Desiree Larrson Smith Ang sayang panoorin ang mga matatayog na gusali na pwede na umabot sa langit. Masaya sana panoorin lalo na at gabi at lumilitaw ang mga ilaw nila. Kaso pano ko ito e-enjoyin kung sa tuwing napapatingin ako sa gilid ko ay nasa kamay nya na mahigpit na nakahawak sa steering wheel ako una napapatingin. Napalunok ako. Parang anytime pwede mabali ang steering wheel ng sasakyan nya. Tumaas ang tingin ko sa mukha nya. Litaw na litaw ang matangos nitong ilong sa posisyon nya na iyon. Sama mo pa ang mata nya na ang sama ng tingin sa daan at lalo na yong kilay nya na sobrang salubong. Napanguso ako bahagya. Bakit ang gwapo nya parin kahit galit? "Evan.." tawag ko sakanya. Bumuntong hininga ako. Hindi na naman nya ako pinapansin. Kanina pa nya ako hindi iniimik simula