Nagpasya kaming umuwi na pagkatapos ng konting pahinga kanina doon sa loob. Nasa limousine ako ni Von ngayon at katabi siya. Sumandal ako sa balikat niya at humawak sa kamay niya. "Are you hungry?" tumango ako. "Saan tayo kakain?" tanong ko. "Fast food? Restaurant?" umiling ako at tumingin sa kanya. "Luto mo ko." nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. "Iluluto kita? Shall I fried you?" hinampas ko ang braso niya. "Korni mo." he smirked. "I'll cook then." sabi niya pa. "Paano mo nga pala nalaman na nandoon ako? Hindi ko magets." tanong ko. "Your necklace." napatingin ako sa necklace ko. "Anong meron dito?" takang tanong ko. "GPS." nilabas niya ang relo na suot niya kanina. "This watch is connected to your necklace. Color red pops when you're just around, Green when you're very f