Matapos ang speech ng director ay sinabihan niya ang mga bisita na pwedeng tumingin at maglibot. Naglibot libot kami ni Lloyd, I can say na mahilig siya sa art. Ako tango lang ng tango, pero nakikinig naman ako sa mga sinasabi niya. Dagdag knowledge din. Napahinto ako nang makaramdam ako ng kakaiba. "Why? Is there something wrong?" alalang tanong niya. "Lloyd? Cr muna ako ha?" paalam ko sa kanya "Oh. Sure. Samahan kita." umiling ako. "Hindi na. Balikan nalang kita dito, tingin tingin ka muna diyan." paalam ko. "Sure ka?" tanong niya. Tumango ako bago hinanap ang cr. Lumabas ako at hinanap ang cr. Walang katao tao sa hallway. Nasa loob sila lahat. Tumingin tingin ako sa gilid kung nasaan ang cr. Wala rin akong matanungan. Oo nga pala, dapat pala nagtanong muna ako. Lumiko ako at may