Chapter 7

2455 Words
Desiree Larrson Smith Nagising ako nang magaan ang damdamin. Ngumiti ako ng tumapat sakin si haring araw. Sobrang gaan nang nararamdaman ko ngayon. Siguro dala ito nang pag titig ko ng matagal kay Evan. Hindi ko napigilan na mamula sa ginawa ko kagabi. Tumayo na lang ako. Inayos ko muna ang pinag higaan ko bago tuloy tuloy na lumabas. Hindi ko na inabala na mag ayos pa ng sarili dahil si Hana lang naman ang makakakita ng morning face ko. At hindi si Evan. Naisip ko si Evan habang bumaba na ako sa hagdan patungo sa kusina. Wala na ito sa sofa. Pumasok sa siguro ito. Nag kibit balikat na lang ako. Okay na rin siguro yon para hindi ako matanong ng marami, kasi sigurado marami itong tanong sakin. Humikab pa ako habang nag lalakad at pumikit. "Hana may mainit na bang tubig?" namamaos kong tanong "Oo meron na" Napamulat ako agad ng mata at mismong pag mulat ko ay nanlaki ang mata ko nang hindi ito boses ni Hana dahil boses ito nang lalake na ngayong nag kakape habang may binabasang papeles. Napalunok ako nang hinagod ko ang kabuuan sya. Nakasando syang puti at naka boxer na black. Napahugot ako bigla nang malalim na hininga. Sumulyap ito sakin at kumunot ang noo "Bakit nakatayo ka lang dyan? May mainit na nang tubig. Mag kape ka na" sabi nito saka binalik ang atensyon sa binabasa. Napapikit ako habang napapalunok. Hindi naman sa hindi ako sanay na andito sya sa harapan ko pero nag tataka ako bakit andito pa rin sya at lalo..Bakit ganyan lang ang suot nya. "Desiree may problema ka ba sakin?" Salubong ang kilay. Halos mapatalon ako sa biglaang pag salita nya. Oo may problema ako sa suot mo. "W-wala naman. Nagulat lang ako bakit hindi si Hana ang b-bumungad sakin" kagat labi kong sabi. Tumingin sakin ito at mas lalong nAg salubong ang kilay nito. "Bakit ayaw mo ba na ako ang bubungad sayo Sa umaga?" Gusto ko na pagalitan ang sarili ko dahil iba na ang nagiging intrepretasyon nito sa sinabi ni Evan. Hirap na hirap pa ako na hindi gumawi ang tingin ko sa suot nya. Huminga na lang ako malalim "H-hindi naman sa ganon, nakakanibago lang" Tumaas ang kilay nito "It's Sunday kaya wala yong katulong natin" Bumalik na ang tingin nito sa papeles bago pa ako nakatango. Pinigilan ko na lang ang sarili ko na tignan sya at mahinhin na nag lakad para mag timpla ng coffee. Bumibilis ang kabog ng dibdib ko kapag malapit lang sya sakin. Muli, naalala ko na naman ang ginawa kong pag titig sakanya kagabi. Huminga ako ng malalim. Lalo na ngayong anlapit lang nya sakin at busy sa ginagawa nito. "May hotcake dito sa lamesa. Kumain ka" Napakagat ako ng labi. Mapapalapit pa ako sakanya. Wala rin ako nagawa kaya kinakabahan na nag tungo sa lamesa at naupo sa upuan nito na katapat nya. Kumuha na ako ng hotcake saka kumagat. Ang sarap. Sya ba nag luto nito? "Pag katapos nito, mag grocery tayo at medyo nawawalan na tayo ng stock sa ref" seryosong sabi nito habang nakatuon pa rin sa binabasa nito. Tumango na ako at hindi na nag salita. Hindi ba sya mag tatanong about sa nangyari kagabi? Pag kauwi nya? O baka hindi nya naalala.. Binilisan ko na lang ang pag kain ko. Para mauna na gumayak sa taas. Nag paalam muna ako kay Evan bago umakyat sa taas. Pag pasok ko nang kwarto don lang ako nakahinga nang maluwag. Iba talaga pag katapat ko na si Evan. Nawawala na ako sa sarili. Nagdiretso na ako sa cr at naligo. Pag katapos ay nag suot ako ng light blue na dress saka nag heels. Nag apply ako ng light na lipstick sa labi ko. Nang makita ko ang kabuuan ko sa harap ng salamin natawa na lang ako sa sarili ko. Mag g-grocery lang naman kami pero bakit parang nag ayos pa ako. Nag kibit ako ng balikat. Kasama ko kasi si Evan. May narinig na akong katok mula sa labas. Nag mamadali na kinuha ang purse ko saka nag huling tingin saglit sa salamin saka nAg tungo sa pinto at agad na binuksan ito. Nakasimangot na Evan ang bumungad sakin. Maayos na rin ang itsura nito. Naka khaki shorts ito saka black na T-shirt. Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil madalas na ganito ang suotan nito nung college kami. Hinagod nito ang suot ko "Bakit naka-dress ka?" Nagtaka naman ako sa suot ko. May mali ba dito? "Huh?" "Hindi ka ba nag s-short or pantalon?" Agad ako umiling saka ngumiti sakanya. "Okay okay. Let's go" sabi nito saka tumalikod na at nAg lakad na. Sumunod na lang ako sakanya habang nag kakagat labi. Date na ba namin to? Dumiretso na kami sa parking lot ng bahay. Pag karating namin ay natagpuan namin ang sasakyan nya. Napahanga ako sa sasakyan. Red Audi Amarok? "Faster Desiree" Sumunod ako sakanya saka dahan dahan na pumasok sa Red Audi Amarok. Yes I love cars. Pero hindi naman to the point na bibili ako ng ganito kamahal na sasakyan kahit sobrang ganda nito. "San tayo mag grocery Evan?" kagat labing sabi ko sa gitna nang pag d-drive nya "Puregold" tipid na sabi nito Tumango tango na lang ako saka tumahimik na. Tumingin na lang ako sa laba. Parang ngayon ko lang napag masdan ang labas ng village namin. Siguro dahil ilang linggo din akong nasa bahay. Somehow namiss ko rin lumabas. Pero dahil ayaw ni Evan. Hindi na lang. Mas gusto ko pang ganito kami ni Evan kaysa magalit sya sakin. Mabilis din kami nakarating sa Puregold. Pinarada muna ni Evan yong kotse nya saka kami bumaba. Pag pasok ay bigla ako nanlamig. Sobra talaga sa lamig sa loob ng Puregold. Napahawak na lang ako sa braso ko habang nag tungo don sa push cart. Kumuha na ako ng isa at sisimulan na sana itulak nang may umagaw nito sakin. "Ako na. Sundan na lang kita" pinal na ani ni Evan Napatulala na lang ako saglit saka kumurap kurap at nag lihis nang tingin. Humiherento na naman puso ko. Huminga na lang ako nang malalim saka nag simula na mag punta sa bawat stante Nag punta muna kami sa mga palamanan. Parang bigla ako nag crave sa strawberry jam. Favorite ko talaga strawberry. Agad na kumuha ako ng strawberry jam at masayang binaba ito sa push cart. Nag taas ako nang tingin kay Evan na nakamasid sakin. Tumaas ang kilay nito sa nilagay ko sa push cart. "Wth? Strawberry jam?" Mabilis akong tumango "Yep!" Parang nandiri naman ito "Not my taste" saka tumingin sa stante at kumuha ng Nutella Napakunot ang noo ko sa nilapag nyang Nutella na pinakamalaki. "My favorite" sabi nito Tumango tango na lang ako saka ngumiti sakanyang nakakunot noo. Gusto ko matawa sa itsura na parang nakangusong nag tataka sa pag ngiti ko. Kumuha na kami ng iba pang food. Frozen food, yong mga meats, can goods and also milk. Nasa soap and shampoo section na kami nang may biglang tumawag kay Evan. "Evan is that you?" Sabay kaming napalingon ni Evan sa boses babaeng tumawag dito. Napahagod ako sa paraan nang pag susuot nito. Nakasuot ito ng fitted maong mini skirt at fitted na sando na white at pinatungan ng black leather jacket. Ang ganda nya, mukha syang model. "Drea?" Ngumisi ang babae kay Evan "Yes my dear. Can't remember?" Umaliwas bigla ang mukha ni Evan saka natatawang umiling iling dito kay Drea "No. I mean of course not! Naalala pa rin kita" "Anyway kamusta sina Tita and Tito?" "Ok lang sila. Wow kailan ka pa umuwi?" iniwan ako ni Evan at lumapit kay Drea. Napalunok ako. Wala ba syang balak na ipakilala ako atsaka sino itong si Drea? Naninikip na kasi ang puso ko. Parang nakakaramdam ako ng selos. Yumuko na lang ako nang nag sisimula na sila mag tawanan halatang close na close sila. Bumibigat na naman dibdib ko. "Wait Evan. Baka naman ipapakilala mo ako sa kasama mo?"narinig kong sabi ni Drea na kinataas ng tingin ko sakanila. Sinalubong ako nang mapang masid na tingin ni Drea. Tinignan nya ako from head to toe. Bigla ako nanliit. Bumalik ang tingin nito kay Evan "I didn't know iba na pala taste mo maging sidechick?" Nanlaki ang mata ko. Ano. Sidechick? Gusto ko mag salita pero Wala akong lakas kaya napatingin na lang ako kay Evan. Humalakhak si Evan. Parang may anong batong pumatong sa dibdib ko. Hindi ito nag salita. Bumalik ang tingin ko na lang sa stante ng mga shampoo at soap at kumuha na. Nag sisimula na kasi mag tubig ang mata ko. "Okay since mag isa lang ako. Sabay na lang ako sainyo. Babayaran nyo na lang naman yan diba? rinig kong sabi ni Drea. Parang mas lalong sumikip ang dibdib ko. Sobrang sumisikip sa kaalamang hindi man nag sabi si Evan na asawa nya ako. Ang sakit.Tama ba sinabi ni Vivoree na Di kaya ni Evan mag bago? O ako lang itong nag a-assume na nag bago na sya pero hindi naman.. "Sure!" Pag kasabi nga ni Evan kay Drea agad na tumabi ito samin. Lumingon sakin si Evan. Kumunot ang noo nito sa ayos ko. Gusto ko mag salita. Gusto ko sya tanungin. "Tapos ka na kumuha dyan?" "A-ah Oo tapos na.." Tumango na ito saka nag lakad na sa harap ko. Sobrang mapag laro ang oras. Kanina sya ang nAg tutulak ng cart at ako ang nasa harap. Ngayon ako na ang nAg tutulak At sya na ngayon ang nasa harap. Mag katabi pa sila ni Drea. Kinagat ko ang labi ko para pigilan humikbi. Ito na naman kasi yong sakit na nararamdaman ko nang sinaktan nya ako. Hindi nya man ako pinakilala kay Drea. Hindi ko rin alam kung si Drea sa buhay nya. P-parang Wala lang ako sakanya.. Parang Di nya ako asawa.. How about those moments na nangyari samin? Ako lang ba yong nag f-feeling? I mean ako lang ba nag bibigay ng meaning? Ako lang ba nag bibigay ng pag asa sa sarili ko kahit bawal? Pinahid ko ang luhang pumatak na sa pisngi ko. Huminto si Evan na nag pahinto sakin sa pag tulak. Akala ko lilingon ito pero imbes ay lumingon ito kay Drea "Wait may nakalimutan ako kunin. Dito lang kayo ah" sabi nito. Mabuti naalala nya pang May kasama pa sya.. Nang umalis ito saka ako napahinga ng malalim. Parang nanlalambot ako. Gusto ko na umuwi.. gusto ko na mag pahinga. "I know who you are.." Napatungo ako nang mag salita si Drea. Seryoso ang mukha nitong nakaharap sakin "You're Evan's wife right?" Napaawang ang labi ko sa sinabi nya. Paano nya nalaman. "Poor girl" umirap ito "Hey I'm not your kontrabida here okay?" "S-Sino ka pala?" nauutal kong sabi. Bigla ito ngumisi sakin saka nag cross nang kamay. Mukha talaga syang model. Parang may halo sya dahil may pag ka-singkit ang mata nito. "I'm Evan's EX SIDECHICK" A-ano? Sidechick? Babae ni Evan? P-pero ang alam ko sobrang tagal na nila ni Tania. At mahal ni Evan iyon. Wait.. "Yes my dear. Tama ang iyong iniisip. Gago yang si Evan. Nag c-cheat din yan kay Tania. You know men. Nag hahanap nang bagong titikman" parang wala lang sakanyang sabi nya. Tumingin pa ito sa kuko nya. Nag taas ito nang tingin sakin at ngumisi "Kung ako sayo wag ka nang mag paka-tanga kay Evan dahil gago yan. Kahit ANONG gawin mo Hindi na mag babago yan. Look, Hindi ka nya pinakilala sakin diba? Dakilang gago yan. Kaya if I were you better na mag filed ka na ng divorce kasi alam mo... masasaktan ka lang lalo pag pinatagal mo pa yang katangahan mo sakanya" hinagod nito ang kasuotan ko "Maganda ka. Mukha kang anghel. Hindi ka nababagay sa demonyong Evan na yon" Hindi ako makapag salita sa sinasabi nya. Akala ko close sila ni Evan bakit ganyan sya mag salita ngayong wala si Evan. Naguguluhan ako. Yong selos na nararamdaman ko kanina naging sakit nya. Sumasakit na yong puso ko sa mga sinasabi ni Drea. Huminga ako nang malalim "B-Bakit mo nasasabi ang mga iyan?" Bigla naman nanlambot ang mukha nito "Kasi ang katulad mo ay hindi dapat napupunta saganyan.." I bit my lip. Gusto ko umiyak. Umiyak dahil totoo ang sinasabi nya. Totoo namang nAg papakatanga ako kay Evan. P-pero hindi ko kayang sumuko. May kinuha itong papel sa bag nito saka inabot sakin. Tinignan ko ito. Isa itong calling card. Kinuha ko ito sakanya. Tatanungin ko sana sya about sa calling card nang dumating na si Evan. Nakakunot ang noo nito na nakatingin saming dalawa ni Drea. Pero agad Di nyang sinawalang bahala saka lumapit sakin. "Evan mauna na ako mag bayad nito ah? Hinahanap na ako ng manager ko eh. Bye!" tumango si Evan dito. Sumulyap saglit sakin si Drea saka tumalikod na. Napahinga na lang ako nang malalim. Pag katapos naming bayaran pinamili namin nag lakad na kami papunta sa parking lot. Si Evan ang nAg lagay sa loob nitong mga kahon. Ako naman dumiretso na sa shotgun seat. Naramdaman ko na ring pumasok si Evan pero Di na ako nAg abalang tumingin. Nakatulala lang ako sa bintana. Ramdam kong nakatingin sakin si Evan. Pero agad na lang nya binuhay ang sasakyan at pinaandar. Buong byahe walang imikan. Wala akong gana mag tanong. Napagod ako sa mga nangyari. Lalo na sa mga sinasabi ni Drea. Sumasakit pa rin dibdib ko sa sinabi ni Drea dahil totoo ito. Pinahid ko ang luha ko. Hanggang kailan ba. Nang makarating na kami ay tinulungan ko na lang si Evan na mag pasok nang mga pinamili namin. "Are you okay?" Binaba ko na ang huling box sa lamesa saka tumingin kay Evan na seryosong nakatingin sakin. Ngumiti ako nang mapait "O-Oo naman okay lang ako. Napagod lang siguro.." Tinitigan lang ako nito saka nag iwas nang tingin. Bumuntong hininga na lang ako saka umakyat na sa taas. Gusto ko na lang muna matulog Kahit tanghali pa lang. Napadaan ako sa salamin dito sa loob ng kwartro ko. Napangiti ako nang mapait nang makita ko ang kabuuan ko. Sobrang layo ko sa mga tipo ni Evan na mahilig mag suot nang maiikling short,skirt o Ano pa na pang sexy. Bumuntong hininga na lang ako saka nag tungo na sa kama ka at humiga. Pinahid ko na naman yong luha ko na automatic na nahuhulog. Pipikit na sana ako nang May naalala ako kaya kinuha ko ang purse ko at kinuha yong calling card na binigay ni Drea. Hindi ko pa kasi ito tinignan dahil biglaang dumating si Evan. Agad na kumunot ang noo ko sa nabasa kong nakalagay sa calling card. Modeling agency?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD