Desiree Larrson Smith
Paakyat na ako ng hagdan. Kakatapos lang namin kumain ni Evan. Pansin ko na hindi sya sumunod sakin. I bit my lip. Sa sofa pa rin sya matutulog? Sabagay hindi ibig sabihin na pinag bigyan nya ako sa gusto ko ay tatabihan na nya ako. Ano ba tong mga iniisip ko.
Kagat labi na nilingon ko sya na ngayong nag tatanggal ng sapatos. Tumikhim ako "A-ahm gusto mo babaan kita ng comforter?"
"No. Don ako sa isang room matutulog" sabi nito habang hindi ako tinitignan
Tumango na lang ako kahit hindi nya ako tinitignan. Tumalikod na ako. Huminga muna ako nang malalim bago nag lakad na papasok sa kwarto namin.
Nag hugas muna ako ng katawan bago nahiga. Payapa ako natulog. Pag dumating si Hana bukas ikwekwento ko ito lahat sakanya.
Kinabukasan hindi na ako nag taka na hindi man nabungaran si Evan. Ang mahalaga sakin medyo nagiging okay na ang pakikitungo nya sakin. Kaya pag katapos ko ayusin ang sarili ko ay nag mamadali akong bumaba. Agad ko naman nabungaran si Hana sa kusina.
Nakita naman ako nito agad at ngumiti ng malapad "Kamusta naman ma'am ang pagiging marupok este dinner date nyo po ni Sir Evan"
Natawa ako sa sinabi nya "It's fine!"
Naupo na ako sa upuan at nag timpla ng kape. Napapakagat labi na lang ako habang inaalala yong nangyari kagabi. Napansin ko namang kumunot ang noo ni Hana.
"Fine? Paanong fine ma'am?"
Ngumiti muna ako sakanya saka nag umpisa na mag kwento. Sobrang linaw pa rin nang mga pangyayari kagabi. Naiwan pa nga yong mabango nyang amoy sa braso ko na galing sa coat nya. Halos mapunit na ang labi ko sa lapad ng ngiti ko habang nag kwekwento.
"Aroy baka mamaya ma'am mauwi yan sa.." pinakita sakin nito yong dalawang daliri nya na nag dikit. Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan.
"Hay nako ma'am ibig ko po sabihin yong mga madalas na ginagawa ng mag asawa yong..you know po"
Nanlaki ang mata ko nang makuha ko ang ibig nyang sabihin "Hana!" namumula na sigaw ko na kinatawa nya.
"Kayo naman ma'am hindi mabiro"
Umiling iling na lang ako sakanya. Bumalik na ito sa pag luluto. Sa sinabi nya naalala ko yong muntik na may mangyari samin ni Evan. Pero naalala ko rin yong mga sinabi nya sakin don. Parang pumait ang panlasa ko sa naiisip ko. Gustong gusto ko sabihin kay Evan na hindi ako ganong babae pero paano? Paano kung magalit na naman sya sakin. Ayaw ko na mangyari yon uli.
Nang matapos na sya nag luto ay nag simula na kami kumain. Habang kumakain nag kwe-kwentuhan kami.
"Kamusta naman ang pag aaral mo Hana?" tanong ko. Palagi ko sya tinatanong dahil parang kapatid na rin ang turing ko sakanya.
"Ayon ma'am medyo humihirap na" bungisngis nya
Tumango ako "Kaya mo yan ganyan din ako dati"
"Ay oo nga pala ma'am ilang taon na po kayo? Parang ang bata nyo na kinasal at hindi po ba kayo nAg trabaho pag ka-graduate nyo?" sunod sunod na tanong nya.
Tipid ako ngumiti sakanya "23 years old palang ako. BSHRM. Uhmm di pa ako nakapag trabaho.."
"Ang lapit lang pala ng edad natin Ma'am!" gulat na sabi nito sabay sumubo
Mapait akong ngumiti sa sinabi nya. Gusto kong mag trabaho. Ang pangarap ko makapag trabaho sa isa sa mga sikat na cruise ship sayang din kasi yong pinag aralan ko. Gusto ko mag sabi kay Evan pero mamaya magalit sya. Ayaw kong humiling nang humiling sakanya dahil medyo nagiging okay na kami ngayon. Ayaw ko kasing bumalik sa dati ang pakikituno nya. Ayaw ko na maranasan pa yon.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag babasa ng magazine o libro dito sa garden. Tumigil lang ako nang nag paalam na si Hana para pumasok. Mag a-alas 6 na rin naman. Pumunta muna ako sa kitchen saka pinainit ang monggo na niluto ko kaninang lunch na kinain namin ni Hana. Umakyat na ako sa taas para maligo. Para mamaya diretso tulog na lang ako. Pag katapos ko maligo nAg bihis na rin ako agad ng dress na pantulog. Napansin ko rin na nag hihilom na lahat ng sugat ko lalo na yong pasa ko sa kaliwang braso, nag sisimula na humupa yong pasa.
Bumaba na ako papunta sa kitchen para patayin ang pinainit kong monggo. Pag dating ko doon ay agad kumunot ang noo ko nang mapansin kong nakapatay na ito. Napatay ko na ba ito kanina? May multo ba dito?
Hindi naman ako takot sa ghost. Kaluluwa na lang sila. Nag lakad na ako pabalik sa sala. Pinabasbas ba nina Mom ito? Napailing iling na lang ako sa mga iniisip ko.
Biglang may narinig akong kalabog sa taas. Doon sa study room. Umakyat ako papunta dito. Nang makarating ako ay agad ko hinawakan ang seradura at pinihit pabukas. Una ko nakita ang basag na cellphone sa lapag. Mukhang sinadya itong binato dahil durog na durog ito.
Nag taas ako nang tingin at doon nakita ko si Evan na salubong ang kilay na nakatutok sa laptop nito. Hindi pa nito tinatanggal ang coat nya. Magulo ang buhok nito.
Napakagat ako ng labi. Tumikhim ako para makuha ang atensyon nya. Agad naman ito nag taas ng tingin kaya nag tama ang mata namin.
Ngumiti ako nang mahinhin sakanya "Gusto mo dalhan kita ng coffee?"
Tumango ito agad saka nag baba nang tingin sa laptop na nasa harapan nya. Pinigilan ko na lang ang pag ngiti ko saka tumalikod. Pag karating ko sa kitchen ay ginawang ko na sya ng coffee. Nag sandok na rin ako ng monggo at kanin. Pag katapos ay umakyat na ako sa study room. Kumatok muna ako bago ako pumasok. Di ko sya pinansin dahil tuloy tuloy ang punta ko don sa mini sala nya. Binaba ko don yong dala ko.
"Halika na dito Evan. Tigil mo muna yan. Kumain ka muna" sabi ko habang tinatapos ang pag lapag ng pag kain sa mesa.
Nag taas ako nang tingin sakanya. Don ko lang nalaman na nakatitig sya sakin. Bumaba ang tingin nya saglit sa pag kain na dala ko saka bumalik ang tingin sakin. I bit my lip. Galit ba sya? Bakit ko pa kasi dinalhan. Ang sabi lang naman nya ay coffee.
"A-ayaw mo ba kumain? S-sige ibaba ko na lang ito—"
"No. Kakain ako" putol nito sa sinasabi ko saka tumayo at naupo sa harapan ko.
Pinanuod ko sya kumain. Napapatulala talaga ako sakanya. Parang Ang sarap nya panoorin pag kumakain.
"Gagawin mo pa rin kaya sakin to pag sinaktan kita ulit.."
Bulong nito na hindi ko narinig. Halos walang boses na binulong nya ito "Ano yon Evan?"
"Wala" pinal na sabi nito saka pinag patuloy ang pag kain nya
Tumango na lang ako at nilibot ko na lang ang tingin ko sa paligid. Namamangha ako sa itsura nito. Napakaganda.. Ngayon ko lang napuntahan itong study room. Agad may nakapukaw ng atensyon ko.
"You love reading hah?" puna sakin ni Evan. Siguro nakita nya ang pag titig ko sa hilera ng libro.
Nilingon ko sya. Nakatitig lang ito sa mata ko. Kanina pa ba nya ako pinapanood?
Lumunok ako "Yap!"
"Okay from now on pwede ka na pumasok dito.." sabi nito saka agad na nag baba ng tingin sakin.
Hindi ko mapigilan na mas lalo lumapad ang ngiti ko sa sinabi nya. Parang may paru-paru sa tyan ko na nag wawala na.
"T-thank you Evan!"
Hindi na ito umimik at tinapos ang pag kain. Nang matapos sya ay agad na sya tumayo dala ang coffee nya saka nag tungo sa table nya. Tumayo na rin ako dala ang pinag kainan nya para ibaba na ay maligpitan ko na. Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko.
"Desiree.."
Halos mapatalon ako sa pag tawag nya sa pangalan ko. I bit my lip saka dahan dahan na lumingon sakanya. Nakita kong salubong ang kilay nito at nababasa ang iritasyon sa mukha nito.
"Kumain ka na. Wag ka mag palipas nang gutom. Ngayong tapos na ako pwede ka na kumain. Alam ko namang ayaw mo ako kasabay"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Ano sinasabi nya? Mag sasalita na sana ako nang mapahinto ako saka ko nakuha lahat lahat. Simula sa iritasyon sa mukha nya at huli sa sinabi nya.
Bumalik ang tingin ko sakanya na ngayong salubong ang kilay na nakatuon sa laptop nito. Napalunok ako. Ayaw ko mag assume. Pero..
Kumunot ang noo ko nang may napansin akong sauce ng monggo sa gilid ng labi nya. Hindi na ako nag isip pa at lumapit na ako sakanya. Sakto namang naramdaman nya ako. Kumunot ang noo nya sa pag lapit ko sakanya. Ngayong nakatingala na sya sakin agad ko nilapit ang kamay ko sa gilid ng labi nya saka pinunasan ang dumi dito.
Naramdaman kong nanigas ito sa kinauupuan nito.
"DESIREE!" sigaw nito na nag pagising sakin. Agad ko nilayo ang kamay ko sa labi nya. Nag init ang pisngi ko
"S-sorry Evan" aligagang sabi ko saka mabilis na tumalikod at lumabas na.
Pag kalabas ko doon lang ako napahinga nang malalim. Ramdam ko ang kiliti sa tyan ko. Ramdam ko rin ang bilis ng t***k ng puso ko. Bakit ko ginawa yon
Napapikit ako at pilit na pinapakalma ang puso ko. Anong ginawa ko. Napakagat ako ng labi saka nanginginig na nag lakad na papunta sa kusina. Mamaya magalit na naman si Evan sakin sa ginawa ko. Gusto ko pagalitan ang aking sarili sa biglaang pag pahid ko sa gilid ng labi nya.
Huminga muna ako ng malalim. Pinapakalma ang sarili. Nang maayos ayos na ay sinimulan ko na hugasan ang mga pinggan. Pag katapos ay agad na kumuha ako ng tubig at diretso na ininom. Napasandal pa ako saka pumikit. Pinakinggan ang pag t***k ng puso ko.
Nag bukas ako ng mata. Nanlaki ang mata ko at bumilis na naman ang pag t***k ng puso ko.
"E-evan.." nasa harapan ko ngayon ang taong nag papabaliw ng puso ko ng sobra sobra.
Bumaba ang tingin nito sa dibdib ko na medyo kita dahil sa long v neck na dress ko. Dumilim ang mukha nito. Binundol ako ng kaba. Pero hindi kaba dahil natatakot. Kaba dahil May iba akong nararamdaman.
Bumalik ang tingin nito sa mata ko. Napakagat ako ng labi. Napalunok ito ng tignan nya ang labi ko.
"s**t bahala na!" mura nito
Hindi na ako nakapag salita pa nang malalaking hakbang ito nAg tungo sakin. Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang pag lapat ng labi nya sakin. Parang bago lang ang pag halik nya sakin.
Naramdaman ko ang pag kagat nya sa ibabang labi ko na nag paawang sa labi ko. Napasinghap ako nang nag simula na gumalaw ang labi nito sa ibabaw ng labi ko.
Nanlalambot na rin ang katawan ko. Naramdaman ko na lang na inangat nya ako sa lamesa. Hindi ko alam bakit pero napahawak na lang ako sa batok nya. Nang gigil ata sya sa pag pulupot ko sa batok nya dahil mas lalo bumilis ang pag halik nya.
Naramdaman ko ang pag gala ng kamay nya sa dibdib ko "E-evan.." hindi ko napigilan at napaungol na ako.
Para naman syang bigla napaso at mabilis na lumayo saking habol ang hininga. Ako naman nakaawang pa rin ang labi ko.
"s**t! s**t! s**t!" mura nito na halos sabunutan ang sariling buhok.
Napapalunok na lang ako. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Parang kanina nasa loob lang sya ng study room.
"E-evan.." tawag ko sakanya
Marahas naman nya ako nilingon. Huminga muna ito nang malalim "Dont..Wag mo ako tinatawag ng ganyan"
Hindi ko sya maintindihan. Bumaba na rin ako sa lamesa at inayos ang sarili. Medyo bumaba na ang dress ko.
Ngayon ko lang napansin na Wala na ang coat nito pati neck tie. Naka-unbutton na rin ang 3 butones nya mula sa dibdib. Hindi ko mapigilan na mapatitig dito lalo na tumataas baba ang dibdib nito sa pag hahabol ng hininga.
I bit my lip "E-evan yo—"
"Shut the f**k up!" sigaw nito. Ginulo pa muli nito ang buhok nya at frustrated na tumingin sakin
"You don't get it hah? Wag mo ako tinatawag ng ganyan dahil naaakit ako! Baka makalimutan kong may girlfriend ako!"
Doon na ako napahugot ng hangin. Hindi na ako nakapag salita pa dahil mabilis na ito tumalikod sakin. Hindi ko na alam kung Ano mararamdaman ko ngayon. Anong ibig nyang sabihin doon?
**
Kinabukasan ay tulala ako na nakaupo sa harapan ni Hana na nakakunot ang noo sakin. Nag tataka na rin siguro ito.
"Okay lang po ba kayo ma'am? Sinaktan na naman po ba kayo ni Sir Evan?"
Oo sinaktan nang sobra yong labi ko gamit ng labi nya. Dahil hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang labi nya. Napapailing na lang ako. Ano ba tong inaalala ko.
"W-wala. Naalala ko lang yong binasa kong story kagabi"
Tumango na lang si Hana saka ngumiti ng malapad sakin.
"Anyway ma'am nasabi nyo na po ba kay Sir Evan?"
Kumunot ang noo ko "Sinabing ano?"
"Ma'am yong gusto nyo mag trabaho. Kahit hindi nyo naman po sabihin sakin alam ko long gusto nyo eh"
Napatingin na lang ako sa labas sa sinabi ni Hana. Tama naman sya. Pero Wag muna ngayon. Atsaka... nagulat pa ako sa nangyari kagabi.
"Sa susunod na lang siguro" bulong ko
"Nako ma'am Dali-dalian nyo po. Balita po kasi hoeing po don sa isang sikat na cruise ship don sa pag mamay-ari ng Monteverde"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya "Seryoso?"
Tumango tango ito saka biglang kinilig "Apply nga sana ako ma'am eh kaso nag aaral pa ako. Sayang bali-balita pa naman nag gagala gala yong crush ko don"
"Sino naman crush mo bata ka" sabi ko saka nag palaman ng tinapay
"Si Ethan. Yong captain namin sa University!" kinikilig na kwento nito.
Tango na lang ako ng tango sa kwento nya tungkol sa mga crushes nya. Oo marami syang crush. Kaya minsan napapa-huh na lang ako dahil iba-iba ang pangalan na binabanggit nya araw araw.
"Oo nga pala ma'am! Dumating na yong crush ko galing sa Paris dahil sa concert nito! Papa-autograph ako don sa panty ko" hagikgik nito.
"Hana mag aral muna nang mabuti"
"Oo naman po ma'am! Di ko lang mapigilan na humanga don kay Arvid. Pogi na, singer pa at law student pa!" pinag saklob pa nito ang kamay at tumingala na parang may iniimagine.
Napapailing iling na lang ako. Sabagay ganyan din ako nung college ako kay Evan pero hindi ganyan na madaldal. Tahimik lang ako humahanga.
Napukaw ang atensyon namin sa pag tunog ng doorbell. Tatayo na sana ako nang nauna na si Hana. Tumakbo ito papunta sa main door. Sumunod na lang ako. Sakto namang pag dating ko ay nakabukas na ang pinto at niluwa na non ang tao na nag d-doorbell.
Umaliwas ang mukha ko nang makita ko si Vivoree na nakangisi sakin. Pero agad napawi ang ngisi nya nang mag tungo ang tingin nito sa labi ko.
"Sinong ipis ang pumapak sa labi nyo?!"