Desiree Larrson Smith Kinabukasan mas naging busy kami lalo na at dumarami ang nag c-check in siguro dahil nalaman nilang mga sikat na artist ang bisita namin ngayong week. "Grabe sis sana naman may pa rest day si Sir Kael after nito!" ungot ni Karyl habang nakatingin sa mga listahan ng mga request. Nag bukas naman ako ng files ng mga storage namin. Kahit ako rin naman napapagod na. Lalo na ngayon tapos na ata ang 12 noon pero hindi pa kami nag l-lunch dahil sa mga request ng mga bisita na dapat unahin. Tumunog ang tyan ko bigla sa gutom. Napahinga ako ng malalim habang nag t-type sa laptop. "Tom jones na rin ako sis! Kain na kaya tayo?" Nag angat ako ng tingin dito "Dapat natin unahin to Karyl.." Napairap naman ito sa hangin sabay buntong hininga "Kalokang trabaho ito tsk!"