Desiree Larrson Smith Kinaumagahan pumasok ako. Wala rin nagawa si Evan sa pag pupumilit na pumasok kahit ayaw nya. Hindi ko mapigilang ngumiti sakanya na nakasimangot na nakatingin sa kalsada habang nag mamameho. "Evan?" "Oh?" "Okay ka lang?" asar ko Mas lalo naman kumunot ang nuo nya " Tsk what do you think?" Napatawa ako. Mas lalong nalukot ang nuo nya sa pag tawa ko. Naaasar na lalo. "Evan, kaya ko naman na ah" "Still!" Ngumuso ako para pigilan na ngumiti. Ang cute nya kasi magalit. Napalingon sya sakin. Mas nakita ko ang busangot sa mukha nya. "Tinatawanan mo ba ako?" pikon na sabi nito Nakangusong umiling iling ako. Hindi ako makapag salita at baka mas matawa pa ako. Sumingkit ang mata nya na parang hindi naniniwala sakin. "Ulitin mo pa." "Yong?" "Pag tawa