Desiree Larrson Smith Napapalunok ako sa sobrang tahimik na pag lalakad namin ni Arvid. Nauuna kasi ako sakanya. Kinakabahan pa rin ako. Kanina hindi na ako nakatanggi pa dahil bilang bisita namin, wala kaming karapatan na tumanggi lalo na at sasamahan ko lang naman sya. Wala naman masama roon. "Sa fifth floor po tayo Sir.." sabi ko sabay pasok sa elevator. Hinintay ko muna sya makapasok bago ko pinindot ang 5th floor. Ang tahimik nya talaga. Pero mabuti na lang nasa likod ko lang sya. Nag kagat labi ako ng tumunog na ang elevator hudyat na andon na kami sa pang-limang palapag. Nag lakad na ako sa magiging rooms nya. Walang imik na nakarating ako roon. Narinig ko ang pag hinto ng sapatos nya. Tumingin ako sakanya. Kitang kita ang tangos ng ilong nya sa shades nyang black. Nila