Chapter 6

1904 Words
Desiree Larrson Smith Napapalunok ako sa paraan nang pag titig sakin ni Vivoree. Mapanuri. Nakaupo na kami ngayon sa sofa. Mag kaharap. "Uhm mga ma'am punta po muna ako sa kitchen, gawan ko po muna kayo ng meryenda" singit ni Hana samin. Naramdaman ata nya na may pag uusapan kami ni Vivoree. Tumango na lang ako kay Hana at ngumiti. Tumalikod na ito. Parang gusto ko sundan na lang si Hana at iwan si Vivoree dito. Kilala ko si Vivoree, hindi ako titigilan nito hangga't hindi ako umaamin. "Ano best baka may gusto kang I-share sakin?" Napaiwas ako nang tingin kay Vivoree. "May nangyayari bang kalabugan dito nang hindi mo kinukwento? Hmp?" nanlaki ang mata ko at namulang parang kamatis ang pisngi ko. Tumaas lalo ang kilay nya. Napahinga na lang ako nang malalim saka kagat labing sinalubong ang mata nya. Nahihiya ako. Nahihiya ako mag sabi sakanya na May muntik na may mangyari samin ni Evan. At sa kusina pa. Tumikhim ako "Uhm.." "Uhm What?" pinalakihan nya ako ng mata Huminga ako nang malalim "Nag bago na pakikitungo ni Evan sakin.." Yong kilay nya na nakataas ay bigla nag salubong. Kumunot pa ang noo nito at parang gusto pa matawa sa sinabi ko. Alam ko namang hindi kapani-paniwala dahil kilala nya si Evan. Pero ramdam ko at kitang kita ko ang pag babago nya. "Nag dro-droga ka ba best?" Ano? Napahilot ako sa noo ko. "Vivoree totoo ang sinasabi ko" Hindi pa rin naniniwala ang mukha nya. At bumagsak ang balikat nito na parang hindi nagustuhan ang narinig o nadisappoint. Tumingin lang ako sakanya ng seryoso. Napairap sya saka bumuga ng hangin. "Oo na Oo na. Go mag kwento ka pano mo nasabe?" Mag sasalita na sana ako ng saglit ako napahinto at napaisip. Dapat hindi nya malaman na sinasaktan ako ni Evan dati. Kailan ko mag ingat sa pag kwento. Tumingin ako sakanya na nAg hihintay sa sasabihin ko. "A-ayon kinakain na nya luto ko tapos pinapayagan na nya ako na tanggalin yong coat nya pag kauwi nya" kagat labi kong sabi "Oh? Kala ko kung anong kinakain nya at namaga ng todong todo yang labi mo!" bulong nito na rinig ko naman. Namula na naman mukha ko "Vivoree!" Tumawa ito sa sigaw ko at tinitigan ako na parang nAg e-enjoy sa reaksyon ko sakanya "Ang cute mo talaga bes. Para kang bata kung maka-react eh may asawa ka na. Okay lang yan! Basta mag Ingat lang mamaya May makakita sainyo!" humalakhak pa ito ng malakas Lalo naman ako namula sa sinasabi nya. Huminga na lang ako ng malalim at napapailing iling sa sinasabi nya. Hindi nya alam Wala pang nangyayari samin ni Evan. At hindi ko alam bakit. Pero di na ako nag tataka kung bakit wala pa dahil galing sakanya na ang tingin nya sakin maduming babae kahit hindi.. Medyo humupa ang tawa ni Vivoree nang dumating na si Hana na nakangiti habang hawak ang tray na may lamang dalawang juice at sandwich. "Thank you. Ang bata naman ng maid nyo dito bes. Mamaya sidechick to ni Evan ah" sabi ni Vivoree pag katapos uminom ng juice. Napailing iling na lang ako. Mamaya mag so-sorry ako kay Hana sa mga pinag sasabi ng bestfriend ko. "Hay nako ma'am hindi mangyayari yon. Over my dead and sexy body" si Hana sabay post kunti. Humagalpak nang tawa si Vivoree sa ginawa ni Hana "In fairness best I like your maid huh" nakangising sabi nito sakin sabay kilay kay Hana "Ano pangalan mo?" "Hana po Ma'am Vivoree" Nag simula na sila mag kwentuhan. Muntik ko na makalimutan na mag kaugali pala sila ni Vivoree at tama ako dahil mag kakasundo sila. Hindi na ako masyado familiar sa pinag uusapan nila. Ang pinag uusapan kasi nila about sa mga crushes nila. "Parehas tayo ng taste Hana! Kaloka buti ka pa maraming crush. Di katulad ng isa dyan masyadong faithful kay Devil Evan!" parinig ni Vivoree na kina buntong hininga ko. "Nako ganyan po talaga si Ma'am Desiree lalo na't medyo nag kakaayos na sila ni Sir Evan" Ngumiti na lang ako sa sinabi ni Hana. Napa-oh na lang si Vivoree at tumango tango. Sabagay di ko naman sya masisi dahil sabi nga nya dati saming dalawa sya ang mas nakakakita ng totoong kulay ni Evan dahil daw ako ay masyadong bulag na bulag kay Evan kaya di ko daw makita ang masama nitong ugali. Mabilis lumipas ang oras at umalis na si Vivoree. Pinapatawag na daw sya ng Mom and Dad nya. Inabala ko na lang ang aking sarili sa pag babasa lalo na't pinayagan na ako ni Evan na gamitin ang study room nya. Hindi ko pa rin makalimutan yong nangyari kagabi, parang..parang isang panaginip lang. Siguro nakatapos na ako ng isang libro nang mag paalam si Hana para pumasok. Nang makita kong pagabi na ay pumasok na ako sa bahay at nag diretso sa kwarto para mag hugas. Mabilis din ako natapos sa pag ligo saka nag patuyo na ng buhok. Pag katapos ay tumayo na ako at lumapit sa side table, binuksan ko ang phone ko. Hindi ako mahigit sa gadgets. Kaya malimit ko lang magamit ito. Nag bukas lang ako ng f*******: ko at nag tingin ng message. Puro GC na nabubuhay pag mag kakaroon ng reunion. May usapan kasi sa GC namin nung college may reunion daw. Nag seen lang ako, di ko rin hilig makihalubulo. Introvert ako. Kaya si Vivoree lang kaibigan ko. Napatingin ako sa clock. Kumunot ang noo ko nang lampas Alas-8 na. Bakit parang ang Tagal ni Evan ngayon? Overtime kaya sya? Gusto na gumalaw nang daliri ko at pindutin ang number ni Evan da phone ko. Gusto ko sya tawagan pero kinakabahan ako. Mamaya magalit sya sakin. Ayaw ko na mangyari yon. Kumukulog na rin ang tyan ko sa gutom. Gusto ko kasi sabay kami ni Evan ngayon lalo na't paulit ulit nag r-replay sa utak ko yong sinabi ni Evan. Napapailing na lang ako habang nakangiti. Hindi nya alam na gustong gusto ko sya kasabay kumain. Sadyang napapatulala lang ako pag kasama sya. Bumaba na ako nang mainip ako sa loob ng kwarto ko. Pag kalabas ko palang ng kwarto ko May pumasok sa isip ko. Napakagat ako ng labi saka tumingin sa di kalayuan na pinto. Kumabog ang dibdib ko. Don natutulog si Evan. Hindi ko alam pero gusto ko pumasok at silipin kung ano itsura ng kwatro nya. Kaso mamaya malaman nya at magalit sya sakin. Pero sadyang hindi sumusunod ang katawan ko sakin dahil automatic itong nag lakad at nagising na lang ako na nasa harapan na ng pinto ng kwatro ni Evan. Ano ba itong ginagawa ko? Huminga ako nang malalim. Bahala na. Bahala na kung makulong ulit ako ng isang gabi. Basta bahala na. Dahan dahan na hinawakan ko ang seradura at dahan dahan na pinihit ang seradura. Nanlaki ang mata ko nang tumunog ito. Hindi ito naka-lock. Parang mas lalo ako naexcite. Napabitaw ako agad nang marinig ko ang kotse ni Evan. Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Kinabahan ako bigla. Nanginginig na nag lakad ako papunta sa main door para salubungin si Evan. Pag kabukas ng pinto ay parang May malamig na hangin na pumasok kaya napapikit ako. Pag mulat ko ng mata ko ay halos malaglag ang panga ko sa nakikita kong itsura ni Evan. Tanggal ang coat nito. Long sleeve lang na white ang natira habang naka-unbutton ito ng 3. Magulo ang buhok nitong malambot. At huli, malapad ang ngisi nito sa akin. Bakit ang h-hot nya lalo. Namula rin ako sa nasabi ko sa isip ko. Dahan dahan akong tumikhim "E-evan anong nangyari sa—" Hindi ko na natuloy ang pag sasalita ko nang humalakhak ito ng malakas na nag pakunot ng noo ko. Ano nangyayari sakanya? Mukhang misirable ang mukha nya pero mukha din syang nakikipag laro. Ano ba talaga. Tumigil din ito nang napagod sa pag halakhak. At ito na naman ang malapad nyang ngisi. Bumilis ang t***k ng puso ko. Ngayon ko lang nakita ngumisi ng ganito si Evan at sobrang nakakanibago ito sakin. M-mas lalo ako nahuhulog.. kahit naman siguro ibang babae. "S-sorry uminom ako" ngisi nito. Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Seryoso ba sya. "B-bakit ka nag s-sorry?" kagat labi kong tanong sakanya Napawi ang ngisi nito nang nag punta ang tingin na sa labi ko. Nag iwas ito ng tingin saka humakbang papasok. "f**k! Basta sorry dahil uminom ako! Tsk!" nilampasan ako nito na pasuray suray. Napatulala ako sa sinabi nya habang nag tataka. Ano daw? Sinundan ko sya ng tingin. Muntik na ito matumba pero napahawak ito sa pader saka nag patuloy na sa pag lalakad papunta sa kitchen. Napapalunok ako sa kinatatayuan ko. Sobrang bilis ng kabog ng puso ko. Napakurap kurap ako nang may narinig akong baso na nabasag kaya agad ako tumakbo papunta rito. Una bumungad sakin ang basag na bote sa lapag. Kumalat din ang tubig sa lapag. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Evan na nakasandal sa lababo habang nakayuko at mukhang natutulog na ata. Napailing iling na ako. At pinuntahan sya, hinawakan ko sya sa mag kabilang braso saka sinilip. Napangiti na lang ako. Namumula ang pisngi nito kasama ang ilong nitong napakatangos. "Inom inom. Hindi naman kaya" buntong hininga ko. Sinimulan ko na syang hawakan sa braso saka inikot ito sa leeg ko na paakbay. Nang hinila ko ito na nakasandal sa lababo saka ko lang naalala na mas malaki pala ito kaysa sakin. Kaya napahawak ako sa lamesa para kumuha ng pwersa. I bit my lip. Napatingin ako sa bukas nyang long sleeve at napalunok sa nakikitang dibdib nito na parang kay-tigas parang bato. Nag init ang pisngi ko saka agad na nag iwas ng tingin. Gusto ko pagalitan ang sarili ko. Ano ba itong pumapasok sa utak ko. Nang medyo okay na saka ko sya nilakad dahan dahan. Medyo nahihirapan ako lalo na at na-o-out balance ito kaya nadadamay ako. Hinihingal ako nang tumapat na kami sa hagdanan. Pano na to. Kinagat ko ang labi ko saka napasulyap kay Evan na Tulog na tulog. Gisingin ko na lang kaya sya? Bahala na. Napalingon ako sa sofa. Dinala ko na lang sya dito sa sofa. Maiintindihan naman siguro nya pag kagising nya kung dito ko sya nilagay sa sofa at hindi sa kama nya. Dahan dahan ko sya na inihiga sa sofa. Pag katapos ay pinahid ko ang pawis ko sa noo. Saka yumuko at tinanggal ang sapatos nito. Pag ka tanggal ay bigla ito gumalaw. Akala ko ay magigising na pero hindi dahil umayos lamang pala ito ng pag kakahiga. Umakyat ako sa itaas para kumuha ng comforter. Kumuha ako sa kwatro ko. Agad ko na sya kinumutan pag karating ko, nilagyan ko na rin ito ng unan para komportable ito. Napatulala ako sa mukha nito na napaka-amo pag natutulog. Parang gusto ko tuloy tumakbo sa itaas at kunin ang phone ko para kunan sya ng litrato. Kaso Wag na, okay na ako sa pag titig ko sa mukha nya. Hindi ko alam kung ano ang sumanib saakin at lumuhod ako sa harapan nya at nilapit pa ang mukha sakanya. Wala akong gagawing masama. Gusto ko lang sya titigan. Tipid akong ngumiti. Bakit kahit anong masasakit na gawin mo sakin hindi kita kayang sukuan.. Bakit sobra kita minamahal ngayon.. Sana masuklian mo rin ito pag dumating ang araw na minamahal mo na rin ako.. Napangiti na lang ako nang mapait sa naisip ko. Saka nag desisyon na bumalik sa kwatro —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD