Desiree Larrson Smith Mariin na nakatutok ako sa laptop at tinatapos ang pinapagawa ni Juliet. "Hindi pa ba tapos yan?" iritadong sabi ni Juliet sa gilid ko "Malapit na po ma'am.." tutok pa rin ako sa screen ng laptop. Clinick ko na ang save at nilagay sa Flashdrive ni Juliet. Pag katapos na nilipat ang files ay binigay ko na sa nakataas na kilay na si Juliet ang Flashdrive. "Ito na po ma'am " Kinuha naman nya ito at tumalikod na. Napahinga na lang ako nang malalim saka bumalik na sa inuupuan ko. Hindi na ako nag expect pa na mag papasalamat sya sakin. Naalala ko yong sinabi ni Evan sakin kagabi. Hindi nag bago ang pakikitungo sakin ni Juliet, ibig sabihin hindi nya tinuloy na kausapin ito. Medyo nabunutan ako ng tinik, ayaw ko rin naman ng gulo lalo na nag uumpisa pa lamang ak