Proposal 2

1632 Words
"K-Kasama ka ba nila?" hindi ito sumagot at sa halip ay pinasadahan ako ng tingin. I saw his jaw clenched. Nakita ko ang pagdilim ng ekspresyon ng mga mata niya. Kasama ba siya? Natigilan ako sa ingay na mga tumatakbo paakyat. Agad akong kinabahan at tatakbo na sana sa dulo ng rooftop nang hilahin ako ng lalaking blue eyes. Napasubsob ako sa matigas na katawan niya at nang subukan kong kumawala ay hinigpitan niya lang lalo ang paghawak sakin. "A-Ano bang gagawin niyo sakin?" yumuko ako at bigla akong kinabahan. Hindi siya nagsalita. Maya maya ay sunod sunod nang umakyat ang limang lalaki nayon na ngayon ay walang suot na mga uniforms. Napaatras ako at nagulat ako nang bulungan ako ng lalaki. "Sa likod ka lang." halos kilabutan ako sa lalim ng boses niya. "V-Von Del Valle.." sambit ng isa na halatang natatakot. "T-Tara na pre.." sabi ng isa. "Pakialamero ka naman pare. Ibigay mo na sa amin ang babae." sabi ni Jacson Ibig sabihin hindi nila kasama itong si blue eyes. Hinahawakan nila si Jacson na parang pinipigilan sa ano mang gagawin niya. Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko na ngayon ay nakatalikod sakin. Bakit parang nakakatakot siya? Hindi siya nagsalita at patuloy na nakipagtagisan ng titig kila Jacson. "Ang angas nito ah. Pipi ka ba?!" sa sinabing yon ni Jacson ay may lumipad sa kanyang bote ng beer dahilan para mabasag ito. Ang iba ay napatakbo sa takot. Hindi ko napansin na may beer pala sa paanan niya na dinampot niya para ipambato. Napatakip ako ng bibig nang makita ang dumudugong ulo ni Jacson. "Bakit mo.." "Magbabayad ka!" sumugod ito. Eksaktong pagkasugod niya ay agad nakaiwas ang lalaki kaya dumiretso siya sa hangin. Ginamit niyang pagkakataon yun para sipain ang lalaki at muli ay kalmado siyang dumampot ng bote ng alak sa tabi at pinanghampas naman niya ito sa likod ni Jacson. Napahiga si Jacson at namilipit sa sakit. Nakita ko ang apat na lalaki na patakbo pababa ng rooftop. Kalmado lang ang lalaki na para bang hindi siya pinagpawisan sa ginawa niyang moves. Tinapakan niya ang kamay ni Jacson. "A-Aray! M-Masakit!" daing niya. Nanlaki ang mata ko at wala sa sariling tinapik ang lalaki. "Kawawa naman siya.." hindi niya ako pinansin at mas lalo pang dumiin ang pag apak niya sa kamay nito. "Aaahhh!!" sigaw ni Jacson "Kapag inulit mo pa to, tuluyan na kitang babalian ng buto. Naiintindihan mo?" halos lamigin ako sa boses niya. Kalmado pero punong puno ng awtoridad. "O-Oo! S-Sorry Von--aah!" sinipa niya ang kamay nito bago tumingin sakin. Napayuko ako at napaatras nang lumapit ito sakin. Maya maya ay naramdaman kong may pumatong na leather jacket sa katawan ko. Hinawakan niya ang braso ko at walang imik akong hinila pababa sa rooftop. Bad guy din ba siya? "Kuya? Saan mo po ako dadalhin?" sinamaan niya lang ako ng tingin bago kami makapunta sa isang kwarto na napaka kalat at gulo. Mga sirang upuan ang nandoon. Pinaupo niya ako sa upuan. Sinara niya ang pinto at may kinuha sa isang cabinet sa gilid. Nakita ko ang isang red na cross na box. First-aid kit siguro. "Bakit mo kinuha yan? Gagamutin mo ba si Jacson?" kumuha siya ng isang upuan sa tabi at kinuha ang braso ko. Nanlaki ang mata ko nang makita kong dumudugo pala. "Hala bakit dumudugo?" tanong ko sa kanya. "Stupid." rinig kong bulong niya. "Sinong stupid?" napangiwi ako nang dampian niya ng kulay brown na nasa maliit na bottle. "Salamat nga pala kanina ha? Hindi ko alam kung bakit ganon sila Jacson kaya sorry." nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Amoy na amoy ka ang pinaghalong pabango at alak sa damit niya. "Bakit ka amoy alak?" lumapit ako sa kanya at inamoy ang damit niya. "Umiinom ka? Bad yun diba?" tumingala ako at napatitig sa kanya. Napakalapit namin sa isa't isa. Ngumiti ako pero hindi lang man siya ngumiti pabalik. Walang emosyon ang mga mata niya. Humanga ako sa tingkad ng blonde na buhok niya. Rule breaker. Hmp. Bawal ang may kulay ang buhok. Hindi ko alam kung bakit malaya siyang naka blonde. Tiningnan niya ako at tinaasan niya lang ako ng kilay. Tch. Ang sungit naman. Hinila niya ang braso ko dahilan para mapaayos akong upo. "Huwag na huwag kang sasama kung kani-kanino." napanguso ako. "Hindi naman. Nagtext lang si Jacson. Punta daw ako sa swimming pool--" "At naniwala ka naman?" tumango tango ako. "Sabi niya kasi importante daw." nababa niya ang bulak na hawak niya at inis na tumingin sakin. Napayuko ako sa titig niya. Masyadong nakakadala. "Are you really that naive? That was just his trick to get you." natikom ko ang bibig ko at huminga ng malalim. "Napaka inosente mo." Bakit ba siya nagagalit? Wala naman akong ginagawang masama. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago lagyan ng band aid ang pulsohan ko kung saan may sugat. "Von ang name mo noh?" hindi siya sumagot at inayos ang first-aid bago binalik sa cabinet. "Sikat ka kasi sa campus eh. Crush ka ng mga classmates ko kaya kilala kita." hindi siya ulit sumagot at kinuha ang phone niya. Sungit talaga. Napatingin ako sa kwarto at mukhang classroom ito dati. May white board kasi at mga upuang sira. Pero malamig dahil may air-con. Bigla tuloy akong nakaramdam ng lamig. "Dito ka ba natutulog?" binalik niya ang phone niya sa bulsa niya at lumapit sakin. May kinuha siyang tuwalya sa likod ko at tinanggal ang sinuot niya saking jacket kanina. Binalot niya ako ng tuwalya kaya napangiti ako doon. "Salamat. Ambait mo naman!" masayang sabi ko. "Hachoo!" napangiti ako at nagpeace sign sa kanya. "Sorry." suminghot ako dahil sa pagbahing ko. Hindi ba marunong sumagot ang isang ito? Ayaw akong kausapin. "Magsalita ka naman." malungkot na sambit ko. "I don't have anything to say." sabat niya. "Ayaw mo ba akong kausap?" napanguso ako nang hindi siya sa muling sumagot. "Ang sungit mo naman po kuya." "Von ang pangalan ko at hindi mo ako kuya." malamig na sabi niya. I wonder kung bakit parang lagi siyang galit. Natigilan ako nang may kumatok nang sunod sunod. Pumunta si Von sa pinto at alam kong may tao doon dahil may tinanggap siyang isang paper bag. Bumalik siya papalapit sakin at inabot ang paper bag nayon. Taka ko itong tinanggap. "What's this?" sinenyasan niya lang akong tingnan iyon. Napangiti ako nang may makitang damit. "May uniform ka ng babae? Salamat ah." kumunot ang noo niya bago may tinuro sa gilid. "Magpalit ka." "Dito?" akma kong bubuksan ang butones nang blouse ko nang mabilis niyang tinabig ang kamay ko. "What the hell are you doing?" mababa at galit na tanong niya. "Magpalit ka sa banyo!" napanguso ako at tumayo. "Sabi mo kasi magpalit ako." umigting ang perpektong panga niya na nagpahanga sakin. "Wala ka naman sinabing banyo." yumuko ako. Sinamaan niya ako ng tingin bago huminga ng malalim at tumalikod. "Bilisan mo." "Okay po." dumiretso ako sa tinuro niyang pinto at oo nga may banyo pala. Nagbihis ako at natuwa ako dahil may indies din pala siya. Ang weird naman. Gumagamit siya nito? Ang cute kasi hello kitty. Mahilig pala siya doon. Napatawa ako ng mahina. Lumabas ako at naabutan ko siyang nagsisigarilyo. Lumapit ako sa kanya at napaubo ako nang bumuga siya ng usok. Napatingin siya sakin kaya umatras siya. "Mahilig ka pala sa hello kitty na underwear." gulat siyang napatingin sakin at kumunot ang noo niya. "Babalik ko din ang undies mo hehe." hinilot niya ang sentido niya at narinig ko pa ang pag mura niya sa isang pangalan. "What the f**k Shin?" hindi ko alam kung ang Shin Zendano na kilala ko at binanggit niya ay iisa. Nakita ko ang patuloy na pag usok ng sigarilyo niya. Sabi ni daddy bad daw yun sa health. Walang sabing lumapit ako sa kanya at hinablot yon sa kanya. Nakita ko ang iritasyon sa gwapo niyang mukha. Crush ko na siya. "Masama daw sa health ang paninigarilyo. Crush kita kaya ayokong maging bad ang health." sarkastiko siyang umismid. "Crush mo ako?" tumango ako. "Para na kitang Fairy God Mother. Niligtas mo kasi ako kanina." kinagat ko ang dila ko at ngumiti sa kanya. Umismid siya at bumulong. "Fairy God Mother my foot." bumagsak ang dalawang balikat niya at umiling iling. "Let's go. I'll take you home." Kinuha ko ang lalagyan ng basa kong damit at sumunod sa kanya. Nakita kong kunot noo naman siyang nakatingin sakin. "Bakit ka ba laging nakasimangot? Ang sungit sungit mong tingnan." hinawakan niya ang pulsohan ko habang naglalakad kami palabas. "Let's just walk, Bria." napatigil ako at napatakip ng bibig. "Kilala mo ako?!" gulat na sabi ko. "Nahulaan mo name ko?" hinawakan ko ang kamay niya at nawala ang ngiti ko nang may naramdaman akong kuryente. May kuryente ba sa katawan niya? Ang cool. Pero bakit parang familiar siya? Bakit parang.. "Matagal na kitang kilala." "Really? Iniistalk mo ako?" nakababa na kami sa pamamagitan ng elevator. "Wag kang maingay." inis na sabi niya na halatang nagpipigil na magalit. "Sungit naman po." nakangusong sabi ko. Nang makarating kami sa pintuan ng exit ng building nila ay nagulat kami nang wala ng ilaw sa lobby ng building. "Von? Bakit madilim? Natatakot ako." humawak ako ng mahigpit sa kamay niya at sumiksik sa gilid niya habang naglalakad kami pababa. Nang makarating kami sa pinto ay nakita kong naka lock ito. "Hala! Nasaraduhan tayo?" bumitaw ako sa kanya at binuksan ang pinto. Oo nga pala, sabi sa ganitong oras nagsasara na ang boys building. Bigla akong nataranta kasi baka magalit sa akin sila mommy. "S-Sarado. P-Paano na yan?" pumungay ang mata niya at lumapit din sa pinto. Hinila niya ang doorknob at tumango siya. "I think we're locked." "Here?" tumango siya. Waahh! Lagot na naman ako kay mommy at daddy! I'm dead! --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD