Napahikbi nalang ako nang pilit pa nilang sirain ang uniform ko. Sumiksik ako sa sulok ng elevator at yumuko. "Tss. Pathetic." biglang tumunog ang elevator at rinig ko ang pagbukas ng pintuan ng elevator. "Ooohhh..." Alam kong marami ng nakatingin sakin dahil bukas na ang elevator. Mga bulungan at mga kantyaw. Niyakap ko ang dalawa kong tuhod at bahagyang tumalikod sa kanila. Kaso hinila ako ng babae na Rita ang name at hinarap ako sa kanya. Tinayo niya ako at hindi ko alam kung ano ang dapat gawin ngayon. I feel so helpless. Everybody is just watching me. "Woah! Live show!" boses ng lalaki. Nagpumiglas ako at pilit na tumatalikod. Sira ang butones ng uniform ko kaya kita na ang dibdib ko. I should've wear extra shirt. Stupid me. "Ano sa tingin mong ginagawa mo?!" may isang babaeng