Election Day. "Ito na ang araw na pinakahihintay mo Ziyah," sabi niya sa dalaga matapos nilang makapaghanda na para magtungo sa botohan. Ngumiti ito sa kanya at humakbang palapit. Ang ganda pa rin nito kahit sa simpleng puting t-shirt lang at maong pants. Para lang itong estudyante, napaka fresh at napakabatang tignan. "Yes, the long wait is over, ngayong araw na ito makikita na ni Julio na ito na ang simula ng pagbagsak niya," nakangiting tugon nito at huminto sa tapat niya. "Zandro," malambing na tawag nito sa kanya. Kabisado na niya ang tonong iyon. Pag sa ganoong paraan siya tinawag ni Ziyah, ay nagbabalak na naman itong akitin siya. Hindi nga niya alam kung bakit, nais na nitong may mangyari sa kanila, lagi itong nang aakit sa kanya. Sinabi na rin naman niyang nais niya itong ma