ELEVEN: "Magkaiba kami..." “SILANG dalawa ay parehong naging bahagi ng nakaraan ko at naging parte ng masalimuot na pagkabigo ng aking puso." kuwento ni Lindsay. "Anong ibig mong sabihin, Say?" masuyong patuloy nito. Alam niyang may pakialam ito kaya ito nagtatanong ng ganito at dahil na rin sa nais talaga nitong makapasok sa kanyang buhay at puso. Nais nitong malaman ang mga detalye ng buhay pati na ng nakaraan niya at hindi na niya balak na magkaila pa rito. "Yung lalaki kanina, si Raymond. Siya ay first love ko at yung kasama niyang babaeng may dalang sanggol ay si Adaline, asawa niya at ex-close friend ko.” “Sinaktan ka ba nila dati? Tinraydor? Niloko?” She nodded. Para mas maging malinaw ang lahat ay ikinuwento niya ang lahat dito. Ang lahat ng mga pangyayari kung