Chapter 12

1957 Words
Desiree Larrson Smith Iaangat ko na sana ang bibig ko para mag paliwanag pero agad na ako tinalikuran ni Evan at lumabas. Naiwan ako sa ere. May kung anong karayom ang tumusok sa puso ko sa pag talikod nya sakin. "Sundan mo na yong gagong yon. Suyuin mo, lambingin mo bibigay din yon" tumatawa na sabi ni Sir Kael Napalunok na lang ako dahil parang May nakabarang ano sa lalamunan ko. Tumingin ako kay Sir Kael at yumuko "M-mauna na po ako Sir. Salamat po ulit." Tumango ito "Don't worry di ka matitiis non, trust me" kumindat pa ito. Tipid na lang ako ngumiti saka lumabas na para habulin si Evan. Dapat masayang araw ko ito dahil natanggap na ako agad sa trabaho pero bakit ang lungkot lalo na nang talikuran ako ni Evan. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko pinapansin yong sinasabi ni Sir Kael. Jealous? Parang.. hay Pumunta na lang ako sa office nya. Pag karating ko don ay sakto namang pag kalabas ng secretary nya na si Odette. Agad ako napansin nito, tinaasan ako nito nang kilay. Hindi ko na lang ito pinansin at dumiretso na sa pintuan ng office ni Evan. "Hindi mo makakausap si Evan dahil mainit ang ulo nito kaya kung ako sayo hintayin mo na lang sya lumabas" sabi ni Odette na nasa gilid ko pa pala Napapikit ako. Kanina pa ako nag titimpi sa secretary nya. Nilingon ko ito. "Asawa ko sya kaya may karapatan ako na pumasok sa office nya" mahinahon kong sabi Tumaas lalo ang kilay nito at pinag-cross ang braso. "Alam nyo ma'am wala sa asawa asawa yan. Binabalaan ko lang po kayo baka magulat kayo na salubungin kayo ng sigaw nya" Napangiti ako nang mapait. Gusto ko sabihin na mas malupit pa dyan ang naranasan ko. Hindi na lang ako nag salita pa at pumasok na agad sa office nya. Pag ka pasok na pag ka pasok ko pa lang ay sabi nga ni Odette sigaw ang salubong nito sakin. "I SAID WALANG MANG-GUGULO SAKIN DIBA?!" Tumikhim ako sakanya para umangat ang ulo nya na nakayuko sa mga inaasikaso nyang papeles. Mas lalong nag salubong ang kilay nito nang makita ako. "Evan.." "What do you want?" matabang na sabi nito saka balik sa papeles nya Napabuntong hininga ako at nag lakad na palapit sa table nya. Bigla ako kinabahan nang nakalapit ako lalo. Bakit ba ang lakas nang epekto sakin ni Evan. "D-diba sabi mo pumunta ako rito sa office mo after—" hindi na ako nito pinatapos pa "Change your clothes" malamig na sabi nito na kinakunot ng nuo ko "Huh?" Marahas nitong binaba ang papeles saka tumingin sakin. Hinagod nito saglit ang suot ko. Napahinga ito nang malalim saka bumalik ang tingin sa mata ko. "Palitan mo yong suot mo at wag ka na ulit mag su-suot nang ganyang damit" Napakagat ako ng labi "B-Bakit? Di ba bagay sak—" "Nakikita yong legs mo!" "L-legs?" Hindi na ata ito nakapag timpi pa dahil agad na niluwagan ang neck tie nito at marahas na tumayo at lumapit sakin. Napalunok ako sa paraan nang pag titig nya. Marahas..mainit. "Simula ngayon.." lumapit ito sakin dahan dahan. Ako naman ay napapaatras dahan dahan hanggang sa naramdaman ko ang table nya sa likod ko. "Akin ka na.." napadikit na sya sakin dahil nakasandal na lang ako sa table nya. Hindi ako makapag salita sa mga sinasabi nya sabay mo pa ang maliit na espasyo samin dalawa. "E-evan.." lunok ko. "Ito.." hawak nya sa legs ko na nag pabaga ng apoy sa katawan ko "Akin lang to" Nag iiba na ang paraan nang pag hinga ko. Nag hahabol ako lalo ng hangin.. Napalunok ako nang hinawakan nito ang kamay ko "Akin lang din ito." Nag angat na ito nang tingin sakin. Nag tama ang mata namin. Sobrang lapit na namin sa isa't isa. Bumaba ang tingin nito sa labi ko na kinalunok ko. "And this.." hindi na ako nakalunok pa dahil agad na nag lapat ang labi namin. Kasabay nang pag pikit ng mata ko ay ang pag bilis nang t***k ng puso ko. Saglit lang nag lapat ang labi namin dahil agad din sya tumigil. "Desiree.." "E-Evan.." nag katinginan kami. Lumunok ito "I-i.." Hindi na nito natuloy ang sasabihin nang bigla bumukas ang pintuan kaya naitulak ko bahagya si Evan. Niluwa nito si Odette na nakataas ang tingin sakin saka umirap at baling naman kay Evan sabay ngumiti nang matamis. "Sir I would like to remind you that you have a meeting with Mr. Reyes right now" Nag aayos ng necktie na sumagot si Evan "Yeah susunod na ako" Tumango at ngumiti nang matamis si Odette bago tumalikod at lumabas. Gusto ko tanungin si Evan kung napapansin ba nya ba yong secretary nya na ganon sakanya? "Ipapahatid na lang kita kay Odette sa labas at di kita masasamahan dahil may meeting pala ako." Hindi ko alam kung Ano sasabihin ko dahil nandito pa rin yong pakiramdam ko kanina sa mga sinasabi ni Evan. Totoo ba yong sinabi nya? "Desiree.." pukaw nito sakin. "O-oh? Oo sige" sabi ko na lang Tumaas naman ang kilay nito sa sagot ko "Are you listening?" "Oo Evan..Uhm Sige pala mauna na ako" yuko ko saka lakad na papunta sa pinto Gusto ko tuktukan yong sarili ko. Nawawala ako sa sarili ko. Hay Evan.. napailing iling na lang ako sa sarili ko. "Desiree lahat nang sinabi ko totoo.." biglang salita nito na kinahinto ko. Gusto ko sya lingunin pero mamaya hindi na ako makalabas pa sa office nya pag liningon ko pa sya lalo na't namumuhay na naman yong nararamdaman ko kanina. Sobrang bilis nang t***k ng puso ko nang makalabas ako ng office nya. Napahawak ako sa dibdib ko. Evan mas lalo ako nahuhulog.. Ano ba tong mga sinasabi mo.. Medyo tulala ako na pumasok sa elevator. Hindi ko na inabala pa si Odette na ihatid ako at ayaw ko rin naman. Pag kalabas ko ng building ay sakto namang may nakaparada na ng taxi kaya sumakay na ako. Gusto ko na rin mag pahinga lalo na sa mga naririnig ko kay Evan. "Manong Villa Subdivision po" sabi ko pag kaupo ko kaagad. Napabuntong hininga ako na nakatingin sa labas ng bintana. Umuulan na. Wala akong payong. Pero bahala na pauwi na rin naman ako. Tumingin ako ulit sa bintana. Napakunot ang nuo ko nang hindi man umaandar ang taxi na sinasakyan ko. Lumingon ako sa driver na naka-cap ng black. Hindi ko kita ang mukha nito. "Manong sa Villa Subdivision po" ulit ko baka hindi nya narinig. Pero hindi pa rin ito umiimik. Binundol na ako nang kaba. Ayoko man isipin ang pumapasok sa isip ko. Pero hindi kaya.. Napalunok na ako "M-manong ilang pera po kailangan nyo? W-wag nyo lang po ako patayin.." Nanginginig na ako sa mga sinasabi ko. Dapat ba na nag pahatid na lang ako kay Odette kanina? Mali ba itong idea na sumakay ako na tulala sa taxi na nakahinto sa harap ng building.. Napayuko na ako at nanginginig na hinanap ang ATM ko. Mangiyak ngiyak ako na inabot to sa driver na wala pa ring imik. Naholdap na ako. Wala na rin akong ipon.. "I-ito po.." nakapikit na abot ko. "Do I look like a holdaper?" Napamulat ako sa sagot ng driver na nasa harap ko. Unti unting inangat ang ulo ko. Mula sa salamin ay sumalubong sakin ang supladong mata ng lalakeng nasa driver seat. "A-akala ko holdaper ka.." laking gulat na sabi ko Hinubad nito ang black na cap nito. At don na lang ang pag kalake ng mata ko nang makilala ko kung sino yong nasa harap ko. Pero bakit naka pang taxi driver syang damit ngayon? Last time naka corporate attire sya ah. "Miss ikaw ang pumasok na lang bigla bigla sa taxi ko tapos ngayon ikaw mag iisip na holdaper ako?" masungit na sabi nito Napakagat ako ng labi. Tama nga naman sya. Bakit kasi natulala ako bigla sa mga sinasabi ni Evan. Huminga ako nang malalim "Sorry. Kasalanan ko bababa na lang siguro ako.." sabi ko at ready na buksan ang pinto. "Walang lalabas" Napahinto ako "Bakit?" Ngayon ay nilingon na nya ako. At malinaw ko na nakikita ang mukha nya. Mula sa suplado nyang mata. Parang nahiya ako sa skin nya na parang walang ka-pores pores. Artista ba to? Tumaas ang isang kilay nito "Ihahatid na kita. Diba yon naman gawain ng taxi driver?" Nag tatakang tumango tango na lang ako "O-oo" Tumango tango din ito saka bumalik ang tingin sa harapan na parang ngayon nya lang nalaman. Huh? "Hindi mo ba alam?" mahinhin na tanong ko "Mag tatanong ba ako kung alam ko?" supladong sagot Napatahimik na lang ako. Pero seryoso? Taga saan ba ito? Saka bakit ganito ang itsura nya? Ano ba talaga ito? Hindi ko na namalayan ay nasa harap na kami ng bahay namin ni Evan. Dumukot na ako ng pera at inabot sakanya. "Mukha ba talaga akong taxi driver?" "Huh?" Umirap lang ito "Nevermind" Napalunok na lang ako. Mukhang di naman nya kukunin ang pera kaya binalik ko na lang sa wallet ko. "S-salamat pala.." nag aalangan na sabi ko bago umamba na buksan ang pintuan. Hindi ako nito pinansin dahil bigla tumunog ang phone nito saka iritadong sinagot. "What?! I already did my consequences! Pwede na ba ako pumasok?" Napailing iling na lang ako na lumabas. At pinag sawalang bahala ma lang. Bumalik na naman sakin ang mga sinabi ni Evan. Pwede bang diretsuhin mo na ako Evan? Bagsak ang balikat ko na pumasok sa bahay. Sumalubong sakin ang nakangiting si Hana na ready na pumasok. Maaga ata sya ngayon papasok. "Hi ma'am! Kamusta po ang interview? Nakapasa po kayo?" sunod sunod na tanong ni Hana Tipid ako ngumiti saka tumango. "Eh? Bakit po parang ang lungkot nyo?" Pabagsak na umupo ako sa sofa saka napahawak sa nuo. Gusto ko na bumilis ang oras ngayon. Gusto ko na dumating si Evan. Gusto ko sya tanungin.. Pero kaya ko ba sya tanungin? Hindi ko na nasagot pa si Hana ng may nag doorbell. "Ako na ma'am " presinta ni Hana na kina tango ko na lang din. Pumikit na lang ako at sinandal ang ulo sa sofa para mag pahinga. Parang naubos lahat ng enerhiya ko ngayong araw. "M-ma'am.." Nag mulat ako ng mata ng tawagin ako ni Hana. Kumunot ang noo ko sa itsura ni Hana. Tulala sya at parang di makapaniwala. "Anong nangyari sayo?" Tinaas nya ang kamay nya at tinuro ang bandang main door. Huh? Bakit hindi sya makasalita? Hindi na ako nag salita pa dahil tumayo na ako at nag lakad na papuntang main door. Ramdam ko naman ang pag sunod sakin ni Hana sa likuran ko. Ganon na lang ang pag tataka ko mang matagpuan ko doon ang driver ng taxi na nakatalikod. Ano ginagawa nya rito? Napansin nya siguro ako kaya humarap na sya. Ganon pa rin, suplado ang mata. "Naiwan mo" abot nya sa panyo ko Napatingin ako rito at napahinga ng malalim. Siguro kakaisip ng malalim at di ko na namalayan na naiwan ko to. Regalo pa naman sakin ni Vivoree ito. Kinuha ko ito at ngumiti sakanya "Salamat" Bored lang itong tumango saka tumalikod na. Sinara ko na ang main door. Mabuti na lang naibalik sakin ito, baka magalit sakin si Vivoree dahil naiwala ko ito. "Vivoree nag luto ka— okay ka lang ba?" dahil nakatulala pa rin sya sakin "M-ma'am s-sya yon.." "Huh?" "S-sya yong sinasabi ko sainyo.." Tumaas na ang kilay ko sa sinasabi nya. "Ano?" Huminga ito ng malalim "Sya yong sinasabi ko sainyo na sikat sa school namin dahil sa pagiging law student at dahil rin sikat syang singer sa buong mundo!" kinikilig na sabi na nito bigla Hindi ako makapag salita sa sinasabi nya. Hindi dahil namamangha ako pero dahil tuloy tuloy ito na nag sasalita. "Sya yong isa sa mga crush ko na kinukwento ko ma'am. Sya si Arvid! Arvid Hurrent Demarent!" -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD