Chapter 4

2531 Words
Evan Smith Nakakunot ang noo ko at halos mag usok ang ilong ko sa galit sa naririnig ko sa Tatay ko. "Do you understand me Evan? Wala kang makukuha kahit isang mana pag pinag patuloy mo pa ang kalokohan mo na yan!" "At sino nag sabi sainyo nyan Dad? Yong lintek na Desiree na yon?!" Gusto ko nang ibato yong hawak kong cellphone. Binato ko yong isang sigarilyo na galing sa bibig ko. At bumuga. Hindi ako pinapakalma nito! "Wag na wag mo pag sabihan nang ganyan ang asawa mo Evan! Wala syang kinalaman dito. Ako ang kumuha ng number mo dahil hindi ka umattend sa meeting! At don ko lang nalaman na Wala ka sa bahay nyo! At hindi pa alam ni Desiree Kung saan ka nag punta!" Hindi ko na pinapakinggan ang sinasabi ng Tatay ko dahil isa lang ang naiisip ko. Nandidilim na ang paningin ko sa Desiree na yan. Pinupuno nya ako "Honey.." ramdam ko ang pag haplos ni Tania sa balikat ko habang pinapakinggan ang Tatay ko. "Wag mo ako pinupuno Evan. Pag nalaman ito ni Mom mo at lalo na ng mga magulang ni Desiree-" "Edi malaman nila para mag kahiwalay na kami!" sigaw ko "Oo at pag nag kahiwalay kayo mas lalong hindi mo makukuha ang mana mo at tatanggalin na kita bilang CEO ng kumpanya at ibibigay ko ito sa Vice President na alam mo na sakim sa pera." "f**k! Di mo magagawa sakin yan Dad! Bullshit!" "Try me Evan. Try me" Hindi na ako sumagot dahil agad ko pinalipad sa pader yong cellphone ko na durog na durog na. Napahilamos ako sa mukha at naupo. f**k this life! "Honey..sundin mo na lang si Daddy mo" masuyong sabi ni Tania. Napatingin ako dito Kunot noo na sinagot ko ito "No way! Hindi ko magagawa yon! Hindi kita iiwan!" Ang masuyo nitong mukha ay bigla napalitan. Bigla bumagsik ang mukha nito "Wag mo muna nga ako aalahanin! Alalahanin mo yong magiging mana mo! Hindi pwedeng mawalan ka o tayo ng pera!" Napahinga na lang ako nang malalim saka tumayo. Niyakap ko si Tania. Naramdaman kong kumalma na ito. "Okay honey.." Humiwalay ito at nakangiti na tumitig ito sakin. Mahal na mahal ko talaga si Tania. Ilang taon na kami mag kasintahan. At gusto kong sakanya lang ako ikakasal pero dahil sa lintek na Desiree na yan. Nasira lahat ng plano ko sa buhay! Umuwi na ako na nandidilim ang paningin ko. Hindi ko na mapipigilan ang sarili ko. Nag tatagis ang ngipin ko habang pababa ako sa kotse ko. Hindi na ba talaga sya natuto! Ang galing nya pa mag sumbong! Talagang pinupuno nya ako. At ng gabi na yon naranasan ni Desiree yong hell na sinasabi ko na maipaparanas ko. Wala ako pinag sisisihan sa mga ginawa ko. Wala akong pakealam kung umiyak pa sya ng dugo sa harap ko. Gusto ko ay mawala na sya sa buhay ko! "S-Sir Evan?" Napatingin ako sa katulong na kinuha ko sa mansyon. Nag tataka siguro ito sa ayos ko. Mukha akong miserable sa itsura ko. Gulo ang buhok. Maluwag ang necktie at may hawak na alak. Oo miserable sa kasal na ito! f**k! Tumayo na ako nang marinig ko na ang kotse ni Tania. Napangisi ako. Dapat yon ang asawa ko ngayon at hindi ang Desiree na yon. "Oh pakawalan mo na yong ma'am mo" tinapon ko sa lapag yong susi nang room na pinag kulungan ko ng Desiree na yon. Hindi ko na sya pinansin po at malaki ang hakbang ko na sinalubong si Tania na nakanganga sa harap ng bahay namin ni Desiree. Maganda kasi ang pag kakadesinyo dito sa bahay. Pero wala naman akong pakealam. Lumapit na ako dito don ko lang nakuha ang atensyon nya. "Grabe ang ganda ng bahay nyo ah!" Umirap ako sa sinabi nya saka bigla sya hinila para yakapin. Nanlalambing ako, Gusto ko mapansin nya yong itsura ko ngayon. Pero mas inuna pa nya pansinin yong bahay. Nang makarating na kami si condo ko ay nanlalata na nag diretso ako sa sofa at humiga. Napagod ako s**t. "Honey gusto ko rin nang ganong bahay. Kailan ba tayo mag kakaroon ng ganong bahay?" Naiirita na ako sa paulit ulit na banggit ni Tania tungkol sa bahay na yon. Bibilhan ko naman sya ng bahay eh. Mas malaki pa don! Naramdaman kong naupo sya sa ibabaw ko. Oh this girl.. Agad na humawak ang kamay ko sa bewang nya ay tinaas baba ko. "Honey kamusta naman nangyari kagabi? Pinagsabihan mo ba yong b***h na yon?" Napatigil ako sa ginagawa ko At naalala ko yong ginawa ko kay Desiree kagabi. Mabuti sakanya yon "Honey ano nga!" "Tsk pinahirapan ko. Kinaladkad ko at kinulong para mag tanda!" nakapikit pa rin na sabi ko Napamulat ako nang bigla ito tumayo. Salubong ang kilay na tinignan ko sya dahil kita ang galit nito sa mukha. f**k! Wag nyang sabihin na naaawa sya sa b***h na yon?! "Bakit mo sinaktan?! Diba ang usapan pag sasabihan mo lang!" "Eh ayaw nga makinig Kahit ANONG sabi ko! Ano ba Tania naaawa ka ba hah?!" sigaw ko sakanya Mas lalo bumagsik ang mukha nito sa pag sigaw ko. "Hindi ako naawa! Think Evan! Pag sinaktan mo yon physically mag susumbong yon o dikaya makikita yon ng mga magulang nya!" "Oh edi maganda diba mahihiwalay na ako saka—" hindi ka natuloy ang sinasabi ko dahil mabilis na lumagapak sa mukha ko yong kamay nya. Nag init ang ulo ko sa pag sampal nya sakit kaya agad ko sya hinablot sa braso ng madiin. Pero hindi man ito napa-aray. "Hindi ka ba nag iisip?! Mag hihiwalay kayo dahil sinabi nang magulang nya at hindi dahil desisyon nya! Dapat saktan mo sya na nag papapilit sakanya o mag papasuko sakanya sayo para sya na mismo ang file ng divorce. Wala kang sabit dahil sya mismo ang nakipag hiwalay. Makukuha mo pa ang mana mo!" Napapailing iling na lang ako sa mga sinasabi ni Tania. Huminga ako nang malalim "Sinasabi mo na dapat maging mabait ako sakanya?" malambing na sabi ko sakanya. Nawala naman bigla ang galit nito sa mukha nya at pinulupot ang kamay sa batok ko na kinangisi ko. "Hindi sa ganon honey. Take it slow. Wag mo bibiglain. Dapat pag sinaktan mo yong malaki na ang impact sakanya yong tipong hindi na sya makakahinga At pipiliin na lang makipag hiwalay sayo." Ngumisi ako sakanya saka hinapit sya lalo. Napasinghap ito nang may naramdaman. Kaya ko to minahal dahil mautak at matapang. "Okay masusunod ma'am" Sumabit na sya sa bewang ko "Sa ngayon g-gamutin mo muna yong sugat nya.." nahihirapan nyang sabi Hindi ko na sya pinansin at pinag patuloy ang pag halik sa leeg nya. Parehas na kami nalulunod sa nararamdaman namin. — Desiree Larrson Smith "Tapos na. Wag ka na lang masyado mag lakad lakad" Nakatingin lang ako kay Evan na ngayong binababa ang pangalawa kong paa. "Desiree.." Napapikit pikit ako saka nag iwas ng tingin. Napalunok pa ako. Hindi ako makahinga sa bilis ng t***k ng puso ko. Ano ginagawa mo sakin Evan? Totoo ba to? "Ikaw na bahala sa pasa mo sa braso. Dampi dampian mo yan ng yelo para medyo humupa" tukoy nya sa kaliwang braso ko na ngingitim. Tumingin ito dito bago nag taas ng tingin sakin. I bit my lip "S-salamat Evan.." nauutal na sabi ko Tumango ito. Napansin kong sumaglit ang tingin nito sa labi ko saka tumayo. Namula naman ako sa ginawa. Tumayo na rin ako. Ngayon ko lang napansin na sobrang taas nya pala. Hanggang balikat nya lang ako. Nag umpisa na itong nag lakad papunta sa main door. Nag aalangang binuka ko ang bibig ko. "E-evan.." tawag ko na kinahinto nya. Lumunok muna ako "U-uuwi ka ba mamaya? Ipag luluto sana kita" Humiling ako na sana pumayag sya. Pag thank you ko lang sa ginawa nya. Nag hintay pa ako ng ilang minuto. Walang ingay ang maririnig. Bigla tuloy gusto ko sisihin ang sarili ko dahil tinanong ko pa sya. Tumikhim ito "Ok. 8pm" Lumapad ang ngiti ko sa sinabi nya. Mag sasalita na sana ako pabalik nang umalis na ito. Napapatulala ako sa mga nangyayari. Gumagaan ang pakiramdam. Iba pakiramdam ko ngayon. Parang bang ito na yong pakiramdam nang pag sisimula nang pagbabago ng pakikitungo sakin ni Evan. Hindi ko napigilan na ngumiti nang bumalik ako sa kusina At natagpuan don si Hana na nag aayos ng plato. "Sasabay po ba satin si Sir Evan?" tanong nya na mabilis ko kinailingan. Nag taka naman ito sa labi ko na halos mapunit na kakangiti "Eh bakit Ma'am parang ang saya nyo?" "Sabay kasi kaming mag di-dinner mamaya!" masayang sabi ko Nanlaki naman ang mata nito na halatang gulat na gulat, Kahit ako rin naman nagulat bigla sa inasal ngayon ni Evan parang nakakanibago. Ano kaya nakain non at bigla nag bago? Naawa kaya sya sakin o Di kaya pinag sisihan yong mga ginawa nya sakin? Napailing iling na lang ako sa mga tanong ko. Basta ang mas mahalaga ngayon ay maayos na ang pakikitungo sakin ni Evan. Hindi ako mag aalangan na sulitin ang mga ito. Sabay na lang kami kumain ni Hana ng umagahan pati na rin ng lunch. Masayahin tong si Hana at madaldal. Naalala ko sakanya si Vivoree. Siguro kung mag karoon kami ng bonding. Isasama ko ito, siguradong mag kakasundo sila. "Ma'am punta na po ako! Goodluck sa dinner date nyo mamaya ni Sir Evan" nakangisi na tukso nito "Baliw ka talaga. Sige na pumasok ka na" natatawang sabi ko Tumango na ito at nag lakad na palabas. Kung hindi ako nag kakamali, nag aaral ito sa Xander University. Scholar. Tinuon ko na lang ang sarili ko sa pag babasa ng magazine. Nililipat ko ang page nito. Nabasa ko ang title nito Young hot bachelors who's already married with their love one Nakasulat dito yong dalawang mag-kapatid na Montenegro na sina Theseus Montenegro ay Thunder Montenegro. Kapwa't nakasuot ang mga ito ng corporate attire nila habang nag lalakad at may suot na shades. Stolen shot siguro ang mga ito. Binasa ko ang mga nakasulat doon. Nakalagay doon ang mga sagot nila sa interview about paano sila nag tino at pano sila nag kakilala ng kanilang mga nakapangasawa. Namamangha na lang ako and the same time naiiyak sa love story nila. Parang nakaramdam ako nang inggit. Bumuntong hininga na lang ako. Tinabi ko na yong magazine dahil tumunog na ang alarm clock ko na ibig sabihin ay kailangan ko na mag luto. Muli bumalik ang sigla ko. Nag tungo na ako sa kitchen para mag luto. Habang ginagawa ko ang sopas pinag dadasal ko na sana na kahit ngayon lang walang Tania, walang away at walang sakitan. Matikman nya lang yong luto ko. Last time kasi napanis lang yong sopas dahil hindi nakain. Pag kababa ko ng bowl na may lamang sopas sa mesa ay sya ring pag rinig kong pag parada ng kotse ni Evan. Binundol na naman ako ng kaba. Pero agad din akong umiling. Walang mangyayaring masama ngayon. Huminga ako nang malalim saka nag lakad papunta sa pintuan. Gusto ko sya salubungin. Ganon naman diba ang gawain ng wife sakanyang husband. Binuksan ko na yong pinto. Agad ko nakita si Evan na madilim ang mukha na papalabas sa kanyang kotse. Nag taas ito ng tingin sakin. Kumunot naman ang noo nito nang makita nya ako na nAg hihintay sakanya. Huminga ako ng malalim. Ngumiti ako sakanya kahit kinakabahan ako. "Good evening E-Evan.." Madilim pa rin ang mukha nito na nakahinto sa harapan ko. Hindi ito umimik. Kaya nag lakad ako palapit sakanya na mas lalong kinakunot ng noo nya. Hinawakan ko ang mag kabilaang manggas ng coat nya at dahan dahan na hinuhubad. Napalayo naman sya bigla kaya naiwan sa ere ang kamay ko. "What the f**k are you doing?!" malakas na sigaw nya sakin Natakot ako sa sigaw nya at dahan dahan na binaba yong kamay ko. Yumuko na lang ako "T-tulungan lang kita na hubarin yong coat mo b-baka kasi pagod ka na galing sa trabaho.." bulong ko Nakayuko ako, natatakot kasi akong tumingin sa mga mata nya na parang nang hihigop ng kaluluwa. Dahil don di ko alam kung anong reaction nya. Baka mas lalo syang nagalit sakin. Pinag saklob ko ang dalawang kamay ko na nanginginig. Narinig ko ang pag hugot ng hininga nya "Fine..tanggalin mo na" malambot na sabi nya Dahan dahan ako nag taas nang tingin sa sinabi nya. Ang madilim nyang mukha bigla nag bago. Parang lumambot.. "E-Evan.." nauutal kong sabi kasi nagulat ako "Tsk!" nanlaki ang mata ko nang sya na ang kumuha ng dalawa kong kamay saka dinala sa manggas ng coat nya. "Go" Napalunok ako sa titig nya. Binasa ko ang labi ko na agad nya tinignan kaya nag iwas ako ng tingin at tinuon ang mata sa coat nya. I composed myself, unti unti ako ngumiti saka dahan dahan na tinanggal ang coat nya. Isa to sa pangarap ko ang matanggal ang coat ng asawa ko pag galing sya sa trabaho. May kiliti na naman akong nararamdaman sa tyan ko. Pag katapos ko matanggal ay saka ko hinarap ang titig ni Evan. "Halika na. Kain na tayo. Pinag luto kita ng sopas na paborito mo" nakangiti na sabi ko Huminga naman ito ng malalim saka niluwag ang necktie "Yeah. Gutom na rin ako" Napalunok ako sa paraan ng nang pag tanggal nya ng necktie nya. Gusto ko pagalitan ang sarili ko. Bakit sa harap pa ng asawa ko ako natutulala. Pinilig ko na lang ang ulo ko at nanginginig na nag lakad papunta sa kitchen. Nilagay ko na lang ang coat nya sa sofa. Rinig ko na rin naman ang mga mabibigat nyang hakbang At ramdam ko ang mainit nyang katawan sa likod ko. I bit my lip. Walang umiimik saming dalawa nang nakaupo na kami. Kukuha na sana sya ng sopas nang agad na kinuha ko ang bowl saka nag salin sa mangkok nya. Ramdam ko naman ang titig nya sakin pero Di ko na lang pinansin. This is my duty as his wife atsaka gusto ko naman. Nag lagay din ako ng kanin sa platito na nasa gilid nya "Ayan okay na!" nakangiti na nag angat ako nang tingin sakanya Napawi ang ngiti ko sa paraan ng pag titig nya "S-sorry Evan.." Hindi na lang ito umimik at nag simula na kumain. Ngumiti na lang ako sa isipan ko. Sana magustuhan nya ang luto ko. Nakatingin lang ako sakanya. Parang kasi ang sarap nya titigan habang kumakain. Napansin ko na ubos na pala ang sopas nya at mag sasandok pa sya kaya agad naman na kinuha ko ang bowl ng sopas para salinan sya nang pigilan nya ang kamay ko "Ako na lang Desiree.." Napatulala naman ako sa pag banggit nya sa pangalan ko. Nakakalundag ng puso. Tumango na lang ako saka hinayaan sya mag sandok ng sarili nya. Sumasabay sa pag galaw nya ang pag sayang ng buhok nya na sobrang lambot. Pinanood ko na lang sya kumain. Pinag luluto rin kaya sya ni Tania? Parang may tumusok na karayom sa puso ko nang maisip ko yon. Bumuntong hininga ako. "Bakit hindi ka pa kumakain? Ayaw mo ba ako kasabay?" Halos mapatalon ako nang mag kasalubong ang mata namin. Agad naman ako nag iwas nang tingin. "S-sorry.." sabi ko saka nag simula na rin kumain. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD