Pagbalik nila galing Isla nag set naman ng isang dinner date si Zandro para sa kanila sa kilalang restauranr sa loob ng VincElla Hotel. Nais daw kasi ng asawa na magkaroon pa rin sila ng quality ng asawa. Inihatid nila si Zander sa bahay ng Mommy niya. Hindi muna kasi nila masasama ang anak sa date nila. Ngayon lang naman at wala namang masama na lumabas muna sila ng asawa na silang dalawa lang. "Sunduin na lang namin po siya Mommy ng late mamaya," sabi niya sa ina habang inaayos ang mga gamit na dala ni Zander. "No, problem hija, kahit dito na muna matulog itong si Zander, gusto ko rin namang makasama ang apo ko," excited na sabi ng ina na sabik na sabik sa apo. "Sunduin na lang po namin siya mamaya," sabi niya at sinulyapan si Zandro na nakatayo ay hinihintay siya. "Ako ng bahala ka