TWELVE: "Together in church." "BASTE, bilisan mo na diyan! Male-late na tayo nito eh!" ani Lindsay habang naghihintay sa munting teresa ng bahay ni Baste Linggo ng alas nuwebe ng umaga dahil magsisimba silang dalawa. "Opo na riyan na. Sandali lamang, mahal na prinsesa." anito habang nag-aayos pa rin sa loob. Napanguso na napangiti nalang siya. Kahit kailan talaga si Baste! Dalawang buwan na ang lumipas magmula nang mag-umpisang manligaw sa kanya ang kapitbahay niyang ito at aminado siyang sa bawat araw na nagdaraan ay nahuhulog na rin ang kanyang loob sa binata. Hindi naman kasi talaga mahirap na ma- in love rito, kahit na sino nga sigurong babae ay dalagang mapapaibig nito dahil sobrang bait nito, maginoo, at higit sa lahat, maunawain taliwas sa kanyang mga hindi magaganda