"Waahh! Pagagalitan ako ni mommy at daddy! Mag aalala silang dalawang. Hindi ako umuuwi ng gabi kaya panigurado magagalit sila sakin. Ayokong magalit sila ulit kaya gumawa ka ng paraan para makaalis tayo! Madilim na sa labas at madilim nadin dito. Sabi nila Maxine may mga mumu daw sa mga madidilim na lugar." naiiyak na sabi ko at napapikit sa takot.
Nagulat nalang ako nang may malakas na kalabog mula sa pinto. Unti unti akong dumilat at sobra akong nagulat nang nakitang bukas na ang pinto. "S-Sinipa mo?" gulat na tanong ko.
Hindi niya ako sinagot at hinila ako palabas. "Wow! Ang lakas mo naman." komento ko sa kanya.
Tumigil kami sa isang motor at may kinuha siyang helmet at inabot sakin. "Dyan tayo sasakay? Wala ka bang kotse?" umismid siya at walang sabing sinuot sakin ang helmet. "Sabi ko wala ka bang kotse?"
"Meron."
"Ilan?"
"Dalawa."
"Bakit hindi nalang tayo sa kotse mo sumakay?" taka kong tanong.
"Mas gusto ko mag motor." magsasalita palang ako nang inis siyang nagsalita. "Can you shut up? Ang ingay mo."
"Wait--" hindi na niya ako pinatapos nnag tuluyang nasuot sakin ang helmet. "W-Wala kang helmet?" sumakay na siya at pinaandar ang makina. Awkward akong sumakay dahil hindi naman talaga ako sumasakay sa motor.
Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung saan ako kakapit. Bago ko pa problemahin yon ay hinila na niya ang dalawang kamay ko at pinulupot sa braso niya. "Kumapit ka." naamoy ko ang mabango niyang jacket.
"T-Teka yung address ko nga pala nasa I.D ko." akmang bibitaw ako sa kanya nang agad niyang paandarin ang motor. "D-Dahan dahan naman!" pumikit ako at kumapit mabuti sa bewang niya.
Sobrang bilis ng patakbo niya, hindi ko nga alam kung normal niya bang patakbo iyon o sinasadya niya talaga. Nakapikit lang ako sa buong byahe at mahigpit na nakayakap sa kanya. Naramdaman ko nalang ang pagtigil niya nang huminto ang makina.
"Nandito na tayo." dinilat ko ang mata ko at tumingin sa paligid.
Huh? Paano niya nalaman ang address ko?
Bumitaw ako sa kanya at halos matumba ako sa hilo. Nasalo niya agad ang braso ko. "Bakit ba ang bilis mong magpatakbo? Nakakatakot ka naman." nakangusong sabi ko sa kanya.
"Pumasok ka na sa loob." utos niya.
Aangkas na sana siya nang pigilan ko siya. Hindi pa siya pwedeng umuwi. "No! No! Wag ka munang umuwi, ipapakilala kita kila mommy at daddy." ngumiti ako.
"Uuwi na ako." hinila ko ang kamay niya kaya hindi na siya nakapalag. Nagtaka ako dahil locked. Kinuha ko ang susi at binuksan ang pinto. Nakita kong wala sila mommy. Umalis ba sila?
May nakita akong note sa gilid.
'Honey, may pinuntahan kami ng daddy mo. Maraming food sa fridge kumain ka ha? I love you.'
Napabuntong hininga ako. Kasabay noon ang pagkulog na sobrang kinagulat ko. Tumingin ako sa labas at nakitang paulan na nga. "What now, lady?" nakita ko ang nakapamulsang si Von na halatang hindi gusto na nandito.
"Wala sila mommy. Wala na naman akong kasama." malungkot na sabi ko at yumuko. "Kain ka muna. Pang thank you ko lang sayo." pilit akong ngumiti kahit na nalulungkot ako dahil mag isa lang ako dito sa bahay ngayong gabi.
"I'm leaving." tumalikod na siya at akmang aalis nang pigilan ko ang braso niya.
"Huwag ka munang umalis. H-Hintayin lang natin matapos ang ulan.." muling kumulog kaya napahawak ako sa braso niya ng mahigpit at pumikit.
Huminga siya ng malalim bago inalis nag hawak ko sa kanya at naglakad papuntang pinto. Akala ko aalis na siya, sinara lang pala niya ang pinto.
Lumiwanag ang mukha ko sa ginawa niya. "Kain tayo!" masayang sabi ko at hinila siya papuntang dining area.
May mga nakatakip ng ulam doon at nakita ko ang mainit pang sabaw ng isda. Dali dali akong umupo at sinenyasan siyang tumabi sakin. Tinap ko ang upuan sa tabi ko. Walang imik lang siyang umupo.
Kumuha ako ng isang fish at nilagay sa plato niya. "Hindi ako kakain." tipid na sabi niya.
"Ihh! Kumain ka na dyan. Pang thank you ko yan sayo!" nakangiting sabi ko. "Ayaw mo ba sa isda?" huminga lang siya ng malalim at hindi sumagot.
He's so silent. I don't like that. Maingay akong tao kaya gusto ko maiingay din ang mga friends ko at mga nakikilala ko. He's so mysterious yet he's so attractive. Napanguso tuloy ako at napayuko. Ilang sandali pa ay natapos na ako sa pagkain. Tiningnan ko ang plato ni Von at nakita kong hindi niya ginalaw ang binigay kong isda.
Napatakip ako sa tenga nang biglang kumulog. Ayaw na ayaw ko sa tunog ng kulog. May napanood akong isang movie, tinamaan ang bida doon ng kidlat. Feeling ko papasok ang lightning strike sa bahay namin at tatama sakin. "What's wrong?"
Umiling ako.
"Umakyat ka na sa kwarto mo." rinig kong utos ni Von. Naiiyak ko siyang tiningnan. "Uuwi ka na?" tumango siya. "Wag ka ng umuwi! Gabi na tsaka sa kwarto ko nalang kita matulog!" sigaw ko.
Muling kumulog at napapikit ako. Narinig ko ang pag usog ng upuan. "I'll take you to your room." hinawakan ako ni Von sa braso ko at inalalayan ako papuntang kwarto ko.
Maya maya pa ay nasa loob na kami ng kwarto ko. Gusto ko sana itanong kung paano niya nalaman ang kwarto ko pero di bale nalang. Sound proof ang kwarto ko kaya hindi na rinig ang kulog sa labas.
"Uuwi na ako." tumalikod na siya pero mabilis kong hinawakan ang kamay niya.
"Malakas ang ulan. Dito kana matulog." natigilan siya at humarap sakin. Alanganin akong ngumiti.
Salubong ang dalawang kilay niya. "Ganyan ka ba sa lahat ng lalaking pumupunta dito?" napawi ang ngiti ko at napalunok.
"A-Anong ibig mong sabihin?" tumalim ang tingin niya at halos mapaatras ako doon. Nakaupo ako sa kama pero pakiramdam ko anytime pwede akong matumba.
"Pinapatulog mo nalang ng basta basta sa kwarto mo. Pinapahamak mo ang sarili mo. Can't you act right on your age? You're eighteen year old." napayuko ako at pinaglaruan ang daliri ko.
Hindi ko alam kung paano ba kumilos ng tama. Gusto kong kumilos tulad ng iba pero hindi ko naman magawa. Naiiyak ako kasi kahit siya ayaw niya rin sa ugali ko. Tahimik akong humikbi. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pag iyak.
"And now you're crying?" tiningala ko siya at doon naiyak. "Kanina mo lang ako nakilala at pinapatulog mo na ako sa kwarto mo?" may bahid ng galit ang boses niya.
"Bakit ka nagagalit?" naiiyak na tanong ko.
Pinilig ang ulo niya at pumikit. Nang dumilat siya ay wala na ang talim sa mga mata niya. "Matulog kana." mahinahon na sabi niya.
"Aalis kaba?"
"Sabi mo matulog ako dito." kahit gusto kong mangiti ay tinago ko. Umusog ako sa kama. Akala ko aalis na siya.
"Tabi na tayo. Malaki naman ang kama, tsaka malamig sa floor." tiningnan niya ako ng matagal bago tumabi sakin. Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti sa kanya.
"Now, sleep." tumango tango ako.
Tinalikuran niya ako. Napanguso ako sa inasal niya. Gusto kong kaharap ko siya. Hmp. Sungit talaga ng lalaking ito. Ang ulan sa labas ay naririnig ko parin. Sobrang lakas at walang tigil.
Paiba iba ako ng posisyon dahil hindi ako makatulog. Tumalikod ako sa kanya at sinubukang matulog pero ayaw pumikit ng mata ko. Paikot ikot ako hanggang sa humarap ulit ako sa kanya. Napatigil ako nang nakita kong nakaharap na siya sakin. Natitigan ko ng mabuti ang features ng mukha niya.
Bakit napaka perfect ng shape ng ilong bibig at hugis ng panga niya? Siguro noong ginawa siya ni God masusi at tinrabaho siyang maigi. Maputi siya at mamula mula ang pisngi niya. Napangiti ako. Gusto ko siyang tingnan araw araw. Hindi iyon nakakasawa.
Bumaba ang tingin ko sa labi niya at hindi naman siguro masama kung hahalikan ko siya dahil ginagawa ko naman yon kay mommy bago ako matulog.
Sige na nga.
"Goodnight." kiniss ko ang lips niya ng three seconds. Pero bigla niya akong kinabig sa ulo at hinalikan. Nanlaki ang mata ko at hindi nakagalaw. Nakapikit parin siya pero naramdaman kong gumalaw ang labi niya.
Hindi ko alam kung anong nangyari sakin at pumikit ako. Gumalaw ang labi niya at dinama ko kung gaano kalambot ang labing yon. Napaungol pa ako nang madamang lumalim ang halik niya.
Agad ko siyang tinulak at napalunok. Masarap ang halik nayon at hindi ko alam kung bakit biglang uminit sa paligid. Hindi siya dumilat pero feeling ko gising siya. "V-Von.."
"Pag hindi ka pa natulog ako naman ang hahalik sayo." napakurap ako.
Napapikit ako ng mariin at pilit na natulog kahit sobrang lakas ng t***k ng heartbeat ko.
--