Desiree Larrson Smith Hindi pa rin nawawala ang hanga ko sa islang ito. Ang Hermana Mayor Island. Ito na ang huling araw ng honeymoon namin ni Evan. Inilahad ni Evan ang kanyang kamay, agad ko itong kinuha. Tinulungan nya ako bumaba sa bangka. "Salamat Evan" ngiti ko. "Always welcome wife.." balik na ngiti nito sakin. Nag simula na kami mag lakad ulit sa puting sand sa islang ito. May pumasok sa isip ko. Napalingon ako kay Evan na bumaling rin sakin. Kahit naka-shades sya parang tagus na tagus ang titig nya sakin. "What is it wife?" hinapit nya ako sa aking bewang. Ngumuso ako. Nahihiya ako pero.. ahh bahala na. Nilabas ko ang camera na halos wala pang laman saka inabot sakanya. Tumaas ang kilay nito. "P-picturan mo ako. Okay lang?" nahihiyang sabi ko. Tumawa naman ito ng m