Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko. Napangiti ako. Kumakain ako ng ice cream. Mango flavor ang binili niya. Ayoko ito pero dahil binili niya, masarap at hindi ako magrereklamo. "You okay now?" tumango ako at sumubo muli ng isang kutsarang ice cream. "Thank you dito!" masayang sambit ko. "Pati rin sa napkin thank you!" tumikhim siya at agad umiwas ng tingin. "Nga pala Von. May klase pa tayo diba?" "We'll go home after you eat." "Di na tayo papasok?" "Gusto mo pang pumasok?" tumango ako. "Mamimiss natin ang mga lessons." inirapan niya lang ako. "Pero yung mga lessons hindi ka mamimiss." nakakalokong sabi niya. Napanguso ako at pinagpatuloy ang pagkain. "Ang kalat mo naman kumain." biglaang sabi nito. "Hingi tissue." luminga siya sa paligid at umiling. "Walang tissue." Ah. K