butones ng long sleeve nito, kaya naman halos nakalabas na ang dibdib nito. Alam niyang ang ginagawa ni Ziyah ay para maakit siya at mapapayag siya sa gusto nito. At aaminin niyang naaakit siya sa napakagandang dalaga, at mukhang mahihirapan siyang tumanggi sa ganito kaganda at sariwa. "Tapos na agad ang meeting?" Nakangiting tanong nito sa kanya. Nalipat ang mga mata niya mula sa dibdib nito sa maganda nitong mukha at mga matang nakangiti pero nababakas pa rin ang kalungkutan. "Yes," tugon niya at humakbang palapit sa dalaga na nanatiling nakaupo sa ibabaw ng mesa sa nakakaakit na posisyon. "Ang bilis naman," sabi pa nito. Hindi siya kumibo. Huminto siya sa tapat nito, habang hindi nag aalis ng tingin sa mga mata nito. "Ziyah," tawag niya sa pangalan nito at lalo pang nilapit ang katawan sa dalaga. Wala naman siyang nakitang pagtutol mula rito kaya naman mabilis niya itong hinawakan sa magkabilang pisngi at tinawid ang pagitan ng kanilang mga labi. Hindi na niya kayang pigilan pa ang sarili, mababaliw siya kung hindi niya hahalikan si Ziyah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD