CHAPTER 13

2095 Words

THIRTEEN: "Special treatment..." PIPINDUTIN na sana ni Lindsay ang call button sa number ng ate Leslie niyang naka-save sa kanyang cellphone para tawagan ang mga ito sa baryo at mangamusta lalo na sa kanyang mahal na pamangking si Miro, kaya lang ay bigla niyang naalala ang huling naging pag-uusap niya noon sa mga magulang sa telopono din kinagabihan noong gabing bumisita ang mama at papa niya rito sa apartment nila ni Adriana sa Siyudad.   "Ma, napatawag kayo?" aniya.   Kakatapos lang niyang magbihis noon ng pantulog at naghahanda na ring humiga sa kanyang kama.   "Nangangamusta lang, anak."   Naupo siya sa gilid ng kanyang kama.   "Ma, naman! Kagagaling ninyo lang ni papa rito kanina, ayos naman po ako."   "Kumain ka na ba, kayo ni Adriana?"   "Opo, katatapos lang kumain.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD