Desiree Larrson Smith
Modeling agency? Bakit naman ako bibigyan ni Drea ng ganito. Atsaka wala akong confidence sa katawan at hindi sumagi sa isip ko na sumali sa mga ganito kahit nung mga high school and college ako ay kinukuha akong muse pero hindi ko tinatanggap kasi wala akong tiwala sa sarili ko. May mas higit pa sakin.
Nilagay ko na lang sa drawer itong calling card. Hindi ko ito kailangan. Bumalik ako sa kama ko at nahiga. Mabigat pa rin kasi ang dibdib ko sa nangyari kanina. Gusto ko muna mag pahinga.
Ipipikit ko na sana ang mata ko nang may narinig akong katok. Huminga ako nang malalim. Si Evan ito.. at sa malamang iyon baka galit na naman ito sakin. Samut saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon pero nananaig yong lungkot sa dibdib ko.
Lumakas ang katok kaya napilitan akong tumayo. Wala naman akong magagawa. Lamya kong binuksan ang pintuan. Bumungad sakin ang madilim na mukha ni Evan. Umiwas ako nang tingin. Sabi na nga..
"Bakit ganyan ka umasta sakin? Kanina ka pa! Ano problema mo hah?!" sigaw nito sakin
Napalunok ako. Naiiyak ako. Inangat ko ang tingin ko sakanya at tipid na ngumiti "S-sorry biglang nawalan lang ako ng gana.."
"Gana?! Gana saan?! O baka Ayaw mo lang ako kasama no?!" mapakla itong tumawa
Kumunot na ang noo ko sa sinabi nya. Kahit kailan hindi ko sya inayawan. "H-hindi sa ganon Evan"
Ngumisi ito sakin "Wag mo ako sinusubukan Desiree"
At dahil doon namuhay ang takot sa sistema ko. Bumalik lahat lahat nang takot, daing at pag mamakaawa ko nung kinaladkad nya ako At kinulong sa isang kwarto.
Automatic na nanginig ang katawan ko at nAg tubig ang mata ko "W-wag! W-wag mo na ako ikulong E-evan.. a-ayoko na maranasan yon.." nauutal na sabi ko
Nag bago ang mukha ni Evan. Nagulat ito sa biglang takot sa mukha ko.
"S-sorry h-hindi na ako mag seselos. H-hindi na ako mag tatampo. T-tanggapin ko na lang na di mo ako ipakilala Kahit kanino as a a-asawa mo.." tuluyan na ako naiyak sa sinabi ko. Sobrang bigat na kasi nang selos na nararamdaman ko kaya di ko na napigilan at nasabi ko na. Tatanggapin ko na lang Kahit ikulong na lang nya ako.
Napayuko ako at ramdam na ramdam ko ang rumaragasang luha sa pisngi ko. Wala sa isip na tinaas ko sakanya ang dalawang magkadikit na kamay ko.
"I-ikulong mo na ako..a-alam kong Galit ka sakin..Hindi ko lang mapigilan. S-sorry.." bulong ko
Binibigay ko na ang sarili ko sakanya. Hindi ko na alam. Ang alam ko lang galit sya sakin at ako nasasaktan. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pag hikbi.
Naramdaman kong lumapit na sya sakin. Napapikit ako. Akala ko hahawakan na nya ang kamay ko pero hindi..dahil hinapit nya ako sa bewang payakap sakanya..
Binaon nya ang ulo ko sa dibdib nya "Sorry.." paos na bulong nya
Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya. Hindi ako makapag salita lalo na't ramdam ko ang pakiramdam na makulong sa bisig nya.
Humigpit ang yakap nito sakin at naramdaman ko ang pag masahe nya sa buhok ko na nAg palunok sakin "Oh God..Sorry Desiree—s**t!"
Hindi ko alam. Automatic na nalusaw ang bigat sa dibdib ko at napangiti. Humilig na lang ako sa dibdib nya at pumikit. It feels so good..
Napamulat ako nang bigla sya humiwalay sakin. At nang mag tatama na sana ang tingin namin ay agad sya umiwas nang tingin. Parang doon lang ako natauhan at nag init ang pisngi ko. Napalunok ako.
"A-ah Evan ano.."
"s**t!" Di ako nito pinansin At sinabunot ang sariling buhok. Taas baba ang dibdib nito na parang nAg hahabol ng hangin.
Sumulyap ito bigla sakin. Napahugot ako ng hangin.
"L-let's eat" sabi nito saka nag lakad na palayo sakin.
Natulala ako. Hindi ako pwede mag kamali. Evan's blushing..
**
Tanging tunog lang ng kubyertos ang naririnig. Lumunok ako, parang ang hirap lunukin yong kinakain ko dahil katapat ko si Evan na ngayon ay seryosong kumakain.
Hindi ko mapigilang alalahanin yong pagyakap nya sakin kanina at pag hingi ng tawad. Parang isang yelo na nalusaw ang takot ko sakanya.
Tumikhim ito bigla at nag angat nang tingin sakin. Tumaas ang kilay nito "Bakit di ka pa kumakain?"
"A-ah Sorry kakain na ako ahm " binaba ko na lang ang tingin ko sa pag kain ko at nag simula na kumain.
"Tell me. Hindi ba masarap luto ko?" nag angat ako nang tingin sakanya. Napalunok ako sa seryoso nyang mukha.
"A-ah hindi—" hindi na ako nito pinatapos dahil bigla na lang ito tumayo.
"E-evan San ka pupunta?"
Hindi ako nito pinansin dahil agad agad na itong nag lakad palabas ng kitchen. Ano nangyari sakanya?
Wait hindi kaya..
Agad na tumayo ako At sinundan sya. Sakto namang paakyat palang ito nang hagdan.
"E-Evan teka lang.." tawag ko sakanya na kinahinto nya pero nakatalikod pa rin ito sakin.
"What." masungit na tugon nito.
"Ahm Ikaw pala nag luto non?" kagat labi kong tanong
Humarap ito sakin. Ngayon kitang kita ko na ang kunot noo nito. "Obvious ba?"
Kinagat ko ang labi ko at nAg iwas nang tingin. Ayaw kong ngumiti sakanya. Alam ko namang bakit sya ganito.
Huminga ako nang malalim saka sinalubong ang masungit nitong mata. Buong lakas akong ngumiti sakanya.
"Masarap Evan.."
Napalitan nang pag tataka ang mukha nito pero nang makuha nya ang sinasabi ko ay nAg iwas tingin ito.
"Sarapan sya sa luto ko?" bulong nya sa sarili nya pero rinig ko naman.
Muntik na ako matawa rito. Bakit ang cute nya? I mean matagal naman na syang gwapo sa paningin ko pero ngayon ko lang nakita ang cute side nya. Para na syang batang namumula sa hiya dahil nahuli ng crush nya.
Tumikhim ako para makuha ang atensyon nya lumingon ito "So pwede na tayo ulit bumalik sa pag kain hmm?"
Saglit itong napatulala saka pumikit at huminga nang malalim. "Fine.."
Ngumiti ako sakanya saglit saka tinalikuran pabalik sa kitchen. Hindi matanggal ang ngiti sa mga labi ko after namin kumain. Ako na ang nAg ligpit since sya naman ang nag luto. Magaling din pala sya mag luto.
Sumunod na araw. As usual hindi ko na naabutan pa si Evan. Pumasok na siguro ito. Bumungad sakin si Hana na nagtataka sa nakangiti kong labi.
"Good morning Hana!" magiliw na bati ko saka nag timpla na ng coffee.
"Parang may nangyaring ano ma'am kahapon ah."
Ngumiti lang ako sakanya at binalik ang tingin sa coffee and bread. Kagat labi akong May naisip. Nag balik tanaw sakin lahat nang nangyari kahapon especially yong yakap nya sakin.
"Uy ma'am! Mapunit na po yong labi nya kakangiti" asar ni Hana na kinatawa ko lang.
Naupo na ako sa upuan at nAg simula na kumain. Humarap sakin si Hana at pumeywang.
"Spill it ma'am! Baka May maitulong ako sainyo po?" tumaas baba ang kilay nito
Kumunot naman ang noo ko "Ano ibig mong sabihin?"
Umirap naman ito "Nako po ma'am siguro nga po college student pa lang po ako pero andami ko nang alam sa mga ganyan. You know..wattpad"
Nanlaki ang mata ko at namula sa sinabi nya "Hana! Walang nangyaring ganon"
Para namang pinag sakluban ito nang langit at lupa. Napahampas na lang ito sa noo saka naupo. "Sabi ko nga po"
Bigla naman ako napaisip. Ganon na ba talaga itsura o saya ko na parang May nangyari na saming ganon? Sobrang pula na siguro ng pisngi ko ngayon. Hindi sumagi sa isip ko iyan. Napahawak na lang ako sa mag kabilang pisngi ko na nAg iinit sa hiya.
"Hay nako ma'am wag nyo na lang po pansinin sinabi ko"
Huminga ako nang malalim saka tinuon sa pag kain. Nag kamustahan kami ni Hana. Nalaman kong umuwi pala sya ng Zambales nung Saturday sa family nya At kararating lang nya dito sa Manila kaninang madaling araw kaya pala medyo puyat ang mata nito.
"Anyway ma'am ano regalo nyo kay Sir Evan sa birthday nya?"
Napahinto ako "Wala pa ako maisip.."
Alam kong malapit na birthday ni Evan. Next Sunday na at parang kinabahan ako. Kinabahan siguro Wala pa akong regalo ngayon? At medyo nauubos na ipon ko. Ayaw ko naman humingi kina Mom and Dad. Napakagat ako ng labi. Kailangan ko na mag trabaho.
Pag katapos namin kumain. Pinatulog ko muna si Hana para makabawi nang puyat para mamayang evening class nito. Naligo ako bago nAg paalam kay Hana na aalis saglit. Medyo kinakabahan kasi baka malaman ni Evan. Pero saglit lang naman ako. Kailangan ko lang malaman kung ilan na lang savings ko.
Nag taxi ako papunta sa malapit na 7 Eleven na mayroong ATM machine. Mabuti naman at may nakita ako agad. Bumaba ako ron. Sinuot ko ang sunglasses ko para sakali makita ako ni Evan ay hindi ako makilala.
Pumasok na ako sa 7 eleven at nag punta sa ATM machine. Kinakabahang kinuha ko ang card ko at pinasok roon. Chineck ko ang savings ko. Nang lumabas ang resibo agad ko itong tinignan.
Medyo nanlumo ako dahil nasa 100,000 na lamang ito. Hindi naman sa naliliitan ako rito pero kasi maari pa itong mabawasan or worst maubos habang Wala pa akong trabaho.
Bumuntong hininga ako atsaka tinago ang resibo at card ko sa bag. Nakayuko na nag lakad ako palabas nang 7 Eleven. Pababa na sana ako ng hagdan nang May nakabunggo ako. Nag silaglagan pa ang mga hawak nitong papeles.
"S-Sorry po!" sabi ko agad at sinimulan na pulutin ang mga papeles na nahulog.
Nang makuha ko ito lahat ay inabot ko agad ito sa nabunggo ko. Nag angat ako nang tingin para makita ko sya. Lalake ito. Naka corporate attire. Seryoso din ang awrahan nito. Messy ang hair nito na parang galing sa pag katulog. Huh?
"Thank you Miss" mabilis na sabi nito at tumingin agad sa wrist watch nya at biglang napamura.
Napakagat ako nang labi. Mamaya naabala ko sya. Lumihis na ako nang daan para makadaan sya. "Sorry talaga mister.." paumanhin ko
Tumango ito na hindi tumitingin sakin at nag lakad na paalis sakin. Huminga na lang ako nang malalim. Ano ba kasi itong iniisip ko, nakakabangga pa ako.
"Arvid man! Bakit ang tagal mo? Galit na si manager"
Huling narinig ko bago ako pumara ng taxi at nag pahatid na sa subdivision namin ni Evan. Bumalik ang isipan ko sa savings ko. Siguro hindi naman magagalit si Evan kung mag paalam ako sakanya na mag trabaho ako.
Napabuntong hininga ako. Bahala na.