Desiree Larrson Smith
Pinahid ko ang pawis sa aking noo pag katapos checkan ang last na room. Binaba ko ang folder na hawak ko at nag taas ng tingin kay Ate Linda, isa sa mga tagalinis rito sa hotel.
"Okay na po Ate Linda makakauwi ka na po" ngiti ko sabay balik ng tingin sa mga papers sa folder.
"Sige po ma'am. Kayo ho?"
Tumingin ako kay Ate Linda saka ngumiti "Okay lang po ako, hintayin ko po muna si Ma'am Juliet bago ako umuwi."
Mag a-alas diyes na kasi kami natapos ni Ate Linda isa isahin ang bawat room rito. At mahigpit na binilin sakin ni Juliet na hintayin ko muna sya bago ako umuwi.
"Bakit ma'am unang araw nyo pa lang po pero andami na pinagawa sayo ni Ma'am Juliet" nag aalalang sabi ni Ate Linda.
Ngumiti lang ako ng tipid at nag simula na kami mag lakad papasok sa elevator.
"Umuwi na po kaya kayo ma'am mag iwan na lang ho kayo ng letter sa desk ni Ma'am Juliet, kanina pa po kasi kayo nag tratrabaho. Kumain ka na po ba?"
Bumuntong hininga ako kasabay nang pag tunog ng tyan ko. Hindi pa kasi ako kumakain ng lunch pati dinner. Cracker lang dahil sa dami ng utos ni Juliet.
"Hala ma'am! Ako na lang po mag paalam para sainyo kay Ma'am Juliet—"
"No Ate Linda, ako na lang po. At kaya ko pa po to" sabi ko kahit ramdam ko na ang hilo sa gutom.
Naawa na lang na tumingin sakin ni Ate Linda. Ayoko naman na unang araw ko pa lang ay may masabi na naman sya sakin. Ayaw ko ng ganon. Kaya as much as kaya ko, titiisin ko. Sa una lang to. Masasanay rin ako.
Nag paalam na si Ate Linda pag karating namin sa Ground Floor. Tumango na lang ako at nag diretso na sa reception desk kung nasan si Juliet na nakikipag tawanan sa mga katrabaho namin.
Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila. Nakataas agad na kilay ni Juliet ang bumungad sakin. Hindi ko na lang pinansin yong kasama nya na parang minamasdan ako mula ulo hanggang paa.
"Ah ma'am tapos ko na po yong pinapagawa nyo sakin." sabi ko sabay abot ng folder sakanya.
Nag taka ako na tinaasan nya lang ng kilay yong folder na inaabot ko. "Bakit sakin mo binibigay? Drawer ba ako?"
Napalunok ako sa sinabi nya. Napansin ko pang natawa yong kasamahan nya. Yumuko na lang ako..
"A-ahm Sorry po"
Nilagay ko na sa drawer yong folder. Hindi ko na lang pinansin yong tawanan nila at nag diretso na sa locker room para kuhain yong mga gamit ko.
Sobrang bigat ng dibdib ko. Pero ayaw ko ito pansinin baka mas lalo ako mang-hina. Sabi kong sa umpisa lang ito. Masasanay rin ako.
Pag katapos ko mag aayos ay lumabas na ako at dumaan saglit kina Juliet para mag paalam.
"Ma'am punta na po ako.." kausap ko sa hangin dahil parang hindi nya ako napapansin at tuloy lang ang tawanan nila.
Napahinga na lang ako ng malalim saka tumalikod na. Siguro ganon lang talaga kahigpit sa sikat na hotel na ito na dapat madisiplina ng maayos ang mga empleyado.
Ayaw ko rin kasi mag isip ng negative kaya... kaya ko to.
Sumakay na ako sa taxi. Pag kaupo ko ay napasandal ako kaagad sa upuan sa pagod. Feeling ko 1 week na ako nag tratrabaho kahit unang araw ko palang. Pag pikit pa lang ng mata ko ay may nag pakita sa isipan ko. Napatakip ako kaagad sa bibig ko. Hindi ko natext si Evan.. Mamaya magalit na sya sakin.
Napahinto ako. Pero babasahin nya kayo yon? Lalo na hindi ko naman gawain na mag text sakanya. Napabuntong hininga na lang ako.
Huminto na ang taxi hudyat na andito na kami sa bahay. Nag abot ako ng bayad saka bumaba na. Napapapikit ako na nag lalakad papunta sa gate. Ngayong nakita ko na yong bahay parang mas lalo ko naramdaman ang pagod ko. Sinarado ko na yong gate at nagdiretso na sa main door. Hindi na ako kumatok pa dahil nanghihina na rin yong mga kamay ko. Gusto ko na talaga mahiga. Bukas na lang ako kumain..
Hindi na ako nagulat pana sumalubong sakin ang dilim pag pasok ko. Nakaramdam ako ng dismaya na hindi ako hinintay o sinalubong ni Evan. Ngumiti ako ng mapait. Sabagay ako lang naman itong sumasalubong sakanya.
Nakayukong umakyat ako sa hagdan. Parang gusto ko na lang matulog rito sa hagdan at wag na umabot pa sa kwarto. Napamulat ako at nag taka bakit biglang lumiwanag? Namamalikmata lang ba ako kanina na madilim?
"Why are you late?"
In-adjust ko ang aking mata sa biglang pag liwanag ng bahay. Kanina namamalikmata lang ako pero ngayon mas malala nag ha-halucinate ako. Narinig ko ang malalim na boses ni Evan.
Napailing iling na lang ako at ngumiti. Pagod at gutom nga talaga ako.
"Hindi mo man ako haharapin hah Desiree?"
But this time bakit sumabay ang pag t***k ng puso ko. Hindi kaya.. Unti unting lumingon ako sa sala. At halos manlaki ang mata ko ng makita ko si Evan na nakaupo at nakasuot pa rin ng corporate attire nya. Bumaba ang tingin ko sa table sa harap nya. Bakit andaming tasa ng kape?
"K-kanina ka pa nandyan?"
Tumaas ang kilay nito. Hindi ko alam pero gusto ko syang yakapin bigla. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod o dahil hindi ko sya nakita mula kagabi at kanina bago ako pumasok.
Pinasadahan ako nito ng tingin. Saka tumayo ay dahan dahan na lumapit sakin.
"Mabuti naman at sinunod ni Michael yong sinasabi ko" tukoy nya sa slacks na suot ko.
Napapikit ako sa pag lapit nya lalo na at naamoy ko ang nakakaadik nyang amoy. Gusto ko na matulog..
"Bakit ngayon ka lang?" ulit nyang tanong na kinamulat ko.
Ayaw ko sana mag salita pero "Bakit hindi ka nag pakita sakin kanina bago ako pumasok..first day ko yon" huli na ng mapagtanto ko ang nasabi ko.
Kita ko naman ang pag kunot ng nuo nya sa sinabi ko. Napahinga na lang ako ng malalim sa sinabi ko. Gusto ko pagalitan ang aking sarili. Kasi mamaya magalit sya sakin.
"Ahm s-sorry Evan wag mo na lang pansinin yong sinabi ko.." bulong ko saka buntong hininga
Ramdam ko naman ang pag titig nya sakin kaya napayuko ako.
"Bakit ngayon ka lang" ulit nya na naman sa tanong nya at hindi pinansin ang sinabi ko.
Bumuntong hininga ako at nag angat ng tingin sakanya na ngayon ay sobrang seryoso ng mata. Ngumiti ako ng tipid "Marami lang ako tinapos Evan na inutos.."
Nag salubong lalo ang kilay nya sa sinabi ko na parang may mali
"Madami pinagawa sayo?"
"Ahm Oo. Pero okay lang sa simula lang naman ito. Masasanay rin ako.." ngiti ko sakanya
"Hindi mo ba binasa yong pinasa sayo ni Michael na files?"
Binasa ko naman pero hindi ko natapos.
"N-nabasa ko naman—"
"Then—damn it!— Sino yong nag g-guide sayo?!" sigaw nya na halos ikaatras ko pero hindi ako natakot kasi parang may humaplos sa puso ko.
Nag tataka na ako "Ah si Ma'am Juliet—"
Hindi na ako pinatapos pa ni Evan dahil tumalikod na ito sakin at bumalik sa sala at kinuha ang phone nito sa table. Bumaba na ako ng hagdan at lumapit sakanya.
"Evan.." mahinhin na tawag ko sakanya.
Hindi ako nito nilingon. Pero pansin ko ang pag baba taas ng balikat nya dahil sa pag sigaw kanina. Sobrang galit ba sya?
Kinagat ko ang labi ko "S-sorry na Evan.."
Humarap ito sakin kala ko papansinin na nya yong sinasabi ko pero hinarap nya lang sakin yong screen ng phone nya na kinataka ko.
"Sya ba?" mahinahon ngunit ramdam ko ang dilim sa toni nya.
Hindi ako nag salita at tumingin na lang sa screen ng phone nya. Nagulat ako ng makita ko ang ID picture ni Juliet. Mag sasalita na sana ako ng binaba nya ito.
"Okay damn her!" sabi nya saka tipa ulit sa phone nya.
Hindi ko alam pero kinabahan ako sa mga actions nya. "E-evan bakit anong gagawin mo kay Ma'am Juliet?"
Seryoso ang mata nito na nag taas sakin "I'll fire her.."
Sa sinabi nya tuluyan na nanlaki ang mata ko at parang nawala na lang bigla ang pagod na nararamdaman ko. Hindi pwede.
"W-wag Evan!"
"Why?"
"O-okay lang naman yon s-saka napaka- unprofessional naman k-kung tatanggalin mo sya d-dahil—"
Binab nito ang phone nito at humarap na sakin. Nanliit ako sa tangkad nya.
"Sa aming dalawa sya ang Unprofessional dahil hindi nya ginagawa ang tungkulin nya! Pauwiin ka ng 10 pm? Kahit ang totoo ay kayong mga 1 week trainee ay hanggang 8 pm lang?!"
Hindi ako nakapag salita sa sinabi nya. Ayaw ko man isipin ay nag babalik tanaw sakin yong trato sakin ni Juliet. Ganon na lang ba ang inis nya sakin bakit hindi nya sinunod ang policy?
"Sige sabihin mo napaka unprofessional ko pero sinasabi ko lang Desiree na ginagawa ko lang ang tungkulin ko. Not as a CEO but as your husband.."
Kita ko ang sincerity sa mga mata nya na direktang nakatingin sakin habang sinasabi iyon sakin. Gusto ko mag salita pero parang tinakasan na ako ng bibig ko dahil kahit anong buka ko rito ay halos walang boses ang lumalabas.
Lumapit ang mukha nito sakin dahan dahan. Nalalasing na ang mata ko sa tingin nya na parang gusto na pumikit.
"Desiree ano ginagawa mo sakin.."
Pumikit na ako nang maramdaman ko ang pag tama ng hininga nya sa mukha ko. Hanggang sa... naramdaman ko ang labi nya sa aking nuo..
—