Chapter 11

1617 Words
Desiree Larrson Smith Malakas ang kabog ng puso ko habang nakatingin sa labas. Mag kahawak ang dalawang kamay ko na nakapatong sa black pencil cut na hapit na hapit sakin. Kinakabahan ako for the interview. Hindi ko alam bakit ngayon pa ako kinabahan eh sanay na sanay na ako pag dating dito dahil hinasa na kami nung college especially sa mga defense namin. "Be prepared.." tikhim ni Evan na nasa gilid ko na nag d-drive. "Y-yeah.." sabi ko na lang. Hindi na ito nag salita pa. Pumasok kami sa parking lot ng building nila. Lumabas na si Evan. Binuksan ko na rin ang kotse at lumabas na. Hinihila ko ang palda ko pababa dahil sobrang ikli nito sakin. Hindi ako sanay! Lalo na't 1 inch above the knee ito. Narinig kong tumikhim si Evan kaya napaangat ako nang tingin. Suplado ang mata nito na nakatingin sa kamay ko na nAg hihila ng palda pababa. "H-Hindi lang ako sanay sa ganitong suotan.." kagat labing sabi ko. Hinagod nito ang suot ko. Napaiwas ako nang tingin dahil ngayon lang nya ako tinapunan nang tingin simula nang lumabas ako mula sa kwarto ko sa bahay namin ni isa hindi nya ako sinulyapan m. Kaya ngayong tingnan na nya ako parang gusto ko mag sisi na nAg palda ako nang ganito. Baka kasi hindi naman bagay sakin.. Umiwas ito nang tingin at namula ang tengang bahagi nito. "L-let's go" Hindi na ito nag abala pang lingunin ako dahil tuloy tuloy na ito nag lakad sa elevator. Ano naman nangyari doon? Sumunod na rin ako sakanya bago pa mag sara ang pinto ng elevator. Walang nag sasalita samin lalo na nung umakyat na ang elevator. Hanggang 15th floor ito. Hindi nya ba talaga ako kakausapin? I mean kanina okay naman bakit ngayon parang.. Tumingin ako sa gilid para sulyapan sya na seryoso ngayon ang mukha. Bakit nag seryoso ito bigla? Bumuntong hininga na lang ako at tumingin sa reflection namin sa wall ng elevator. Ngayon ko lang napag masdan ang suot ko. Nakasuot ako ng red long sleeve na makintab na parang may pakorteng bulaklak sa bandang neckline nito at black pencil cut naman na naka-tuck in rito last stelleto na nude. Huminga ako ng malalim. Pasimuno nito si Hana. Actually sya nag hanap ng damit ko at nag tali ng buhok ko into bun. Tumunog na ang elevator hudyat na andito na kami sa floor na pinindot ni Evan. Nauna na si Evan na lumabas sakin. Napahinga ako ng hangin, parang nalungkot ako. Hindi ba nya gusto yong suot ko? Kaya nakayuko lang ako na sumunod sakanya. Nakarating kami sa secretary nya na nakangiting sumalubong kay Evan. Malapad ang ngiti nito. Napataas ang kilay ko sa suot ng secretary nya. Parang gusto ko malula sa laki ng dibdib nito na bahagya pa nakalitaw dahil naka-unbutton ang ilang butones nito. "Good morning Sir.." bati nito at malagkit na tinignan si Evan. Hindi ko makita ang ekspresyon ni Evan dahil nakatalikod ito sakin. Pero tumango lang ito sa secretary nya na halos mag hubad na sa harap nya. Grabe wala bang dress code dito? "Odette I want you to accompany Mrs. Smith to HR dep. for her interview" buong boses na sabi ni Evan. Napangiti naman ako sa 'Mrs. Smith' nya. Pero mukhang hindi ito iniintindi ng secretary nya dahil malagkit lang itong nakangiti kay Evan. "Where Sir?" Agad na nag salubong ang kilay ko sa sinabi nya. Hindi ba ako tao sakanya? Parang gusto ko mag salita at sabihing andito ako. Andito si Mrs. Smith. MRS. SMITH. Tumikhim si Evan "Desiree.." Pag katawag palang ni Evan ay dumikit ako kay Evan. Hindi naman masyado, siguro pinantayan ko lang si Evan para makita na ako ng secretary nya. "Desiree. That is Odette. My secretary" pakilala ni Evan sa secretary nya. Tumingin naman sakin si Evan bigla. "And this is Mrs. Smith. My wife.." Parang na magnet naman ang mata ko sa tingin ni Evan sakin kay nag iwas ako ng tingin. Bumaling na lang ako sa secretary nya at ngumiti. Pero sa halip na ngitian ako dahil tinaasan lang ako nito ng kilay saka in-head to foot. Hindi ko na lang ito pinansin. "So Odette samahan mo na si Mrs. Smith" "Yes sir" matabang na sagot nito. Hindi ito pinansin ni Evan at tumingin na sakin. "Desiree.." Napalunok ako "E-evan.." Bumaba ang tingin nito sa labi ko. Narinig ko ang marahas na paghinga nito saka nag iwas nang tingin. "Pag katapos mo interviewhin dumaan ka rito sa office ko" "S-Sige Evan.." Huminga muna ito nang malalim saka nag lakad na papunta sa office nito. Don lang ako napabuga ng hangin. "Sundan mo ako Mrs. Smith" Napabaling ako kay Odette na nakataas ang kilay sakin At tinalikuran na ako. Hindi ko na lang ito pinansin at sinundan na sya. Nakarating na kami si HR Department at pumunta kami don sa office nang mag i-interview sakin. "Dito na po tayo Mrs. Smith" lamyang sabi nito. May emphasize pa sa pag banggit nya ng 'Mrs. Smith' Bumuntong hininga na lang ako. Mabuti na lang talaga mahaba ang pasensya ako at hindi ko hilig pumatol sa ganyan. Iniwan na ako nito. At ito naman ako kumatok muna saka pumasok. Sumalubong sakin ang lamig ng aircon dito. "G-good morning po" bati ko don sa pigyura ng tao na nakatalikod na nakaupo sakin. Dahan dahan na humarap ito. Bumulaga sakin ang nakangising lalake na katulad din ni Evan ay nakasuot rin ng corporate suit. Magandang lalake rin ito katulad ni Evan pero para sakin si Evan lang ang perpekto sa mata ko. "Have a seat Miss" ngisi nito "T-thank you Sir." kinakabahan na naupo ako sa upuan. Bakit ba ako kinakabahan? Para sa trabaho ko ito. Pinakalma ko ang sarili ko saka ngumiti. "This is my resume Sir" sabi ko saka abot ng resume ko sakanya. Tinanggap din nito agad. Tumingin tumingin lang ito sa resume ko habang nakahawak sa labi nito na every time ngingisi na naman. Parang gusto ko tanungin si Evan kung bakit parang halos lahat ata ng empleyado nya may ahm.. kulang? "So Ms. Larrson!" tawag nito sa atensyon ko. "Uhm Mrs. Smith Sir." pagtatama ko "Alam ko" humalakhak ito saka binaba na ang resume ko saka tinitigan ako. Parang kinabahan naman ako sa tingin nito. " I know Mrs. Smith. Alam ko" "Uhm.." Biglang humagalpak na naman ito nang tawa na kinakunot ko ng nuo. Tawang tawa kasi ito na parang May katawa tawa talaga sa sinabi ko. "Uh Sir? May nakakaramdam ho ba?" Umiling iling ito habang tumatawa "No. Sorry sorry Desiree. Hindi lang ako makapaniwala na ganitong babae natali ang pinsan ko. f**k!" Pinsan? Nanlaki ang mata ko nang titigan ko ulit ang lalake na nasa harap ko na ngumingisi ngisi habang nAg pipigil ng tawa. Bakit hindi ko sya nakikita. I mean ngayon ko lang sya nakita. "Oh no no Desiree." sabi nito sabay ginagalaw ang kamay nito pa-x "Wag kang mahuhulog sakin. Pinsan ako ng asawa mo" Don na tumaas ang kilay ko "Excuse me?" Humagalpak na naman ito nang tawa. Napapikit na lang ako. Interview ba talaga ito? Bakit ganito yong mag I-interview. Hinintay ko na lang na matapos ito tumawa. Tumikhim na ito "Ahem! Sorry. Hindi lang ako makapaniwala. The heck! That lunatic asshole want devil girl not angel girl. Bakit nabaliktad ata ang gago" Umiling iling na sabi nito. Sumulyap ito sakin. Alanganin na lang na ngumiti ako sakanya. "See? Seryoso ka na bang makulong sa impyernong buhay ni Evan?" Ngumisi ito "Just kidding. Anyway I'm Michael Scofield. Just call me Kael" Ngumiti na lang ako rito "Okay po Sir Kael." Tumango na ito. Kala ko Hindi kami mag seseryoso pero parang Evan din ata ito dahil halos parehas lang sila ni Evan pag dating sa pag seseryoso. Pero Hindi ako nAg pakaba dahil sinagot ko lahat nang tanong nya confidently. Maayos din na natapos ang interview nya sakin. Tumingin tingin pa ito sa mga papel ko. Kinakabhan naman na pinag daop ko ang dalawa kong kamay. "You're a Magna c*m Laude back then huh?" Proud ako na ngumiti "Yes Sir Kael" Siguro sa lahat nang accomplishment ko sa buhay ang pinag mamalaki ko talaga ay yong pagiging Magna c*m Laude ko dahil sa pag sisikap ko mag aral. "No doubt na pumayag si Evan na pakasalan ko. Beauty with brain ka pala" Tipid na ngumiti na lang ako rito. Sinarado na nito ang resume ko at nag taas nang tingin sakin. Formal itong ngumiti saka tumayo. Tumayo na rin ako. "Congrats Mrs. Smith you're hired" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Sir Kael kaya inabot ko agad ang kamay nya saka nakipag shake hands "Salamat po Sir Kael!" "No Wala ka dapat ipag pasalamat. It's your worth. Anyway pwede ka na mag umpisa bukas." "Opo Opo Sir. Don't worry po pag bubutihan ko ang trabaho ko" malapad ang ngiti na sabi ko. Ganito pala ang pakiramdam na matanggap sa trabaho. Nag lakad na ako papunta sa pinto. Hinatid ako rito ni Sir Kael. Sumulyap muna ako rito bago pihitin ang seradura. Yong formal na ngiti nya kanina ay nAg laho At bumalik na sa typical na Kael na na kilala ko kanina na nakangisi. "Last question again. Seryoso ka na bang makulong sa impyernong buhay ni Evan?" ngumisi ito "Pwede ka pa tumakbo sakin" Napailing iling na lang ako sa sinabi ni Sir Kael. Alam ko namang nag bibiro lang ito. "Last question or any last words before I fire you Michael." Agad na nanlaki ang mata ko sa tao na nasa harapan na namin ngayon at May nakakamatay na tingin kay Sir Kael. "Evan?" Humalakhak si Sir Kael "Ow the possessive man is here! Well what should I expect?" Hindi ito pinansin ni Evan saka bumaling sakin nang matalim na nag palunok sakin. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD