Proposal 1

1507 Words
"Briana! Anong kulay ng bra mo ngayon?" bulong sakin ni Shin Zendano. Kilala siyang playboy sa school namin. Transferee lang siya pero sobra niyang daming babae. Ang weird din ng isang ito. "Bakit ka naman interesado sa bra ko?" takang tanong ko. "May boobs ka din?" nakangiti siyang tumango. "Talaga? Anong size mo?" masayang tanong ko nang may biglang bumatok sa kanya ng malakas. Si Ayesha Ramirez. "Hoy Bria! Huwag ka ngang magpapaniwala sa gunggong nato! Manyakis to." napakamot ako ng ulo. "Ikaw, halika dito baliw ka." hinila niya ito sa tenga patayo at saka lumakad palayo. Weird. Nag focus nalang ako sa pagrereview ko sa Philosophy. May test kasi kami ngayon. Nasa garden ako ng school at hanggang ngayon mag isa parin ako. Wala ang kaibigan kong sila Maxine. Ang boring tuloy. "Hi Briana!" may bumati saking mga lalaki. Mga first year college students. Last year ko na kasi sa senior high dito sa Lumin University, but it's more like so called second year senior dahil shs at college lang ng nandito. "Hello!" isa isa silang lumapit sakin nang ngitian ko sila. Sabi nila Maxine marami daw nagkakagusto sa akin dito sa University. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng gusto kaya hindi ko naman pinapansin. Lahat kasi ay nakakasundo ko. Hindi ko alam kung bakit maraming lumalapit sa akin na boys, samantalang girl naman ako. Para sakin ang weird. Wala parin ako sa sarili dahil sa lalaking nakausap ko sa library. Last week pa iyon pero hindi ko pa siya nakikilala. "Gusto mo sumama sa amin?" napatigil ako sa tanong nila. Lima sila at mga mukhang mga nagbubulakbol dahil bukas pa ang butones ng mga uniforms nila. "Saan naman?" nagtinginan sila at nagngitian. "Sa birthday ko sa linggo. Gabi kasi iyon. Ikaw ang gagawin kong special guest kaya kailangang pumunta ka." tumango tango ako. "Oh sige." napasigaw sila. "Ayos! Linggo ah!" tumango ako habang nakangiti. "Nice pre!" kantyaw sa kanya ng iba niyang kaibigan. "Ah Briana, gusto ko sana magsuot ka lang ng two piece. Yung undies lang." nagtaka naman ako doon. Bad daw yun sabi ni mommy, hindi naman daw ako si Eva kaya bakit ako mag gaganun? Bawal yun. Isa pa, hindi naman ako model kaya hindi ako mag gaganon. "Hindi ako nagsusuot ng ganon eh. Sorry." paghingi ko ng tawad. "Pwede bang iba nalang?" napasimangot siya. "Sige. Pero gusto ko pula yung underwear mo--Aray!" napatayo ako sa gulat sa isang bolang tumama sa kanya mula sa kung saan. "Tangina sino yon?!" nagkaroon ng kumpol sa paligid at ang iba ay napapatingin sa amin. Tumingin ako sa paligid at wala naman akong nakitang taong pwedeng bumato non. Wala namang varsity na nadaan o mga player. Sino kaya yun? Bigalng tumunog na ang bell kaya dali dali kong kinuha ang gamit ko. "Sige ha? Una na ako sa inyo!" patakbo akong pumunta sa next subject ko. Naabutan ko pang papasok palang ang prof. Ang aga naman. Hindi na tuloy ako makakapagreview pa ng maigi. Dumiretso na ako sa upuan ko. "Briana saan kaba galing?" narinig ko ang ingay nila Maxine na nasa likod ko pala. "Diyan lang sa tabi tabi." nakangiting sagot ko. "Nagreview kayo?" umiling sila kaya natawa ako. Kung aalis ang prof. baka mapakopya ko sila pero kapag nandyan the whole time hindi pwede. Lagot kapag ganon. Nasa bandang bintana ako kaya kapag natatapos ako ay tumitingin lang ako sa labas, bawal kasing makipag usap sa katabi. Lingon lang bawal. Ganon kapag exams. Natanaw ko ang isang lalaking nasa rooftop na nagsisigarilyo sa di kalayuan. Mag isa lang siya at nakasandal sa railings ng rooftop. Delikado doon ah, pati ang pagsisigarilyo ay bawal. Nakatalikod siya at tanging ang matipunong likod niya lang ang nakikita ko. Unti unti siyang humarap at tinukod ang dalawang kamay sa railings. Napatango ako. Kaya pala. Siya pala yon, ang badboy ng school. Hindi ko alam kung bakit siya kilala, halos isang taon na ako sa school na ito at never pa kaming nagkausap. Feeling ko mabait naman siya, tsaka gwapo din. Von yata ang name niya. Malayo ang building ng boys sa girls. Minsan yung iba sumasakay pa para makapunta sa boys building, tanaw naman ang boys building dito kaya lang iikot kapa sa labas ng school para makapunta at maraming pasikot sikot kaya medyo malayo din. Dito kasi sa building namin puro girls lang. Ang weird ng school namin pero okay lang, cute naman. Nahigit ko ang hininga ko nang tumingin siya sakin. Nakakunot ang noo niya habang humihithit ng sigarilyo. Tinaas ko ang kamay ko at kumaway. Ngumiti ako ng alanganin. Umismid lang siya at tinalikuran ako palayo. Napasimangot ako. Ang sungit. Hmp. Natapos ang exams na walang kopyahang naganap. "Grabe! Hindi ko alam yung isasagot ko, ang higpit kasi ni sir!" reklamo ni Sally. "Kopya sana kami sayo Bria." sabat naman ni Maxine. "Oo nga, feeling ko ikaw na naman ang perfect." dagdag ni Nea. "Hala edi parehas tayo ng sagot?" umikot ang mata nilang tatlo. "Malamang!" napapikit ako at napatawa. "Hehe sorry!" sabi ko at nag peace sign. "Oo nga pala huwag ka ngang lalapit kila Jacson! Mga baliw ang mga yon, mga manyak!" pagpapaalala ni Sally. "Tsaka ano bayan Bria? Hindi mo ba mahalata na minsan binabastos ka nila?" napanguso ako at nagtaka sa sinabi ni Nea. "Sabi ni mommy kapag hinawakan daw ang private parts mo binabastos kana. Hindi naman nila hinahawakan ang private parts ko." napatampal silang tatlo ng ulo. "Pigilan niyo ako, mababatukan ko tong babaeng to." pagpipigil ni Maxine. "So hihintayin mo pang hipuan ka nila ganon?" napailing sila. "Basta wag kang makikipag usap kahit kanino dito sa Lumin, gets?" tumango ako ay ngumiti. "Yes po!" napangiwi sila. "Ewan. Hirap makipag usap sa taong slow." Dumating ang hapon at natapos na ang lahat ng subject namin. Kaming apat ay pauwi na sana nang may natanggap akong message. From: +639xxxxxxxxx Nasaan ka Bria? Punta ka naman dito sa boys building sa may swimming pool area. Huwag mo ng ipaalam sa mga kaibigan mo, may sasabihin lang akong importante. "Uwi na tayo Sally!" yaya ni Nea. "Uhh sige una na kayo, may pupunatahan lang ako." sabi sa text bawal ko daw sabihin. Okay lang naman magsinungaling. White lies naman daw tawag doon. "Saan ka pupunta?" nagtinginan silang tatlo. "May pupuntahan lang. Sige una na ako!" nakangiti akong nag babye sa kanila bago pumara ng sasakyan papuntang kabilang building. Ay teka, sino nga pala yung nagtext? Weird. Hindi siya nakasave sa contacts ko. To: +639xxxxxxxxx Sino ka nga ulit? From: +639xxxxxxxxx Jacson to Bria. ❤ Napatango nalang ako bago hinintay na tumigil ang sasakyan pahinto sa boys building. Maghahapon na at palubog na ang araw. Ano naman kaya ang kailangan nila? Baka naman importante. Nagbayad agad ako at nahuli ko pa ang driver na ngumiti sakin at kumindat. Ang weird. Nginitian ko lang siya at lumabas ng sasakyan. Diretso akong pumasok ng building nila at dumiretso sa swimming pool area. 10th floor daw yun bago mag rooftop. Iyon daw ang swimming area. Sumakay ako ng elevator at pinindot ang 10th floor. Nakarating ako doon at nagulat ako nang walang tao. "Hello?" madilim na at wala ng tao. Bakit kaya wala? Joke joke lang ba yung text? Napasigaw ako nang may tumulak sakin sa pool. Nabitawan ko ang bag ko bago nalubog sa tubig. Napasigaw ako sa gulat at mabuti nalang ay mababaw lang ang tubig pero hanggang balikat ko na ito. "Ahaha! Uto uto talaga mga pre!" natigilan ako sa sigaw ni Jacson. "Ayos pala, easy to get pala ang isang to!" nakangising sabi ng kasama niya. Sila ang limang lalaking kumausap sakin kanina. "Wow! May tinatago din pala talaga ang isang to.." dumila pa ang isa habang nakatingin sa dibdib ko. Bakat na ng tubig ang uniform ko at wala akong sando sa loob kaya bakat na bakat ang panloob ko. Sabi ni mommy pag nakikitaan ka na daw nababastos kana. Feeling ko nababastos na ako ngayon. Anong gagawin ko? "Ano bang kailangan niyo sakin?" nagulat nalang ako nang isa isa silang nagtanggal ng uniform at tumalon sa tubig. "Maglalaro lang naman tayo. Habulan sa tubig." umiling ako. Walang ganon laro akong alam na tinuro ni mommy. Alam kong bad guys sila kaya hindi ako maniniwala sa kanila. "Bad guys kayo." tumawa sila at nagsingisi. "Hindi naman. Magiging good din naman kami mamaya." muli silang nagtawanan. Ano bang balak nilang gawin? Diko alam pero ayoko kung ano man yon. Hindi ko sila gusto. Napaatras ako at agad umakyat paahon. "Kornerin niyo!" napatakbo ako ng basa at kahit gusto kong balikan ang bag ko ay hindi ko na magawa. Alam ko lang kailangan kong tumakbo kasi feeling ko masasama sila. Nang makaabot ako sa elevator ay dali dali ko itong pinindot. Napapadyak ako sa inis nang makitang hindi pala nailaw at hindi na gumagana. Dumiretso akong hagdan Nataranta ako kaya imbis na pababa ay napaakyat ako. Bahala na. Pati phone ko basa, wala akong mahihingian ng tulong. Patuloy ako sa pag akyat at patakbo akong umakyat sa rooftop. Nang lumingon ako sa likod ay may katawan akong nabangga kaya napasigaw ako. "No!" pumikit ako at lumayo. "Hoy." sabi ng baritonong boses na sobrang lalim. Dahan dahan kong dinilat ang mata ko at nakita ko ang lalaking kanina tanaw tanaw ko lang sa malayo. Napatitig ako sa mga mata niyang asul. Ang cool. Siguro may lahi siya. Pero agad akong napaatras nang marealize na baka kasama siya ng mga lalaki. Lagot na. -- This is also a badboy story. Ewan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD