Chapter 9

1621 Words
Desiree Larrson Smith Nakaharap ako ngayon sa salamin. Napangiti ako nang mapansin na wala na yong mga pasa ko at sugat. Maayos na ulit ito. Huminga ako nang malalim saka tumingin sa orasan. Malapit na dumating si Evan. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay kong nanginginig sa kaba. Kailangan ko sya makausap. Narinig ko ang pag parada ng kotse nya. Dali dali na akong lumabas at pumunta para salubungin sya. Sakto namang pag bukas nang pintuan. Ngumiti ako kay Evan. "Good evening Evan!" lumapit ako sakanya para tanggalin ang coat nito. "Evening.." sabi nito. Lihim ako napapangiti. Sa araw araw na ginagawa ko ito siguro nasanay na rin sya. Pag ka tanggal ko ay sya namang niluwangan ang necktie nito. Nag iwas ako nang tingin. "A-ahm kain na tayo.." Nag simula na ako nag lakad papunta sa kitchen. Sumunod na rin naman sya. Nag hain ako ng sinigang. Nilagyan ko na rin sya ng kanin sa plato nya. Medyo nanginginig ang kamay ko dahil ramdam kong pinapanood nya ako. Nag simula na kami kumain. Sumulyap ako sakanya na busy sa pag kain. "Kamusta naman work mo ngayon Evan?" Bahagyang tumaas ang kilay nito pero agad din nawala "Fine.." Tumango tango ako "Mabuti naman.." "How about you?" Tumalon ang puso ko sa biglang tanong nya. Ngumiti ako sakanya kahit hindi nya nakikita "Okay lang din.." "Hindi ka na bo-bored?" Nag taas ako nang tingin sa tanong nya. Sakto palang nakatingin sya sakin nang seryoso. Napalunok ako at biglang nag baba nang tingin "Ahm..sanay na ako" bulong ko na kinatango lang nya. Huminga ako nang malalim "Ah Evan may sasabihin pala ako." Hindi ito nag salita kaya nag taas na ako nang tingin. Sumalubong sakin ang nag tatanong mata nya "P-pwede ba ako mag trabaho?" halos walang boses na sabi ko Napapikit ako nang marinig ko ang pag bagsak ng kubyertos na hawak nya. Magagalit na naman ba sya? Dapat Di ko na lang sinabi.. "Why" basag sa katahimikan na sabi nito I bit my lip "M-medyo umuunti na kasi savings ko." "Then I can give you money. Name it" matigas na sabi nya Agad ako umiling iling "N-no Evan" Nag salubong ang kilay nito na parang napupuno na sakin "Why? Bakit ayaw mo? Asawa mo naman ako hah!" Napaawang ang labi ko sa sinabi nya. Natulala ako saglit sa sinabi nya. Asawa.. Gusto ko ngumiti dahil parang May anong fireworks ang sumabog sa puso ko. "H-hindi sa ganon Evan.." "Eh Ano pala?" matigas pa rin na sabi nito "Gusto ko mag trabaho kasi sayang naman yong pinag aralan ko. A-at para may magawa rin ako.." Tumitig sya sakin nang matagal. Napapakagat na lang ako sa labi ko sa paraan nang pag titig nya. Mapang masid. Bumuga ito ng hangin. "So you're bored. Tsk" statement nito na parang ngayon ko lang na sagot ang tanong nya sakin. Huminga ito nang malalim saka bumalik sa pag kain. Hindi na ako umimik dahil Alam ko na ang sagot nya. May anong kumirot sa puso ko. Walang imikan hanggang sa natapos ang pag kain. Ako na lang din ang nag presinta na naiwan sa kitchen para mag ayos. Sumunod na araw as usual si Hana ang sumasalubong sakin sa umaga. Binati ako nito. Ngumiti lang ako sakanya saka nag timpla na ng coffee. "Oh Bakit parang ang lungkot nyo ma'am?" Bumuntong hininga ako "Hindi pumayag si Evan na mag trabaho ako.." Naupo na rin si Hana sa harap ko at nag palaman ng tinapay "Nako ma'am sayang naman po" Nag kibit balikat na lang ako saka nag palaman na rin ng tinapay. "Bakit naman daw po Ayaw ni Sir Evan?" "Hindi ko rin alam.." tipid kong sabi At tumulala na lang sa kawalan. "Pero ma'am hindi kaya takot si Sir Evan?" takot? Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Hana kaya napalingon ako rito na nag iisip. Lumingon ito sakin. "Takot ma'am. Takot na maagaw ka ng iba sakanya pag nag trabaho ka!" Umiling iling na lang ako sa sinasabi ni Hana. Ayaw ko maniwala. Ayaw ko naman paasahin ang sarili ko. "Hindi mangyayari yon Hana.. Baka galit pa rin sya sakin kaya gusto nya ako ikulong dito." Bumuntong hininga na lang si Hana na parang suko na. Iniba na lang namin ang pinag uusapan namin. "Nako ma'am! Confirmed! Bumalik na si Arvid dito sa Pilipinas! Nakita nga namin sya sa University kagabi na naka-corporate atire! Huhuhu why so gwapo Arvid?" mahabang sabi nito. Napapailing iling na lang ako sa sinasabi nya. Teenager talaga. "Bakit sino ba yong Arvid?" Nag salubong ang kilay nito "Ma'am! Hindi mo po ako pinapakinggan last time no? Hay nako" Natatawa ako sakanya. "No. Nakikinig ako. Sadyang andami mo lang mga kwento." Napabuga na lang ito nang hangin "Basta ma'am isa sa mga crush ko si Arvid yon na yon. Gwapo po ganern" Tumango tango na lang ako sa sinasabi nya habang natatawa. Kahit kaunti nakalimutan ko yong Di pag payag sakin ni Evan na mag trabaho. Pag katapos pumunta ako sa tambayan ko palagi at nag basa ng libro. Mabilis din lumipas ang oras at nag paalam na si Hana para pumasok. Pumasok na rin ako sa loob dahil mag didilim na rin. Pag karating ko sa room ko ay kinuha ko ang phone ko para mag online saglit. Lumabas ako at nag punta sa sala. Scroll lang ako ng scroll sa newsfeed ko. Hindi ko maiwasan na mainggit sa mga classmate ko dati na nAg tra-trabaho na ngayon sa mga hotel and cruise ship. Sa kalagitnaan ng pag scroll ko biglang nag pop out si Vivoree. Tinatawag ito. Sinagot ko ito at napangiti ako nang nakita ko sya sa screen ng phone ko. "Hi Vivoree!" kaway ko sakanya. Ngumisi ito sakin at pansin ko nasa isang Bar sya dahil madilim At maingay. "Wait lalabas lang ako bes" sabi nito at nAg lakad palabas ng bar. Nang na kalabas na ito ay don sya mismo sa may ilaw para kita sya sa camera. "Napatawag ka pala Vivoree" Umirap ito sakin "Syempre namiss kita! Kaloka bes?" Tumawa ako "Hindi sa ganon pero sa kalagitnaan ng pag b-Bar mo? Tumawag ka." "Wala nakita lang kita online eh. Diba Di mo naman hilig sa social media kaya I grab the opportunity na tawagan ka then tadah! Nakikita mo na ako sa screen!" Humalakhak ito. Napapailing iling na lang ako. Lasing na ito. "Vivoree umuwi ka na. Lasing ka na" Tumawa ito "Oh no Mommy Desiree!" "Vivoree. Anong oras na oh? Saka mamaya mapano ka dyan" "Bes!" Humalakhak ito "Kailangan ko maging tipsy para makita ko ulit yong Boylet na nang uwi sakin kagabi!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. "Ano ibig mong sabihin Vivoree?!" Humalkhak ito ulit "Alam mo na yon bes" ngumisi ito. At don ko na nakuha ang gusto nya sabihin. Oh no. Wag nyang sabihin na nasuko nya ang bataan nya sa isang lalake na hindi nya kilala? Ngumisi ito sa camera. Lumingon ito saglit sa gilid nya At kita ko ang bahagyang pag laki ng mata nya. "Vivoree!" tawag ko sakanya. Saglit sya sumulyap sakin "Bes andito na sya. Wait!" Hindi na ako nakapag salita dahil pinatay na nya ang tawag. Napahilot na lang ako sa sentido ko. Kailangan ko makausap si Vivoree bukas. Ano na nangyayari sa bestfriend ko? NBSB sya. Pero bakit Di pa nya boyfriend tapos May nangyari nang ganon? Sumasakit ang ulo ko. Dahil tuon ako sa mga sinasabi ni Vivoree hindi ko na namalayan na may tao nang nag lalakad palapit sakin. Nag taas ako nang tingin. Nakasimangot ang mukha nito. "Bakit hindi mo ako sinalubong?" agarang tanong nito Nag taka ako saglit sa tanong nya. Nang rumehistro sa isip ko ay agad ako napatayo at lumapit sakanya na parang estatwa na hindi gumagalaw. "S-Sorry.." bulong ko at tinanggalan na sya ng coat. Napakagat ako ng labi. Preoccupied ako sa nangyayari kay Vivoree kaya hindi ko na sya napansin. Humakbang ako palayo sakanya at ngumiti ng alanganin. "Tara kain na tayo.." sabi ko at walang alanganing tumalikod. Kailangan ko kontakin si Vivoree after namin kumain ni Evan. Napapapikit na lang ako. Nag aalala ako kay Vivoree.. Nagtaka ako nang Hindi ko ramdam na sumusunod sakin si Evan. Lumingon ako sa likod at kumunot ang noo ko nang mapansing andon pa rin sya sa kinatatayuan nya kanina. Lumapit ako "Evan? Busog ka ba?" Hindi ito umimik. Seryoso lang ito nakatitig sakin. Hindi kaya.. "E-evan yong kanina. Sorry iniisip ko lang kasi—" Hindi na ako nito pinatapos dahil nag iwas na ito nang tingin "It's fine" nag lakad na ito palayo sakin. Gusto ko mag salita pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Hindi ito papunta sa kitchen. Paakyat ito nang hagdan. Nag init ang silos ng mata ko. Ngayon kami hindi mag sasabay kumain. Ano ba itong nagawa ko.. Kita ko rin ang bagsak nitong balikat siguro sa pagod. Naiiyak ako. Hindi ko kaya. Hindi ko sya kayang makitang ganito. Kaya hindi na ako nag alanganan na tumakbo at habulin sya sa taas. Natagpuan ko sya na papasok na sa kwarto nito. Hindi na ako nAg alangan pa na tawirin ang space namin at niyakap sya bigla sa likod. Naramdaman kong naestatwa ito. "S-Sorry Evan. Sorry. Hindi ko kayang ganito. Yong hindi tayo sabay k-kumain.." napasigok ako sa iyak ko "S-Sorry Evan..Hindi na po mauulit" Binaon ko lang ang mukha ko sa malapad nyang likod. Hindi ko na inisip pa na mabasa ito sa iyak ko. Naramdaman kong humarap ito sakin. Kala ko itutulak nya ako palayo. Pero hindi.. dahil tinulak pa nya ako payakap lalo sakanya. Tuluyan na ako naiyak lalo na at naramdaman kong niyakap nya ako pabalik. "Damn! You don't know how much you driving me crazy Desiree!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD